Her pov Tatlong araw palang siya bilang online seller ay tila ba suko na siya. Nakakapagod na nakakapaos ang satsat ka ng satsat sa harap ng camera. Pero wala siyang choice dahil nagkasuboan na. Kumbaga nabasa na siya kaya maliligo nalang. Sa loob ng isang araw nakaka sampo siyang benta, nung nakaraan walo tapos dalawa pa ang cancelled. Kaya kinausap siya ng may ari na dapat galingan pa niya, kasi di daw pwede na laging ganun. Mahirap daw pag laging ganun ang benta niya, kulang pa sa pampasahod sa kanya ang benta niya. Kaya syempre nag aalala din siya, pakiramdam niya ay di niya talaga forte ang pagbebenta. Naiinis siya sa tuwing kakasabi palang niya ng presyo may mag comment na naman ng how much. Yun ang mga pinakagigil moments niya, tapos yung mag mine ngayon tapos bawi later. Medyo

