•••May Damdamin Din Ako•••

3471 Words
Ano ba ang naging kasalanan ko sa mundo? Bakit ako ginaganito? Masama ba na iniluwal ako? Masama ba na nabuhay ako? Hindi ko makakaila ang mga bagay-bagay na may kapintasan ako pero normal bang akuin ko lahat ng pasakit dahil lang doon? ***** Magandang Araw po sa inyong lahat! Ako po si Bernie Quichon Yambao. Nakatira po ako sa isang liblib na probinsiya ng Pilipinas. Salat man sa pera pero masagana naman ang mga tanim dito sa amin. Hindi naman po ako matatawag na kapos sa buhay pero mas kapos sa mga kasiyahan na maaring ipagkaloob ng buhay. Sana po ay magustuhan ninyo at makakuha po kayo ng aral sa aking pakikipagsapalaran sa buhay. ***** "Bernie! Bumangon ka na riyan at tulungan mo ko sa gawaing bahay" "Bernie!!" "Bernie!!" "Bernie!!" **paaaak** **paaaak** Nagising ako sa sakit na naramdaman ko sa aking ulo. "Nay, ano ba?? Natutulog ang tao oh?", sambit ko sabay himas sa masakit kung ulo. "Abay maaga na. anong oras kapa gigising, aber?", tanong ng aking nanay na nanlilisik ang mga mata sa galit. "Gigising na ho!" ,sagot ko habang inuunat ang katawan. "Abay gumising kana, Bernie. Anong oras na? Sa inyong labing tatlong magkakapatid ikaw ang pinakatamad". OO. Tama nga ang narinig ninyo. Labingtatlo kaming magkakapatid. Diba ang sisipag ng nanay at tatay ko? Ako 'yong nasa gitna. Isang taon lang yata ang pagitan naming magkakapatid eh. hahaha Ganyan kasipag ang nanay at tatay ko. Pero sa aming magkakapatid, ewan ko ba, kung bakit sa akin lang malayo ang loob ni nanay. Sa amin kasing magkakapatid. Ako lang lagi ang pinapagalitan ni nanay. Parang mataas ang dugo niya parati tuwing makikita niya ako sa araw-araw. Hindi ko na lang pinapansin Iniisip ko na lang na mahal ako ni nanay kaya ganun. Na mahal niya ako kaya ako ang lagi niyang pinapagalitan. Hahahaha Gumising na ako at niligpit ang higaan. Pagkatapos sa kwarto ay pumunta muna ako sa banyo para maghilamos. "Bernie!!", tinig iyon ni nanay. "Bernie!!", ilang ulit pa niya akong tinawag. "Andiyan na ho!", sagot ko sabay punas ng aking mukha ng tuwalya at lumabas. "Ikaw talagang bata ka oh. Ilang beses ba talaga kita dapat na tawagin. Pakibilisan naman ho ang paggalaw dahil marami pa tayong gagawin." ,sambit ni nanay. Tila galit na siya sa akin. Umupo muna ako sa lapag para kumahin ng umagahan. "Ano pong ulam nay?", tanong ko habang pinagmamasdan ang pagkain sa mesa. "Tuyo po.", sagot niya. "oo nga po parang kayo may tuyo.", sambit ko nang pabulong. "ano sabi mo?", tanong ni nanay "ah eh wala po. sabi ko po, kain po tayo", palusot ko. "marami ka pang sinasabi, kumain ka na diyan. abay, pagkatapos mo diyan mag-igib ka muna ng tubig at ipangbabanlaw ko sa mga pinggang pinagkainan natin", utos ni nanay. "opo nay", sagot ko habang sinisubo ang masarap na tuyo sa aking bibig. "at pakibilisan dahil paliliguan mo pa ang mga kapatid mo.", dagdag pa ni nanay. Pagkatapos kumain ay sinunod ko ang bilin ni nanay na mag igib ng tubig. Ang mga nakakatanda kong kapatid ay maaga pa sa taniman para tulungan si tatay sa bukirin. May maliit kasing lupa si tatay sa bukid na sa kanya talaga nakapangalan. Kaya hindi mahirap sa amin ang pagtatanim dahil wala kaming iisipin na babayaran sa lupang tinutubuan ng aming palayan at iba pa. "Kuya ligo tayo sa sapa. Masarap doon", aya ni Dong. Si Dong ang kapatid kong sumunod sa akin. "oh, sige buh. Magpapaalam muna ako kay nanay. Baka magalit na naman kasi iyon kapag hindi tayo nakapagpaalam sa kanya", sambit ko bago pumasok sa bahay para pumunta kay nanay. "Nay magpapaalam sana ako. Nag aya kasi sina dong kung pwede kaming maligo sa sapa?", tanong ko kay nanay na nakaharap sa hinuhugasang pinggan. "Oh siya sige, basta't bantayan mong maigi ang mga kapatid mo huh. 'wag masyadong magbabad sa tubig at baka sipunin na naman kayo." bilin ni nanay. "opo nanay, salamat po.", sagot ko nang nakangiti sabay takbo palabas ng bahay. Tumakbo ako papuntang likuran ng bahay kung saan naruruon ang anim kong kapatid. "Halina kayo, nagpaalam na ako kay nanay at pwede daw tayong maligo sa sapa. Basta hindi tayo masyadong magbababad sa tubig at baka sipunin na naman tayo", paliwanag ko. "yehey" "yhey" "yawhooo" "opo kuya" "bilis! punta na tayo ng sapa" "halina kayo" tanging nasabi ng mga kapatid kung excited maligo sa sapa hahaha Agad kaming pumunta sa sapa at masayang nagpabasa sa maaliwalas na tubig. Hindi naman kalayuan sa aming bahay ang sapa. Pwede lang namang lakarin. Masaya akong makita ang mga kapatid ko na masayang naliligo sa sapa. makikita sa labi nila na kahit sa ganitong sinpleng bagay lang ay masaya na sila na hindi importante ang mga materyal na bagay kundi ang magkakasama lng kaming magkakapatid ay kuntento na Magtatanghali na nang kami ay makauwi galing sa sapa mabuti na lamang at hindi nagalig si nanay kung hindi malamang ako na naman ang mapagbubuntungan ng galit bukod kasi sa ako ang panganay sa mga kapatid kong pumunta sa sapa, ay mainit na talaga ang dugo ni nanay sa akin simula pa nuong una ***Kinagabihan sa hapagkainan*** "oh mga anak, kamusta ang inyong buong araw?", tanong ni tatay habang sumusubo ng kanin sa kanyang bibig "ok lang po. naligo po kami sa sapa kanina", masayang sagot ng kapatid kong si cheska si cheska ang pang siyam sa aming magkakapatid "Eh tay masakit po ang likod ko kakabuhat ng araro magdamag. Pwede ba akong magpahinga muna bukas?", tanong ni arnold habang pilit inaabot ang kanyang likod na may kasamang kalungkutan sa kanyang mukha si arnold ang pangatlo sa aming magkakapatid lahat nang anim kung kapatid na mas may edad pa sa akin ay sumasama kay tatay para tulungan siya sa taniman namin sa bukirin Habang sila ay abala sa pagkukwentuhan ng mga u bagay-bagay tungkol sa kanilang maghapon ay tumayo ako sabay abot ng babasaging petsel sa harap ko para kumuha ng tubig sa kusina pagkatapos kung kumuha ng tubig sa kusina ay agad-agad akong bumalik sa hapagkainan. Nang malapit na sana ako sa sa mesa ay bigla akong natalisod nabitawan ko ang babasaging petsel. Akma ko na sanang dadamputin ang mga parte ng nabasag na petsel sa sahig, ay nakaramdam ako ng kirot sa aking kaliwag tenga biglang tumulo ang aking luha pagtaas ko nang aking ulo ay nakabungad sa aking harapan ang nanlilisik na mukha ni nanay "Ikaw talagang bata ka oh, wala ka talagang gagawin na hindi mo ikakapahamak", galit na sabi ni nanay sabay punit sa kaliwang tenga ko "aray nay! Masakit po!", naluluhang sabi ko habang dahang dahang tumatayo dahil pilit na pinipihit ni nanay pataas ang aking kaliwang tenga umagos na ang aking luha sa aking pisngi dahil sa sobrang sakit "Tama na yan inang. Hindi naman sinasadya ni Bernie", pagtatanggol ni tatay habang kinukuha ang kamay ni nanay sa aking kaliwang tenga "Magsama kayong mag-ama. Puro kayo sakit sa ulo!", galit na sagot ni nanay habang inaalis ang kamay niya sa tenga ko. Tinitigan ni nanay si tatay nang masama at nagdadabog na pumasok sa kanilang kwarto ni tatay sa itaas. Iyak lang ako nang iyak habang sinusundan ng tingin ang bawat galaw ni nanay. Nasa gilid ko naman si tatay na nakatingin sa akin at hinihimas himas ang aking tenga Nadatnan ko na lamang ng tingin ang aking mga kapatid na nakatayo silang lahat habang nakatingin sa amin Napatigil yata sila sa pagkain dahil sa nangyari. Sa kahihiyan ay agad akong tumakbo papunta sa kwarto namin sa taas pagkapasok sa kwarto ay agad akong humikbi sa kahihiyan bakit ba ang tindi ng galit sa akin ni nanay? bakit ba tuwing makikita niya ako ay mataas na agad ang dugo niya sa akin? anak niya ba talaga ako? kasi kung ituring niya ako parang hindi niya ako anak may damdamin rin ako hindi ako manhid sa sakit na idinudulot niya sa akin mga katagang pumapasok sa aking isipan habang humihikbi sa galit at sakit nakasubsub ang aking mukha sa aking braso na nakatungtung sa aking tuhod hindi ko namalayan na nakatulog na ako nang ganoong posisyon umaga na nang ako ay nagising at sa pagdilat nang aking mga mata, wala na akong natanaw sa buong kwarto kundi kapareho lang kung ano pagpasok ko kagabi wala na doon ang mga kapatid ko iisa lang kasi ang kwarto naming labing tatlo Siksikan kami sa malapad na kwarto Ang lungkot kapag ganito, wala kang makausap bawat isa sa amin ay may kanya kanyang ginagawa Pagkalabas ko nang kwarto ay wala na silang lahat pwera na lang kay nanay na tanaw ko mula sa kusina Pagkasara ko nang pinto ay nakita kong lumingon si nanay sa aking direksyon Agad agad akong yumuko upang iwasan ang kanyang mga titig sabay lakad pababa ng hagdan at pumunta sa banyo para maghilamos pagkalabas sa banyo ay nakita ko si nanay nay may dalang pinggan sa kanyang kamay Nakatayo ito sa gilid ng mesa. "Kumain ka na po dito ng umagahan sir baka kasi ako naman ang mapagalitan ng ama niyo ho kapag hindi kita pinakain", sumbat ni nanay habang nanlilisik ang mga mata habang nag-aayos ng hapagkainan "opo inay", tanging nasambit ko habang lumalakad papalit sa mesa na nakayuko ang ulo. "nako! huwag mo nga ako madaan sa ganyan. Hindi mo ako madadaan sa mga palungkot-lungkot mo bata ka!", masakit na sumbat ni nanay habang sinusubo ang kanin. Sabay kaming kumain ni nanay. Habang kumakain siya sa harap ko ay patuloy siya sa pagsusumbat sa akin. Tinapos ko lamang ang aking pagkain at agad akong nagpaalam sa kanya. Hindi ko na siya pinatapos sa pagkain nang magpaalam ako. "Alis na po ako inay!", paalam ko habang dahan dahan na naglalakad palabas. "oh, saan ka naman pupunta bata ka! wala ka talagang respeto ano? kinakausap pa kita!", galit na sambit ni nanay "Magpapahangin lang po sa labas!", sagot ko habang nakatayo sa pinto at nakatalikod sa kanya. Palabas na ako nang bahay pero dinig ko pa rin ang tinig ni nanay. Hindi ko na inintindi kung ano pa ang ibang mga sinabi nanay. Ang pagkakaalam ko ay galit niya lang rin iyon sa akin. Pumunta ako sa likod nang bahay upang magpahangin. Doon ko nadatnan ang aking mga kapatid na kanya-kanyang naglalaro. Sa sulok ay may maliit na bahay-kubo. Doon ako pumunta at umupo. Nagmumunimuni at nag-iisip ng mga bagay. Maraming tanong ang sumagi sa aking isipan hanggang sa nagdesisyon ako na hahanap lang ako ng tamang oras at maglalayas ako OO, hindi ka namamalikmata o nabubulagan sa murang edad ko na sampung taong gulang ay nakapagdesisyon akong maglayas Hahanap lang ako nang tamang oras. Sa galit ko sa mga panunumbat ni nanay sa akin, hindi na ako nakapagpaalam sa kanya. Umalis ako sa bahay na walang paalam Pumunta ako sa paaralan noong nag-aaral pa ako. Medyo malayo rin ang aming bahay sa paaralan. May dadaaan pang sapa papunta doon. Hindi na kami nag-aaral ngayon, grade two pa lang ako noong pinatigil kami ni nanay sa pag-aaral dahil gastos lang daw iyon. mas mabuti pa daw na tulungan namin si itay sa bukid malamang doon ay mapakinabangan pa kami. Nasa labas ako nang gate nang paaralan nang matanaw ko ang mga bata na nagsilabasan sa kanilang kwarto Hindi ko namalayan ang oras na tanghali na pala Pinagmamasdan ko lang ang mga bata na naglalakad palabas sa gate nang paaralan habang nakaupo sa may puno, hindi kalayuan sa gate ng paaralan. Sa totoo lang ay gusto kong makapagtapos ng pag-aaral kaya lang gaya nang sabi ko, ayaw na ni nanay na mag-aral kami. Masaya kong pinagmasdan ang mga bata na nagsilabas at ang iba ay sinusundo pa ng kanilang mga magulang. "Sana ganyan din ako", nakasimangot kong sabi sa aking sarili. Tanghali na pala at baka hinahanap na akl nk nanay galit pa naman iyon sa akin Dumaan ako sa harap nang paaralan pauwi sa aming bahay. Nang makalampas ako ng gate ay naramdaman ko na may kamay na pumigil sa balikat ko. Pagtingin ko sa likod ko upang tingnan kung sino ang humablot sa likod ko ay bumungad ang mukha ng matindi kong kaaway noong nasa grade two pa lang ako. Siya si Celso. Dahil din sa kanya ay pinatigil ako nang pag aaral ni nanay. Lagi kasi kaming nag-aaway ni Celso Ewan ko ba. Kasiyahan niya kasi na paglaruan ako tuwing magkakasalubong kami sa paaralan. "Oy nandito pala ang laruan ko. Sabi ko na nga ba ikaw eh", pambungad na bati sa akin ni Celso. "ah, eh, hmmm, napadaan lang", nakangiti kong sabi pero sa loob ko ay takot na takot ako "totoo ba? baka gusto mo lang uli makipaglaro sa akin?", sambit niya habang binibida sa mukha ko ang kanyang kamao Kinahiligan niya na kasing gawin akong punching bag noong nag-aaral ako. "Aalis na ako Celso baka hinahanap na ako ni nanay eh. Dumaan lang talaga ako dito", palusot ko para makaalis na sa pagkakahawak niya sa balikat ko. "palusot kapa!", salitang narinig ko bago ko naaninag ang kamao ni Celso sa mukha ko at nawalan ng malay. Pagkagising ko ay nasa kwarto na ako ng bahay. Pagkagising ay naramdaman ko ang hapdi sa aking kaliwang mata. Dali dali akong pumunta sa may salamin malapit sa pinto ng kwarto at bumungad sa akin ang maitim na balat sa aking kaliwang mata at tumulo na naman ang aking luha Hindi ko man lang naipagtanggol ang aking sarili. "Tarantadong bata iyon!", narinig kong sambit ni itay. Agad akong lumabas ng kwarto upang alamin kung anong nangyayari sa labas. Gabi na pala ngayon. Pero paano ako nakauwi nang bahay. Paglabas ko ng kwarto ay bumungad ang mga kapatid ko sa harap ng mesa habang sina nanay at tatay ay naghahanda ng makakakain. "oh ayan na pala ang basagulero mong anak. Gising na!", panbungad ni nanay habang tinuturo ako Nakatingin silang lahat sa akin habang naglalakad ako pababa ng hagdan. "Kamusta pakiramdam mo anak?", pambungad na tanong ni tatay nang nakatayo na ako malapit na kanila Hindi na ako nakasagot pa nang magsalita uli si u nanay "Nakita ka nang mga kaklase mo noon na nakahandusay pagkatapos masapol ni Celso ba yon?", kwento ni nanay. "Sa pagmamagandang loob ay dinala ka nila dito pauwi kahit malayo ang bahay natin sa paaralan", dagdag pa ni nanay. may isusumbat pa sana siya sa akin nang pigilan siya ni tatay. "oh siya tama na at baka lumamig ang pagkain. Umupo kana Bernie para makapagsimula na tayo", utos ni tatay agad akong umupo sa tabi ni Mat. Si Mat ang mas matanda sa akin Ako ang pang pito, siya naman ang pang anim sa aming magkakapatid. "Kamusta pakiramdam mo? Ok ka lang buh?", tanong niya habang hinahaplos ang aking ulo Si Mat kasi ang close ko sa aming magkakapatid. Parang pinagbiyak kami na bunga niyan dahil sa pagkakahawig namin. pero hindi ko na siya nakakasama ngayon dahil pagkatungtong niya ng labing-isang taon ay pinatulong na siya agad ni nanay kay tatay sa bukirin Pagkatapos naming kumain ay tinulungan na naming magligpit ng hapagkainan si nanay.. Nang matapos na ang gawain sa kusina at nasara na ng mabuti ang pinto ay isa isa na kaming pumasok sa kwarto. Hating gabi na ay hindi pa rin ako makatulog. Nagmumuni lang ako sa kawalan habang pinaglalaruan ng aking paa ang unan na nakasandal dito. Nakahiga ako sa pinakagilid malapit sa dingding na nakakonekta sa kwarto nila ni nanay at tatay. Natanaw ko ang aking mga kapatid na mahimbing na natutulog. Matutulog na sana ako nang marinig ko ang boses sa kabilang kwarto Narinig kong nag-aaway sina nanay at tatay Hindi sa chismoso ako pero nais ko long malaman kung ano ang pinag aawayan nila "Ibenta mo na lang yang lupa at humanap na lang tayo ng ibang matitirhan. Malaki naman ang ibabayad sa atin pagkaganun." narinig kong sambit ni nanay. "Ano kaba? pamana natin sa ating mga anak 'yan. Bakit mo ibebenta?", sagot ni tatay. "Mabubuhay ba niyan ang mga anak mo? Isang linggo pa lang nga, kulang na ang kita mo sa bukirin. Hanggang kailan tayo magkakaganito?", paliwanag ni nanay. Hindi ko na natapos ang mga sumunod na pag-uusap nila dahil nakaidlip na ako sa antok. ***Kinabukasan sa paaralan*** Nandito uli ako sa paaralan para maghiganti kay Celso Sakit kaya nang kaliwang mata ko. Mabuti na lang at hindi ako gaanong napuruhan. Nakatayo uli ako sa puno na kinatatayuan ko kahapon. Nang maaninag ko na si Celso sa gate ay biglang tumaas ang dugo at parang gusto kona siyang tuklawin Bigla akong napatakbo at handa na sana siyang sugurin dahil nakatutok ang tingin ko kay Celso ay hindi ko namalayan ang rumaragasang motorsiklo ***paaak*** ***paaak*** ***boooom*** tumalbog ako sa hindi kalayuan naramdaman ko na lamang na parang may tumutulo mula sa aking ulo at nang pinunasan ko ito ay nakakita ako nang dugo sa aking palad binaba ko ang aking kamay at nakadilat ang mata na nakatingin sa langit hindi nako nakagalaw at nawalan na nang malay pagkagising ko ay nasa puting kwarto na ako pinaikot ko sa buong kwarto ang aking mga mata at naaninag ko sa isang sulok ang kapatid kong si Mat. Umiiyak siya at hindi ko mawari kung bakit. Dahil ba ito sa nangyari sa akin o may ibang dahilan pa. Nang makita niya akong may malay na ay agad agad niya akong pinuntahan. "Ok ka lang ba Bern?," pambungad niyang tanong "Ok na naman ako. Medyo masakit lang ang sugat ko sa noo pero hindi na masyado. Ayos na 'to", sagot ko "Mabuti naman pero 'wag ka sanang magugulat sa aking sasabihin huh? Tatagan mo ang loob mo", sambit ni Mat na lubhang nagpabahala sa akin "Bakit? Anong nangyari", nababahala kong sagot. "May nangyari kasi kay ------" Naputol ang sasabihin sana ni Mat nang bumukas ang pinto at bumungad ang galit na mukha ni nanay. "BERNIEEEEE!", sigaw ni nanay habang tumatakbo papunta sa akin. Akma na niya sana akong sabunutan at paghahampasin nang pigilan siya ni Mat at nang iba ko pang kapatid. "Bakit nay? ano bang kasalanan ko?", tanong ko kay nanay "Nagtatanong ka pa kung bakit?", nagsimula na siyang magalit sa akin sabay turo sa mukha ko "Dahil sa'yo nagkakunsyumisyon na kami ng tatay mo! Dahil sa'yo namatay ang tatay mo!", sambit ni nanay na nagpadurog sa aking damdamin. nabigla ako sa sinabi ni nanay kaya rumagasa ang luha mula sa aking mga mata. "'yan ngayon iiyak ka? Kung hindi ka lang sana bumalik sa paaraang iyong at sugurin si Celso. Hindi kapa sana naaksidente at sinugod dito sa ospital. Hindi pa sana nabigla ang tatay mo at naputulan ng hininga! Wala ka talagang kwentang bata ka! Huwag kang magpapakita sa akin sa burol nang iyong ama baka masunod pa kita!!",galit na galit na sambit ni nanay.. tama ba ang narinig ko? wala na si tatay? dahil sa akin? sumakit bigla ang aking dibdib . sa sobrang pag iyak ay nabasa kona ang damit kong suot Hindi natapos ang buong magdamag ay nakalabas na rin ako ng bahay. "Halika na Bernie at uwi na tayo", aya ni Mat na nakaalalay sa akin "Ok na ako hindi na masakit", pigil ko sa kanya. "Mauna kana sa bahay susunod na ako", aya ko sa kanya. "Basta huh mag-iingat ka", sambit ni Mat. Nakaalis na si Mat sakay ng motorsiklo nang nagbalak akong maglakad pauwi para makapag-isip. Gabi na nang makarating ako sa bahay at nang malapit na ako ay naaninag koang burol ni itay. nakita ko sa dilim ang hikbi at hinagpis ni nanay naalala ko ang sabi niya na huwag daw akong magpapakita sa kanya sa burol ni tatay. sa kahihiyan ay tumakbo ako paalis at nagdesisyong lumayas hindi ko man alam kung saan ako paroroon basta't makaalis ako bahala na ang kapalaran sa akin tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa makaabot ako sa terminal ng jeep sa palengke malayo layo rin ang palengke mula sa amin sasakay sana ako ng jeep kaso pagdampot ko ng pera sa aking bulsa ay wala ako kahit katiting na salapi kaya sa kagustuhang makalayo sa lugar na iyon ay nagdesisyon akong sumakay sa ilalim ng jeep na papuntang maynila tatlong oras rin ang byahe papunta doon pero kakayanin nag antay lang ako ng tamang oras na walang may nakatingin at pumaunta sa ilalim ng jeep Kumapit ako sa pwedeng kapitan at apakan sa ilalim ng jeep at handa na sa pag-arangkada nagsimula nang gumana ang jeep at medyo uminit na pero titiisin ko hindi pa kami nakakalayo ay nanangalay na ang aking mga kamay at paa pero magtitiis ako dahil desidido ako habang nasa ilalim ng jeep ay marami ang sumagi sa aking isipan tama ba ang ginawa ko? baka kapalpakan na naman ito ano ang mangyayari sa akin sa maynila? ano madadatnan ko doon? masama ba o mabuti ang mangyayari sa akin doon? ***** May kasunod *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD