Nagsipaglaho ang mga ito. Nilapitan kami ni Azreil. "Ayos lang ba kayo?" Tanong niya sa amin. Tumango ako. "Anong nangyari dito?" Tanong ko. "Nagulat kami ng makarinig kami ng hiyawan dito. Kaya umakyat kami nakita namin na pinahihirapan nila ang mga kasama natin. Sinubukan namin na Iligtas sila. Pero mas malakas sila sa amin." Sabi ni Pekto. Nalungkot ako nakaramdam ako ng galit sa mga yun. Nilibing namin ang mga kasama namin. Pinaghilom ni Azreil ang mga sugat nila. Saka kami bumaba. May mga patay kaming nakita mukhang pinatay din sila ng mga yun. Sa baba na kami ng bulkan Nagpalipas ng dilim. "Bat Hindi ka pa nagpapahinga?" Tanong ni Azreil ng lapitan niya ako. Tumabi siya sa tabi ko. Tulog na Ang mga kasama namin dahil siguro sa pagod sa laban kaya nakatulog ang mga ito. Pero ak

