"Siguradong pupuntahan nila ako sa academy." Sabi ko dito. Nakatulog ako sa kakaisip sa mga taong nakaitim. "Nagising ako na parang may naririnig akong nagbubulungan malapit sa akin. Napabangon ako. Dahan dahan akong gumapang papunta sa ingay na naririnig ko. Hindi ko sila makita ng maayos dahil madilim ang kinalalagyan nila. Nakita ko na nakasuot sila ng itim na Kapa na may hood. Napakunot ang noo ko. Aktong tatayo na ako ng marinig ko ang kausap nila. "Wag kayong mag alala Master malapit na namin matagpuan ang bato. malapit ng maging buo ang ating Reyna." Sabi nito. Napakunot ako ng noo. "Kung ganun, kaya nila kailangan ang mapa dahil sa bato. Ang bato talaga ang hinahanap nila sa umpisa pa lang." Bulong ko. "Siguraduhin mo na makukuha mo ang bato kaya ka namin inilagay diyan para

