"Ha? Hindi naman ako ngumingiti ah." Sabi ko. Saka nagseryoso. Tumalikod na siya. Huminga ako ng malalim.
"Salamat!" Mahina kong sabi. Lumingon siya sa akin. Tumahimik na ako at kinain na lang ang prutas.
"Hmm.. Ang sarap nito ah, ano bang prutas ito?"
Tanong ko ngayon lang kasi ako nakakita nito.
"Lansones yan." Sabi niya.
"Pero may pagka mapait siya no?" Sabi ko lumingon siya sa akin.
"Pano Hindi magiging mapait Kinain morin pati yung buto." Sabi niya napatingin ako sa kanya.
Kinuha niya yung kinakain ko.
"Hindi yan nginunguya lahat. Yang kulay green diyan buto yan yang kulay puti lang ang kakainin mo." Sabi niya sa akin. Napatango ako sa kanya. Nasanay kasi ako sa ubas na walang buto. Nagtawanan sila Jepoy. Pero masarap talaga Ang lasa niya.
" Taga saan kaba kasi bat hindi mo Kilala Ang lansones?" Tanong ni Pekto sa akin.
"Taga heavenly reliam." Wala lang na Sagot ko. Napakunot ang noo nila.
"Heavenly reliam? Saan yun?" Tanong naman ni Jepoy.
"Oo nga ngayon ko lang narinig yun." Sabi naman ni Biboy.
"Wag niyo ng alamin malayo yun." Sabi ko na lang.
"Tama wag niyo ng alamin dahil kahit sabihin niya hindi niyo rin naman alam yun no." Sabi naman ng babae na katabi ni Vea. Natawa si Vea. Napatingin ako sa kanya. Bigla siyang huminto ng pagtawa ng mapansin niya na nakatingin ako sa kanya. Naging seryoso uli. Nagkunwari naman akong nakatingin sa mga puno. Ng may mapansin ako. Napakunot ang noo ko.
"Sandali!" Sabi ko. Natigilan sila. Sabay sabay silang tumingin sa akin.
"Bakit?" Tanong ni Pekto.
"Ahhm.. May iba pa bang daan pababa maliban diyan?" Tanong ko sa kanila. Tumingin sila Kay Jepoy.
"Meron kaso matarik ang dadaanan natin." Sabi ni Jepoy.
"Matarik na naman!" Magkasabay na sabi ni Pekto at Berto.
"Wag kayong magalala wala na dun serpintina." Sabi ni Biboy.
"Ano naman ang meron dun Alupihan." Sabi naman ni Berto.
"Wala ring alupihan dun. Pero marami dun mga
Flutanic." Sabi ni Biboy.
"Flutanic! Ano yun? Tanong ni Amara.
"Flutanic. Mga nilalang na kaya kang manipulahin gamit ang Flute." Sabi ni Jepoy.
"Ang kapangyarihan nila nasa Flute na hawak nila. Dipende kung anong klase ang tutugtugin nila." Sabi ko sa kanila.
"Ahh. Ganun." Sabi uli ni Amara.
"E ano ang gagawin natin pano natin sila iiwasan?" Tanong naman ni Berto.
"Simple gagamit tayo nito." Sabi ni Biboy. Na bigla na lang sumingit na may dalang mga bunga na hindi ko kilala.
"Ano yan?" Tanong ni Berto.
" Kailangan mong kumain ng bunga nato. Pansamantalang mawawala ang pandinig mo." Sabi ni Biboy. Napakunot ang noo namin ni Vea.
"Teka nga bakit ba kailangan natin dumaan sa kweba na yan. Bakit Hindi na lang natin ituloy ang paglalakad natin sa dinadaanan natin kanina?" Tanong ni Vea na naiinis na. Tumingin sila sa akin.
Huminga ako ng malalim.
"Oo na.. May nakita kasi ako na grupo na nagaabang sa atin sa daan." Sabi ko sa kanila. Napatanga sila.
"Sigurado ka?" Tanong ni Vea. Tumango ako.
"E ano naman ngayon kaya naman natin lumabas."
Sabi uli nito.
"I think Kasi Hindi lang sila iisang grupo marami sila."
Sabi ko sa kanila natahimik sila.
"Alam ko na kaya natin sila labanan pero kung makikipaglaban pa tayo baka Hindi na tayo umabot sa Oras. Kung Lalabanan natin sila lahat." Sabi ko sa kanila.
"Tama siya. Kaya wala tayong choice dito talaga ang daan natin." Sabi ni Pekto. Binigyan na kami ni Jepoy ng tagiisang prutas.
"Sigurado ka talaga na pansamantala lang mawawala ang pandinig natin nito ah. Ayoko maging bingi habang buhay." Sabi ni Amara.
Ng aabutan nila ako himindi ako. Alam ko na Hindi ako tatalaban nun." Napatingin sila sa akin.
"Sigurado ka?" Tanong ni Vea sa akin. Tumango ako.
"Sabi mo e. Ikaw bahala." Sabi niya. Hindi na ako umimik. Nagsimula na kaming pumasok sa kweba. Madilim sa loob. Habang palayo kami sa bungad lalong dumidilim. Nilabas ko ang sandata ko para magbigay ng liwanag sa amin.
Pagdating sa gitna nakarinig ako ng kaluskos. Palibhasa ako lang ang nakakarinig sa amin ang mga kasama ko walang mga pandinig. Kaya derederetso lang sila ng lakad. Maya maya nakarinig na ako ng tugtugin. Pinalakad ko ang aura ko.
Pinagana ko ang Sight powers ko. Nakita ko na hindi lang sila iisa marami sila napapalibutan na nila kami. Mga taong tubig sila.
"Admirals!" Bulong ko. Pinagana ko pa ang aura ko Nakarinig ako ng lagaslas ng tubig.
"Nandito ang tahanan nila. Kaya pala pinoprotektahan nila ang lugar na ito." Bulong ko. Habang patagal patarik na Ang dinadaanan namin. Inalalayan ko na si Vea Ayaw pa nga niya. Humahanga ako sa kanya. Para siyang hindi binibini kung kumilos. Parang wala lang sa kanya kahit gaano katarik Ang dinadaanan namin. Ni Minsan hindi ko naramdaman Ang takot sa kanyang puso. Huminga na lang ako ng malalim at tiningnan na lang siya. Kung tutuusin kaya kung magteleport pababa. Pero Ayaw kong Iwan sila.
Kaya nauuna ako kasunod ko siya. Wala ngang naging problema hangang sa nakbaba kami. Hindi naman nila kami gumalaw. Ng tumingala ako nakatingin sa akin ang pinaka leader nila. Nakatingin siya sa hawak Kong sandata.
"Nakilala yata niya ako dahil sa sandata na hawak ko." Bulong ko sa isip ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad paglampas namin sa mga puno.Nakita ko na nasa Isang bayan na kami.
"Nandito na tayo." Sabi ni Jepoy. Pinindot niya ang suot niya na relos Yung binigay sa amin. Lumabas ang monogram ng mapa.
"Malapit lang siya sa kinatatayuan natin nandito tayo eto siya." Sabi ni Jepoy. Sabay sabay kaming napalingon sa kaliwa namin nakakita kami ng mataas na tore.
"Ayun siya." Sabi ni Jepoy. Huminga ako ng malalim. Nakita ko ang simbolo ng Diyosa ng liwanag. Napatingin ako kay Vea. Nakita ko na nakatitig siya sa simbolo na nasa tore.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"P..Parang Nakita ko na siya sa panaginip ko." Sabi niya napatingin ako sa kanya.
"O pano papasok na ba tayo?" Tanong ni Amara. Na nakapagpalingon sa amin dito.
"Magikot muna tayo maaga pa naman." Sabi ni Jepoy. Nagsipagsangayon ang tatlo. Tumingin ako kay Vea.
"Sige maaga pa naman pero hindi lang tayo lalayo ha." Sabi ni Vea nagsitango ang mga ito. Nagikot Muna kami Sige ang bili ng makakain ng mga kasama namin. Pinabayaan lang namin. Namili naman ng mga damit sila Vea. Nagulat ako ng lapitan niya ako at hilahin.
"Bagay sayo to palitan mo na ang suot mo. Ako Ang nahihirapan Sayo sa tuwing naglalakabay tayo." Sabi niya napatingin ako sa bit but niya. Nagpalit kami ng suot.
"O bagay pala sayo." Sabi niya napatingin ako sa salamin nakita ko na kamukha na ako ng mga tao.
Napailing na lang ako. Naglabas ako ng ginto at yun ang binayad ko.
"Whoo. Marami ka ba niyan?" Tanong niya sa akin.
Napakunot ang noo ko.
"Alam mo kasi sa mundo namin kapag marami ka niya siguradong mayaman ka." Sabi niya sa akin.
"M..Mayaman?" Tanong ko sa kanya.
"Mayaman maraming Pera nakakaangat. Ganun." Sabi niya uli sa akin. Napakunot Lalo ang noo ko.
"Ah Basta ganun yun. Wag mo na nga isipin yun." Sabi niya at hinila na niya ako palapit sa mga kasama namin.
"Whoo.. Para na kayong dalawan mga Royalty ha." Sabi ni Jepoy. Napailing na lang ako hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila. Nagikot pa kami. Ng mapagod bumalik na kami at pumunta sa gate ng Academy. Pinakita namin Ang kahoy na Naka kwintas sa amin. Kinuha ng bantay ang Isa at hinulog sa kahon na hawak ng Isa lumabas sa monitor ang mukha namin. Pumasok na kami. Nagulat kami mas malawak ito kesa sa una naming pinuntahan. Pinaghiwalay kaming mga lalake sa mga babae. Ayaw ko sana. Pero yun daw ang patakaran.dito. kaya ang ginawa ko naglabas ako ng konting aura ko ginawa ko Yung crystal Saka tinawag siya.
"Vea!" Tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya. Lumapit ako sa kanya.
"Ahhm. May ibibigay lang ako sayo." Sabi ko huminga muna ako ng malalim. Nakita ko na nagtataka siya na nakatingin sa akin.
"Wag mong wawalain yan pwede mo kaming makausap gamit yan. Diyan din namin kayo kakausapin. Tawagan mo lang ako diyan page may problema. Ok?" Sabi ko sa kanya. Napatingin siya sa crystal na hawak niya. Nakatingin ako sa kanya.
"Salamat!" Sabi niya Saka ngumiti napatanga ako. Binulsa niya ito. Wala na sila nakatulala parin ako sa dinaanan nila.
"Hoy! Natulala kana diyan." Sabi ni Jepoy Saka hinila na ako.
"Ikaw ha nag the the moves ka Kay Vea ah. Type mo siya no? Sabagay hindi kita masisi maganda naman talaga ang best friend namin na yun. Kaya lang ingat ka nga lang ang tapang kasi nun parang amasuna." Sabi ni Pekto na tawa na alng ako. Naalala ko kung ilang beses na niya akong natarayan. Napangiti na lang ako. Dinala kami ng kawal sa silid namin. Nakita namin na Hindi lang kami ang nilalang dito. Marami kami nakatingin sila sa amin. Dala dalawa bawat higaan. Pero pinasingit na ako nila Jepoy at Biboy. Nasa taas namin sila Pekto. Inayos nila ang mga gamit nila.
Bago sila nagsihiga. Tiningnan ko lang sila.
"Hindi kapa inaanto?" Tanong ni Jepoy sa akin.
"Sige Mauna na kayong matulog." Sabi ko sa kanila. Binabasa ko ang libro na binili ko sa labas tungkol ito sa tao. Nakita ko na marami din kaming nakarating. Halos lahat din naman kami nakarating. Kahit Anong basa ko hindi pumapasok sa isipan ko ang binabasa ko. Hindi naalis sa isipan ko ang mga si