Olivia Mae Perez
MATAPOS ang klase namin sa araw nang martes ay walang anino ni Maldita akong nasilayan isama mo pa si Patricia.
Bakit kaya wala ang mga yun?Hmm baka may photo shoot lang o di kaya may importanteng lakad?Bakit ko ba iniisip ang babaeng yun ehh malaki naman na yun tss.
Teka-alam kaya ni Airah na wala si Patricia ngayon?kasi hindi niya hinahanap ehh hmm.siguro alam niya nga napansin naman siguro niyang walang tao sa upoan nila.
"Pssst Airah?"Kalabit ko sa kanya habang busy siya sa pagliligpit ng gamit niya."Ohh ano yun Liv?"Sagot niya matapos isukbit ang bag sa balikat niya at humarap sa akin.
"Hmm alam mo ba kung bakit wala sila maldita ngayon?"Sabi ko at naglakad na kami palabas ng classroom papunta sa parking lot.
"Hindi ehh bakit?Namimiss mo noh?Ayieeee!" pang aasar niya sabay sundot sa tagiliran ko dahilan para mapasimangot ako."Ano ba tumigil ka nga tsaka nagtatanong lang naman ako."Sabi ko pa at tinuon ang tingin sa nilalakaran namin.
"Asus kunwari ka pa ehh kanina nga patingin-tingin ka nga sa kina-uupoan niya ehh hmm."Sabi niya na may pang-asar na ngiti sa labi sabay taas at baba sa kilay tsss.Itong babaeng to talaga ang lakas mang-asar psh!
"Hindi nga kasi nagtataka lang ako kung bakit di sila pumasok ngayon."Sabi ko pa sa kanya. Mapailing lang naman siya sa akin at tumingin sa daan.
"Alam mo naman siguro kung ano sila diba?model yung mga yun kaya huwag ka nang magtaka diyan kung bakit wala sila noh! you know baka pinatawag bigla sa agency na may biglaang photo shoot kaya huwag kanang malungkot diyan lover girl."Mahabang sabi niya pa na may pang-asar na ngiti sa labi.
Di ko nalang siya sinagot at nagpatuloy lang kami sa paglalakad.
Bigla naman akong napatigil sa paglalakad nang may naisip ako bigla at napatampal sa noo ko dahilan para mapatingin at mapatigil rin sa paglalakad si Airah.
"Huy-anong nangyari sa'yo diyan?Are you okey?" Sabay lapit sa akin."May nakalimutan kasi akong sabihin sa'yo."sabi ko pa at tsaka nagtaka naman siya."Okey ano ba yun?"Sabi niya."Magpapasama sana ako mamaya kung pwede mo ba ako samahan sa mall bibili ng cellphone."Saad ko at ilang sandali pa...
"HAHA damn it Olivia akala ko kung ano na pftt HAHA."Sabi ko dahilan para mapatawa siya ng bahagya."What's funny?"Sabi ko nang naka poker face at naka halukipkip."You pfft hahahaha"Sabi niya na nagpipigil parin ng tawa.
"Me?Bakit ano bang nakakatawa sa sinabi ko?"Inosente kung tanong."Seriously?Di mo alam?."Sabi niya at tumawa nanaman po siya ng ikinainis ko kaya di ko na napigilan pa ang sarili ko at iniwan siya dun na parang baliw na tumatawa mag-isa sabay hawak sa tiyan niya na sa palagay ko sumasakit na siguro.
Nakakainis naman ang babaeng yun wala naman nakakatawa sa sinabi ko ahh?tssk.
Pagkarating sa gate huminto naman ako sa may gilid at tinignan si Airah na parang baliw dun na palinga-linga sa paligid.
"Oliviaaaaa?Where are you?Bakit mo ako iniwan huhu."Pagdadrama niya at may papadyak-padyak pa siyang nalalaman.
Hindi naman ako sumagot at nanatiling nakatingin sa kanya nang naka cross arms habang nakaupo dito sa may gilid ng pader.
Di rin nagtagal ay nakita na ako nang babaeng baliw at agad naglakad papalapit sa akin."Bakit mo ako iniwan huh?alam mo ba na para akong baliw dun?Tsk i hate you na huhu."Sabi niya sabay pahid ng imaginary luha niya kuno at di naman ako sumagot sa sinabi niya at nanatili paring nakapoker face."Hey earth to Olivia?Ano na?Bakit mo ako iniwan huh?"Ngayon nagtanong pa siya?Tss ibang klase.
"Bakit mo ako tinatanong?Tss."Sabi ko at tumayo na sabay pagpag sa uniform kung may konting dumi at inayos ang salamin ko sa mata."Huh?Teka nga ano bang problema mo?Tungkol ba to sa pagtawa ko kanina sa sinabi mo?Pfftt."Sabi niya na natatawa na boses at pilit pinaseryoso ang mukha.
Di nalang ako sumagot at napatingin nalang sa taas ng puno iniisip kung pano ko ba bibitayin ang babaeng baliw na to nang patiwarik?Hmm nice idea.
Napansin ko naman ang baliw kung katabi na napatingin rin sa taas pati yung ibang dumadaan na studyanta palabas.Pftt nakakatawa ang hitsura nila parang mga tanga.
"Hey anong meron diyan sa taas?"Sabi nang katabi ko sabay kalabit sa akin."Hmm may lubid ka bi diyan?"Sagot ko sa tanong niya at napatingin naman siya sa akin ng nakakunot noo na tela nagtataka sa sagot ko.
"Iniisip ko kasi kung kailan kita bibitayin kung sakali mang makakita ako ng lubid."Sabi ko dahilan para manlaki ang mata niya."Huy wag ka nga tsaka joke lang naman yun kanina kasi ano natatawa lang ako sa sinabi mo you know ang seryoso mo kasi ehh."Sabi niya dahilan para mapabuntong hininga nalang ako at napailing sabay lakad at sumabay naman agad siya.
"Dati na akong ganito kaya masanay kana."Sabi ko."Oo nga ehh sa sobrang seryoso mo pati joke mo di ko alam kung tatawa ba ako o hindi tsk." pailing-iling niyang sabi at di nalang ako kumibo pa.
"Pero seryoso nga magpapasama ako sa'yo mamaya kung okey lang sa'yo?"Sabi ko."Okey wala rin naman akong gagawin mamaya yung isang assignment lang natin sa history kaya pwede rin tayong mag liwaliw minsan."Oa niyang sagot at napailing nalang ako sa kanya.
"Okey so ano?Mamaya ahh?mga 6 pm siguro ako nalang ang pupunta sa dorm mo."Sabi ko pa."Okey katukin mo nalang ang room ko mamaya pag nakadating kana dun, so paano?una na ako."Sabi niya sabay hug sa akin mapatango nalang ako sa kanya at agad naman siyang sumakay sa tricycle.
Naglakad nalang ako papunta sa bahay dahil malapit rin naman dito sa school medyo mga twenty minutes yata.
Matapos ang mga wala sa kalahating oras na paglalakad ay agad naman akong nakarating sa bahay at agad pumasok sa loob matapos isarado ang gate.
Pagkarating sa loob ay agad na akong umakyat papunta sa kwarto ko at inilagay ang bag ko sa may gilid ng kama at agad na nagbihis para makapunta sa baba.
Agad naman akong pumunta sa kusina pagkatapos magbihis at nagtingin-tingin sa ref kung anong magandang lulutoin?Hmm medyo nagsawa na kasi ako sa hotdog at toccino ehh kaya ngayon medyo nahihirapan ako.
Ano kaya kung mamalengke nalang muna ako?Maaga pa naman tsaka gusto ko rin kumain ng karneng baka ehh nakakamiss kasi kumain ng ganun isama mo pa yung gagawing bulalo.
Tama siguro yun nalang total medyo ubos narin kasi ang laman ng ref ko ehh kaya sige mamama lengke nalang ako.Matapos makuha ang susi ng bahay at pitaka ko ay agad na akong lumabas sabay sarado ng gate at naglakad sa sakayan ng tricycle.
Di nalang siguro muna ako magbibihis total naka shorts naman ako na hanggang kalahating hita at naka long sleeve na hanggang siko.
Matapos masabi kay manong ang lugar na pupuntahan ko ay agad na kaming lumarga papunta dun.
Siguro mga twenty minutes lang yata ang byahe papunta dun ewan di ko alam. kaya ko naman talagang maglakad kaya lang masyadong mainit may migraine pa naman ako tsss.Pagkarating ay agad naman akong nag bayad matapos at naglakad papunta sa may palengke.
Andami namang tao hays ayaw ko pa naman na masikip na lugar.
Agad naman akong naglakad papasok sa loob ng palengke at napansin ko naman yung ibang tao ehh nagbubulongan at nakatingin sa gawi ko specially sa mga lalaki at yung iba ehh sumisipol pa sabay tingin sa may legs ko tsss.
Di ko nalang sila pinansin pa at tumingin sa mga paninda sa loob nagbabasakaling may karneng baka ba silang ibinebenta.
"Sige ho dalawang kilo sa akin."Sabi ko sabay ngiti ng tipid sa kanya at agad naman siyang nagtimbang ng dalawang kilo.
Matapos niya mag timbang ay agad naman niya ibinigay sa akin ang karne.Agad ko naman binigay sa kanya ang bayad ko matapos makapag pasalamat ay dumiretso na sa mga nanininda ng gulay.
Di nagtagal ay agad naman akong nakakita ng paninda ng gulay at agad bumili ng panghalo sa karneng baka ni binili ko.
Pagkatapos makabili ng mga kakailangin ay umalis na ako at naglakad patungo sa labas ng palengke at di pinansin ang mga taong napatingin sa gawi ko.
Di ko nalang sila pinansin pa at naglakad na sa may gilid ng kalsada.
Pagkarating sa may bandang walang tao ay agad ko namang napansin na parang may mga taong sumusunod sa akin.
Nagtaka naman ako kasi sa tansya ko ay di to nag-iisa ehh hmm nag kunwari nalang ako na walang napansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Medyo di narin kasi mainit kaya naglakad nalang ako total alas kwatro palang naman at mamaya pang six ang usapan namin ni Airah.
Napansin ko naman yung mga sumunod sa akin na biglang nawala na parang bula at paglingon ko sa likod ay nakita ko nalang silang nakabulagta na at walang mga malay na ipinagtaka ko.
Teka!?Sila ba yung sumunod sa akin kanina?So tama nga ako na marami sila mga nasa pitong bilang yata at mga mukhang gangster basi narin sa tattoo nilang parang scorpion ba yun?Well ganun kasi ang hugis ehh.
Ngayon ko lang rin napansin ang lalaking nakamotor at naka all black leather jacket pa pati helmet black din na akala mo ehh member ng power rangers.
Lumingon naman sa akin ang lalaki na hanggang ngayon naka helmet parin sabay sakay sa motor niya at pinaharorot na patakbo sa lugar na to.
Sino yun?Ba't niya ako tinulongan?At ano yung tattoo niya na may SCORPION?
Mga tanong sa isip ko hanggang makauwi ako ng bahay na lutang parin.
Who the hell are you mystery guy?
~ to be continue......