Olivia Mae Perez SATURDAY nandito ako ngayon sa bahay walang ginagawa at naka tambay lang habang nanonood ng tv.Siya nga pala kung itatanong niyo kung anong nangyari nung papunta kami ni maldita sa SA? Ohh well di lang naman natuloy yung mission namin at nag meeting nalang kasi nakatakas nanaman ang mga gagong yun kung saan sila tumitira. Kada one week kasi or two weeks palipat-lipat talaga ang mga yun para makabiktima ng mga inosente kaya sabi ni Sir John di nalang daw muna kami tutuloy saka nalang daw pag alam na niya kung saan nanaman ang mga yun titira at kung malocate niya. Kaya ngayon nabobored na ako dito sa bahay tsaka saturday naman at walang pasok. Kumuha muna ako ng ice cream sa ref at pagbalik ko saka naman tumunog ang phone ko hudyat na may tumawag kaya dali-dali ko itong

