Olivia Mae Perez ILANG linggo na rin ang lumipas simula nung mangyari ang insidenteng yun at hanggang ngayon di ko parin siya kinakausap kahit na minsan lumalapit siya sa akin habang ako naman patuloy na umiiwas. Sa tuwing magkakasalubong naman kami kunwari sa canteen, library, corridor ay umiiwas ako kahit na nakikita ko sa kanyang mata ang lungkot na tela nagsisisi rin ako kung bakit ko siya iniiwasan. Pero dapat lang naman siguro to diba?I mean para na rin makapag isip rin ako kasi lately parang bumabalik ako sa dating ako yung Olivia na walang pakialam sa ibang tao walang pakialam sa paligid at tela may sariling mundo. Minsan nga nakakahalata na si Airah pero hinayaan niya lang ako at laking pasalamat ko na rin dun. Nandito ako ngayon sa soccer field at nagpapahangin habang naka

