Jane Airah Trinidad
TODAY is tuesday at nandito kami ngayon ni Olivia sa park nagpapahinga dahil vacant namin ngayon wala kasi yung english teacher namin may sakit daw ayon sa kanila.
Kung itatanong niyo naman kung anong nangyari dun kay walk out queen ay wala po.
Pagkatapos kasi sa nangyayaring yun ay di na siya sumabay sa amin kumain at umuwi nalang daw pero bumalik pa naman siya sa school kaya non hays.
Hanggang ngayon iniisip ko parin kung anong gagawin ko sa babaeng yun para makahingi ng tawad tsss.
Ang arte niya naman kasi hmmp akala mo maganda.
Kanina nakita namin sila ng bestfriend niya na maagang pumasok himala nga ehh usually kasi laging late yung dalawang yun you know busy ang mga yun model's ehh pero sabi ni Chloe na next month pa daw sila magiging busy talaga at out of the country pa sila mag photo shoot.
Tinanong naman namin sila kanina kung bakit maaga silang pumasok at ang inisagot lang naman ni chloe ehh ay"Maaga kasi akong nagising at nag jogging rin kaya ayon."Ohh diba?Ang gandang sagot lang pero yung isa naman walang imik maski nga tingin hindi ako tinapunan ehh at naka headphone lang ang lola niyo.
Tinanong ko naman si chloe kung ano ang nangyari sa kanya at pati siya di rin alam.Hays feel ko talaga ako ang may kasalanan ehh huhu.
Paano ba kasi makakausap ang babaeng yun?ehh para kasing umiiwas sa akin yun ehh.
Kung tinatanong niyo kung paano?Pagkatapos na pagkatapos kasi ng klase ay agad na lumalabas yun sa room at di sumasabay sa amin tuwing lunch break pati nga bff niya di rin alam kung bakit nagka ganun ehh, pinabayaan niya nalang ganun daw kasi talaga yun pag di maganda ang mood.
Grabe naman yun kung magtampo pang 2 weeks ehh oo tama po kayo dalawang linggo na po siyang di sumasabay sa amin at umuuwi lang siya sa bahay nila para dun kumain total malapit lang naman daw sabi ni Chloe.
Kaya ang ending sa amin nalang sumasabay si Chloe para bigyan rin ng space yung babaeng childish.
Childish na magaling mang seduce huh?
Okey lang rin naman daw sa kanya. kilala niya na kasi yung bff niya na yun may ganun rin daw kasing ugali yun may saltik.
Hinayaan nalang din namin at pinabayaan na wala naman kaming magagawa duh!Choice niya yun noh i don't care!
Bahala na nga magtanong nalang ako kay Olivia kung pano humingi ng tawad sa babaeng yun mailap kasi yung childish na yun si Chloe lang nga ang kinakausap pati si Olivia di pinapansin hmmp dinamay niya pa ang inosente.
Tumingin naman ako kay Olivia na ngayoy nakahiga sa bench dito sa park at pumikit.Teka tulog ba to?Hmm what if ngayon na ako mag tanong sa kanya?Balak ko sanang mamaya na humingi ng tawad ehh.
Hays bahala na nga."Liv?Wuy Oh Oh Olivia?" Sabay yugyog sa kanyang balikat."Heey Olivia wake up!"Ano ba ang ginagawa ng babaeng to bakit parang puyat yata?
"Hmmm."Gumalaw naman siya at nagbukas ng mata."Heey may tanong sana ako."Sabi ko habang nakatingin sa kanya na bumangon at umopo paharap sa akin sabay ayos ng salamin niya.
Halatang inaantok pa ang babaeng to."Hmm ano yun?"Tipid niyang sabi at sumandal sa upoan habang naka cross arms.."Ahmm-ano kasi."Damn ba't parang nakakahiya?Huhu
"Ano ba yun?"Parang inip niyang sabi."Ano kasi liv pano ba humingi ng tawad sa isang tao pag nagawan mo ng kasalanan?"Tanong ko sa kanya at tumingin lang naman siya sa akin na parang pilit pinoproseso ang sinabi ko.
"Bakit?May nagawan ka ba na kasalanan sa kanya?"Tanong niya."Ewan siguro?Kilala mo naman siguro kung sino."Sagot ko sa kanya at bigla naman siyang ngumiti na parang nang aasar?Ewan!Yun ang nakita ko sa kanya ehh cold kasi ang babaeng to kaya nakakapagtaka lang na ngayon nakangiting pilya na ito.
"Matanong nga kita Jane Airah Trinidad."Ayan na basta kinompleto na niya ang pangalan ko ay paniguradong seryoso tong pag-uusapan namin.Sa Limang buwan ba naman naming magkasama ay kahit papano kabisado ko na ang ugali ng babaeng to.
"Ano ba talaga ang ginawa mong kasalanan kung bakit nagka ganun nalang yun bigla?I mean kayo?"Seryoso niyang tanong at matamang nakatitig sa akin.Argh sabihin ko ba o hindi?
Fine sasabihin ko na total si Olivia naman to at tsaka isa pa baka matulongan niya pa ako."Ahm-ehem ano kasi Liv ano kuan ba-!"Wahh nakakaiyak bakit ang hirap?Huhu."What?!"Ang babaeng to talaga mainipin hmp."Tinaboy ko kasi siya nung time na nangungulit siya sa akin at ayon sinabihan ko nang masasakit na salita kaya siguro ganun."Alam ko naman na kasalanan ko ehh huhu guilty nga ako diba?Diko naman alam na sensitive ang babaeng yun hmp!
She cleared her throat bago nagsimulang magsalita.
"Kausapin mo lang siya at humingi ka ng tawad sa kanya."Ito yung nagustohan ko sa kanya ehh-i mean not in a romantic way okay?Di kasi Judger ang babaeng to at yun ang isa sa hinahangaan ko sa kanya kaya i'm so very thankful na naging kaibigan ko siya kahit minsan daig niya pa ang yelo sa sobrang lamig.
"Pero paano?Parang umiiwas kasi ang babaeng yun ehh."Sabi ko na parang ang laking problema ng dinadala ko tssk nakakaasar!"Lapitan mo lang at sabihin mo kung ano man yung kasalanan mo."Sabi niya parang ang dali-dali lang.
"Arghh nahihiya kasi ako liv ehh!"Nagmamaktol kong sabi dahilan para mapatawa siya ng mahina."What's funny?"Takang tanong ko sa kanya habang siya pilit pina seryoso ang mukha.
"Wala naman para kasing ang laki ng problema mo ehh, hmm matanong ko nga-ano ba kayo?"Seryoso niyang sabi na ikinabigla ko.Pero teka ba't niya naman natanong yun?"We're friends Liv ba't mo natanong?"Ang weird niya po geez."Hmm friends huh?Okay."I think may gusto siyang palabasin na isinawalang bahala ko nalang.
"So ano na?Tulongan mo ba ako o ano?"Saad ko ng nakahalumbaba at humarap sa kanya na may kakaiba nanamang ngiti sa labi."Sabihin mo kong ano ang totoong nararamdaman mo."Teka-parang may double meaning ehh!Weird."Paano?!"Nakakaloka naman tong ganito tsk.
"Wala huwag kang mag-alala ganyan din ako."Sabi niya at humiga uli sa bench.Ano bang pinagsasabi ng babaeng to?Anong ganyan siya?Teeka wait ngayon lang na process sa utak ko ang sinabi niya na ganyan daw siya diba?OH MY GOD so it means?!
"Oh my god wag mo sabihing may tao kanang nagugustuhan huh?"Medyo oa kung sabi sabay yugyog sa balikat niya at tumingin naman siya sa akin sabay tango at tipid na ngiti lang.
"Teka kung may nagugustuhan ka na pala ehh sino naman yan huh?"Sabay ngiting mapang asar sa kanya."Kilala mo naman siguro."Sabay ngiti ng matipid sa akin.
Hmm i smell someting fishy parang alam ko na kung sino siguro to?Sa tinginan palang kasi nilang dalawa alam ko na may something ehh tsk sa ilang buwan kong nakasama at nakasabay kumain si Olivia para ang sweet nilang dalawa ni Chloe ehh.
Oo tama kayo nang nabasa si Chloe yung mataray at malditang napa ibig dito sa kaibigan kong to at ito namang isa diko alam na manhid ba o ganito lang talaga siya sa malalapit sa kanya?
Napailing nalang ako sa naisip ko at tumingin sa kanya.Di rin kasi halata sa babaeng to na may gusto siya sa isang tao ehh i mean you know naman na lagi tong naka poker face at seryoso kaya nakapagtataka na may nagustuhan siya ngayon.
Ohh well di na ako magtaka sa ganda ba naman ni Chloe sinong di magkaka gusto sa babaeng yun?Tss sweet rin naman kasi yun kahit maldita.
"So it's Dela Cuesta."?Tanong ko sa kanya ng seryoso."Hmm."Tipid niyang sagot at ngumiti lang."Kailan nagsimula?"Tanong ko pa para kasing ang bilis naman yata? I mean bago lang kasi sila nagkakakilala ehh.
"Nung aksidenteng nag banggaan kami sa mall apat na buwan na ang nakalipas."Wait?-ibig sabihin matagal-tagal na silang magkakilala ni Chloe? "Teka ibig mong sabihin matagal na kayong magkakilala ni Chloe?"Naninigurado kong tanong."Hmm oo nakapunta na nga siya sa bahay mga dalawang beses na."What the hell?Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.
So ibig sabihin may ano may-woahh di ko ma process ang mga tanong na tumatakbo sa utak ko.
"Wait-So ibig sabihin may nangyari na sa inyo???"Nanlaking matang tanong ko sa kanya. "Ano?Hindi i mean walang nangyari sa amin."Sabi niya na namumula ang mukha haha."Sure ka?Bakit ang pula ng mukha mo?"Pang-aasar ko pa pftt."Of course not and besides may sakit yung tao so why would i do that to her?"Sabagay may point siya dun.
"Diba sabi mo ay gusto mo siya?So it means na tomboy ka?!"Oa kong sabi at ilang sandali pa ay narinig ko naman siyang tumawa ng malakas na ikinasalubong ng maganda kong kilay."Hindi rin tsaka isa pa mukha ba akong lalaki sa tingin mo?Pero para sa akin straight parin ako kasi si Maldita lang ang nagustuhan ko at wala ng iba."Nakangiti niyang sabi at masasabi ko talagang masaya siya.Hays sana all nalang.
Natigil naman kami sa pag-uusap nang may tumawag sa kanya."Nerddddd!"And speaking of? Sino pa nga ba?Edi ang love of my life ng kaibigan kong inlababo haha!
Bumulong naman ako sa kanya"Andiyan na ang love of my life mo."Mapang asar kung sabi haha! tumingin naman siya sa akin ng naka poker face."Shut up!"Sus kunwari pikon pero deep inside kinilig na yarn.
"Nerd andito lang pala kayo kanina pa namin kayo hinahanap."Sabi ni Chloe sabay opo sa tabi ni Olivia nang naka pout.Haha ang cute!
Di mahihiya ang babaeng to na magpakita sa totoong siya pag kami ang kasama pero sa iba wala ehh ibang klase talaga tss.Masyado kasi siyang halata sa feelings niya towards Olivia napaka clingy kasi nito sa kanya at ang sweet pa.
"Bakit?San ba kayo galing?"Tanong ni Olivia sa kanya at binigyan siya ng tubig at pinunasan ang noo niya ng panyo.Hinihingal kasi ang babaeng to siguro kakatakbo?
"Hinahanap nga kayo akala kasi namin umuwi na kayo andito lang pala."Sabi niya sabay tingin sa akin at nabaling naman ang tingin niya sa taong nasa likuran ko kaya napalingon naman ako dito.
Nakita ko naman siyang nakatingin sa akin ng blanko kaya umiwas nalang ako ng tingin.tsss ano bang problema niya?
"Hmm guys if you excuse mag cr lang muna kami kasi naiihi na ako ehh."Sabi ni Chloe kay Olivia na halatang nagpapalusot lang.Siguro nahalata niya ang tension sa aming dalawa ng kaibigan niya.
"Hmm oo nga so dito lang muna kayo okey lang ba?"Pagsakay ni Olivia kay Chloe, tss tong dalawang to halata naman na nagpapalusot lang hmp!"Okey lang papasok na rin naman ako sa classroom."Sabi bigla ni childish.Akala ko ba napipi na to?Psh.
"Sige dun nalang tayo magkita Trish."Tango lang ang sinagot ni childish sa kanya habang ako naman ay ngumiti lang."Yung sinabi ko."Sabi bigla ni Olivia pag daan niya sa akin at binigyan ako ng nakakalokong ngiti na ikinairap ko.
Di rin naman nag tagal ay naglakad na silang dalawa hanggang sa mawala na sila sa paningin ko.Lumingon naman ako sa likod at nakita ko yung babaeng pabebe na umalis na papuntang classroom.
"Waittttt!??"Tawag ko sa kanya at hinabol siya pagkatapos ko makuha ang bag.Di naman siya lumingon na parang walang narinig at nagpatuloy lang sa paglalakad.Damn this girl napaka oa niya huh! Pinapainit niya ang ulo ko grrrr!
"Hintay sabi ano ba!!!"Pasigaw kong sabi sabay hawak sa braso niya para mapahinto siya sa paglalakad.Huminto naman siya at tumingin sa kamay kung nakahawak sa braso niya dahilan para mapabitaw ako sa kanya.
"What do you want?"Malamig niyang sabi."Ahmm ano kasi hmm."Damn it bakit parang umorong yata yung dila ko?"What?Papasok na ako may kailangan ka ba?"Bakit ba ang sungit ng babaeng to?
"Teka nga bakit ba ang sungit mo huh?!"Sabi ko at tumingin ng seryoso sa kanya.Napipikon na ako sa kaartehan ng babaeng to huh!""Ano bang paki mo?!"Pasinghal niyang sabi.
"May sasabihin nga ako dba?Nagmamadali?" nakapamewang ko pang sabi sa kanya dahilan para tumaas ang kilay niya."Ano nga diba?" Bossy pa niyang sabi bwesit na to ako na nga tong nakipag usap sa kanya parang kasalanan ko pa putik na yan.
"Huwag na nga lang diyan ka na nga bwesit!" Sabi ko at maglalakad na sana ng nagsalita siya ng nagpatigil sa pag hakbang ko."Diyan ka naman magaling diba?Ang talikuran ako?"Sabi niya dahilan para mapaharap ako sa kanya at nakita kung parang nagpahid siya ng luha.
Bumalik naman ako sa harap niya at nakita kong naka pout siya pffft-ang cute ng baby ko este babaeng to hahaha!Walang hiya ka self tumatawa ka pa ehh umiiyak na nga yung tao.
Niyakap ko naman siya ng mahigpit habang siya ay agad na sumiksik sa leeg ko na parang bata.
"Bakit ganyan ka?Bakit kaya mo akong tiisin huh?"Sabi niya habang nakasiksik sa leeg ko at sumisinghot-singhot.Damn nakikiliti ako sa ginagawa niya pero di ko nalang pinahalata.
Pilit naman akong kumalas sa yakap niya at pinaharap siya sa akin ang mukha niyang puno ng luha habang naka pout!
Argh why is she so cute?Siguro kung hindi lang sa sitwasyon na to ngayon pinipisil-pisil ko na ang pisngi niya huhu.
"Shh-stop crying okay?I'm sorry sa ginawa ko."Pagpapatahan ko at pinahiran ang luha niya na parang gripo sa bilis ng agos.Nag pout naman siya sa bigla dahilan para mapisil ko ang cute niyang pisngi."Arayssshhh bitawshh ouchh."Nahihirapn niyang sabi at binitawan ko naman agad ang pisngi niyang mamula-mula na ngayon.
"I am forgiven now?Hmm."Malambing na sabi ko pa at hinalikan ang pisngi niyang matambok dahilan para pumula nanaman siya hindi dahil sa pisil ko kong hindi dahil sa halik ko.Nahihiya naman siyang tumango at nagsumiksik ulit sa leeg ko."I'm sorry ulit okay?And thank you baby sa pagpapatawad sa akin."Napakalas naman siya sa bigla at kunot noo akong nilingon.
"What did you just call me?"Sa lahat ng sinabi ko yun lang talaga yung napansin niya?This girl aishh-"Baby, you are my baby why?"Honest kong sagot at ilang saglit pa ay napansin ko naman na napakagat labi siya and trying to supress her smile na ikinataka ko.
"Heeyy-are you alright?"Saad ko at hinawakan ang kamay niya.Nag-angat naman siya ng tingin sa akin na may ngiti sa kanyang labi."I'm just happy."Halata nga ang laki kasi ng ngiti niya ehh.
Ngumiti lang naman ako sa kanya."Pasok na tayo?"Tumango lang naman siya bago hinawakan ang kamay ko at sabay kaming naglakad pabalik sa classroom ko na may parehas na ngiti sa labi.
~ to be continue......