Olivia Mae Perez MATAPOS namin mananghalian ni maldita ay nandito na ulit kami sa kwarto habang ako ay naka opo sa kama at siya naman ay nakahiga habang may kumot sa katawan.Medyo giniginaw daw kasi siya tsaka umuulan rin kasi sa labas ehh ang init-init naman kanina. Habang may hawak siyang cellphone at ako naman ay may tinitext bigla naman siyang nagsalita. "Baby?"Sabi niya sabay hawak sa braso ko.Takang lumingon naman ako sa kanya."Hmm ano yun may kailangan ka ba?"Sabi ko sabay lagay ng cellphone sa bed side table at lapit sa kanya para humiga narin. Medyo nangangalay na kasi ako kakayuko kanina pa kasi kami dito sa kwarto mga isang oras na yata ang nakalipas. "Hmm ano kasi hmm."Sabay yuko at kagat sa kanyang labi na ikinataka ko."Huh?Ano may sasabihin ka ba?Hmm."Sabi ko sabay hawak

