FRANCINE Napatigil ako dahil sa sinabi niya. Totoong kasal? Ano’ng kasal ba yung gusto niya, hindi ko siya maintindihan. Napahinga lang siya nang malalim at napatingin sa akin. “Uuwi na ako, sabihan ko na lang yung driver na sunduin ka,” mahinahon niyang sabi sa akin. Gusto ko siyang habulin pero hindi ko magawa. Hindi pa nagpo-proseso sa akin yung mga sianbi niya. “Hey, sorry,” sambit ni Enzo. “Hindi pa talaga siya handa na sabihin iyon. I thought alam mo na, kasi matagal na din naman kayo, hindi ba?” sambti ni Enzo sa akin. Napalunok naman ako sabay napangiti sa kaniya. “Yeah, matagal na nga,” wika ko. Pero hindi naman dahil sa pagmamahal iyon, dahil sa utang ko sa kaniya. “You should talk to him about it, for sure kailangan ninyo lang mag-usap na dalawa. Besides kayo lang din n

