FRANCINE NAGING busy kami ni Axel sa mga ginagawa namin sa buhay, ako sa pag-aayos ng schedules niya siya naman sa mga mall shows, concerts, events, and solo projects niya as an artist. Minsan hindi na din kami nakakapag-usap nang maayos kapag nasa bahay kaming dalawa dahil wala na talagang time. “Ms. Alcantara, finally you’re here.” Napangiti naman ako sa mga bosses ng management. Nagulat na lang kasi ako ng bigla akong pinatawag. I feel like this is the new project na ipi-peach nila for Axel. Hindi ko alam kung saan ko na ilalagay iyon dahil meron pang concert ang Ecstacy next week and mamaya need kong pumunta sa Baguio dahil andoon siya para sa shoot niya ng isa niyang project. “Sorry sir, wala ngayon si Axel, he’s busy for his project kasi. Uhm ano po pala itong commotion na ito?

