FRANCINE “HINDI ka okay,” nagulat naman ako nang biglang may yumakap sa likuran ko. Napahawak ako sa kamay niya sabay napatapik-tapik. “Sabi ko naman kasi huwag mo ng kausapin,” malambing niyang sabi. “I need to, manager mo ako eh. Kung work iyon dapat tutulungan kitang makuha iyon?” Bigla niyang isiniksik ang kaniyang mukha sa leeg ko. “Don’t stress yourself because of me. Let me do the work this time, okay?” malambing niyang sabi. I don’t know after what happen kanina. Naging ganito ka-sweet sa akin si Axel sa hindi ko malamang dahilan. Pero hindi ako nagrereklamo na naging ganito siya, actually masaya pa nga ako doon kahit alam ko na maling maging masaya. “She wants you back again to her life,” sambit ko sa kaniya. “Paano ako babalik kung wala namang kami? Besides, ayaw ko nama

