"Salamat kuya." Nakangiti kong sabi kay kuya matapos niya akong pagbuksan ng pinto ng sasakyan. Humalik pa ako sa pisngi niya bilang pasasalamat. "Welcome pangit." Nakangisi niyang sabi at natigilan naman ako. "Waaa! Omg! Ngayon ko lang ulit narinig yan sayo ah!" Kunyaring inis kong sabi at hinampas pa siya sa braso. Tumawa lang siya. "Bakit gusto mo araw-arawin ko?" Nang-aasar ang ngiti niyang sabi sa akin. Tinignan ko siya ng masama. "Wag naman! Bullying ka na eh! Psh!" Sabi ko at natawa naman siya sabay gulo sa buhok ko. "Sige na kuyang pangit pasok na ako. Salamat sa paghatid. Ingat ka." Natatawa kong sabi at tumango lang siya saka pumasok sa kotse niya. Naging snob bigla ah? Feeling cool amp! Nakangiti akong pumasok ng gate ng school. Gumaganda talaga ang araw ko kapag si Kuya

