Kinabukasan: Babangon na sana ako mula sa pagkakahiga nang bigla akong mahilo. "Waaa! Maam wag muna kayong tumayo." Tarantang lumapit bigla sa akin si Maid at may dala-dalang maliit na planggana na inilapag niya sa side table ko. Kinapa niya ang noo ko at nanlaki bigla ang mga mata niya. "Waaa! Maam, ang init-init niyo na." Nataranta siya bigla at nagpaikot-ikot sa kwarto habang sigaw pa ng sigaw. Gusto ko mang ibuka ang bibig ko para sana bulyawan siya sa pagsigaw niya ng pagsigaw ay hindi ko magawa. Sobrang pagod ako at napakahirap pang igalaw ng buong katawan ko. Ramdam na ramdam ko rin ang init ng katawan ko. Para akong walang lakas, kahit ang bumangon ay hindi ko magawa. "Maam, okay lang kayo? Dalhin ko na po kayo sa ospital." Sabi niya sa akin. Umiling ako ng umiling dahil hin

