KINABUKASAN Grabeh! Nakakaantok pa. Si Nixon kasi eh! Kagabi ilang beses kaming pabalik-balik sa labas dahil sobrang sakit daw talaga ng tyan nya. Tas laging sinasabi na kasalanan ko, dahil daw dun sa tubig. Sinisi pa ang tubig! Sisihin niya ang tyan nyang maarte! Mga alas tres na siguro ng madaling araw ako nakatulog ng maayos. Para akong tumayong nanay ng ugok na yun ng isang araw. Hindi ba siya nakakatae mag-isa at kailangan niya pang magpasama sa akin? Bwisit! Ang laki na tuloy ng eyebugs ko. Huhuhu. "Okay students, go to your groups." Nabalik lang ako sa ulirat nang magsalita si Miss Agnes. Umupo muna ako sa ilalim ng isang puno dahil mukhang anumang sandali ay pipikit na ang mga mata ko. "Ikay!" Bwisit! Kelangan talagang sumigaw? "Oh?" Walang gana kong sabi habang nakapikit

