"Let us all give a round of applause for our last contestant." "Woooooo!!" "Ikay! Ikay! Ikay!Ikay!" "Wow ang daming fans ah?" Biro ni Reyden sa akin pero nginitian ko lang sya. "Kinakabahan ka?" Tanong niya. Tumango ako. "Medyo. Hehe" sabi ko at pumeke ng ngiti. Tinap naman niya ang likod ko kaya huminga ako nang malalim uoang pakawalan ang matinding kaba na nararamdaman. "We can do this." Sabi niya at ngumiti ulit. Sana nga.. "Ang nagback-out kanina, Contestant number two!" Sigaw ng MC. Umugong ang nakakabinging sigawan ng mga tao sa loob ng gym. Umakyat na kami ng stage at doon ako nakaramdam ng matinding kaba. Napanganga ako ng makita na madami pala talagang tao. Punong-puno ang buong gymanasium at hula ko pa ay may mga iilan pang naiwan sa labas dahil hindi na makapasok. Hin

