Ikay's POV Sabado ngayon, walang pasok. Naglaro kami sa haunted house (Charot) Nandito ako sa bahay at hindi ko alam ang gagawin. Hindi ako mapakali. Hayyy.. Tatawagan ko ba si Aiza o wag nalang? Wag nalang o tatawagan ko si Aiza? Aishh! Ano bang pwede kong gawin? Galit nga kaya siya? Sana naman hindi oh Dali-dali akong lumabas ng kwarto. Pagkalabas ko ay nakasalubong ko si Maid sa may hagdanan na pakanta-kanta. With feelings pa talaga. Gusto niya kaya sumali sa Tarantadong Pinoy? May alam akong audition this August. Pag nanalo siya aalis na siya ng bahay ko at pag nangyari yun.. Wala nang sisira ng araw ko. Tama.. Tama.. "Good morning po maam." Nakangiti niyang bati sa akin."Hehe, gising na po pala kayo. Gigisingin ko pa po sana kayo eh!" Sabi niya at napakamot pa sa batok. Teka?

