"Tss.." Napamaang siya at iiling-iling na napatingin sa kawalan. "Dream on Ms.Mandadaro." Dagdag pa niya bago naglakad paalis. What the eff! Ugh, ang kapal talaga ng bwisit na iyon. Nahawa na sa kayabangan ni Hans. "Aiza." Nagsalita si Reyden sa micropono at napalingon naman ako sa gawi nila. Naghiyawan agad ang mga tao sa paligid. Si Aiza naman hindi makatingin ng derecho kay Reyden. Ay sus! Pa cute pa ang babaeng ito. Batukan ko siya eh! "Babe.." Mas lalong lumakas ang tilian. Pati ako napatili na rin sa kilig. Humaygad! "Sorry.. I'm really really sorry sa nagawa ko. Alam kong ako yung mali. Alam kong ako yung gago. Patawad sinaktan kita. Patawad niloko kita. Patawarin mo ako babe." Nakaramdam ako nang awa nang makitang nangingilid ang luha ni Reyden. "Babe..alam kong hindi ga

