~(CHANTAL LANE SY POV) Nanginginig ang laman ko habang nakatingin sa papalayong sasakyan ng babaeng 'yon. Pumikit ako nang mariin to calm myself down pero hindi ko na kinaya nang hawakan ni Gabe ang braso ko. "Babe..." I pushed him and slapped him. "Ang kapal ng mukha mo! Ang kapal kapal ng mukha mo!" I shouted na parang mababalian ako ng ugat sa leeg. Naramdaman ko ang pag-agos ng likido sa pisngi ko. Parang pinipiga ang dibdib ko sa sakit. "Babe... I didn't—" "Shut up! You f*****g shut up!" Bago ko pa siya masaktan ulit ay humakbang na ako papasok ng bahay. Wala akong nagawa kung hindi ang mapahikbi na lang sa loob ng kwarto. ~(GABERIELLE SAAVEDRA POV) "Babe... It's not what you think—" "Get out." Malamig na sabi nito habang nakaupo sa gilid ng bed. She was still sobbing. Fu

