~(GABERIELLE SAAVEDRA POV) She had the power to decide kung kailan niya gustong pumunta ng unit. Kung ayaw niyang pumunta p'wes ako ang pupunta sa kanya. "Ayoko niyan." "Ayoko ko nga." "Ayoko." "No." "Hindi." Psh. "Ano pang kwenta nitong lists mo?" I asked irritatedly. "May kwenta 'yan kung hindi mo inagaw sa akin." Hays. I was just helping her siya pa itong may ganang magalit. Sa isang oras namin sa supermarket isang lata palang ng corned beef ang laman ng big cart. Plano niya yatang basahin lahat ng nutrition facts ng pagkain sa buong supermarket. "Matagal pa ba?" Naiinip na tanong ko. Hindi ito lumingon at nanatiling nakatingin sa likod ng lata na hawak niya. "Kung naiinip kana pwede ka nang umuwi." "Parang kailan lang gustong gusto mo akong makita." Mahinang bulong ko.

