~(GABERIELLE SAAVEDRA POV) "Kissss," Anito nang makarating kami sa main enteance ng building niya. Psh... Hinawakan ko ang tiyan niya at hinalikan ang pisngi niya. Hindi siya pumayag na ganu'n lang, kinuha niya an pisngi ko at mabilis hinalikan ang mga labi ko. "Bye, see you later," Nakangiting anito bago tuluyang humakbang papasok sa loob. Bumuntong hininga ako habang nakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na parang bumabalik na kami sa dati pero masaya ako na nakikita kong masaya siya. "Ayos, sir!" Bahagya akong napailing kay Manong. Tinapik ko ang balikat niya bago umalis. ~(RIANNE SAAVEDRA POV) Humigpit ang kapit ko sa manibela habang nakikita ng mga mata ko kung paano nila halikan ang isa't isa. No. Hindi kayo pwede basta na lang bumalik sa dati! Pagkatapos

