Dahil sa hindi mawaglit sa isip niya ang panaginip kagabi at pakiramdam niya talaga ay totoo yon kahit imposible, agad siyang umakyat sa sariling kwarto upang siyasatin ang bedsheet niya. Well, he was hoping to see something. Kahit maliit na pag-asa ay kakapitan niya kung tungkol iyon kay Claire. Pero nadatnan niya si Seli sa kwarto niya na katatapos lang linisin at palitan ang mga bedsheet at punda niya. “Nasaan na yong bedsheet at mga pillow cases?” “Sir? Ah yung pinalitan po ba? Nilalabhan na po sa baba.” Nagtatakang sagot nito sa kanya. “Ok.” Napabuntong hininga nalang siya. Bakit ba kasi pagkagising niya kanina at makita ang sariling hubad ay basta nalang siya pumasok sa cr at nagshower? Damn! Paano kung may nangyari pala talaga kagabi at si Claire nga ang kasama niya? Palabas

