It’s been a month since umalis si Claire sa Mansiyon. Miss na miss na ni Kent ang dalaga lalo at hindi sila maayos nang umalis ito. He wanted to look for her. But if he does, ano ang sasabihin niya sa dalaga? Baka magalit pa ito sa kanya. Hindi nga ba at ayaw nitong pinakikialaman niya ito? At hindi niya rin makakalimutan na minsan niya nang nakitang kahalikan nito ang Alejandro na iyon. Kahit pa sinabi ni Claire na friends lang sila ng lalaking yon, was it true? Bakit sila naghalikan kung ganoon? Malalim siyang napabuntong-hininga. Does he need to forget her now? Siguro ay masaya na si Claire kung nasaan man ito ngayon at ni hindi siya nito naiisip. He loves her so much. Bakit ba kasi late na niya iyong narealize? Kung sana mas maaga siyang nagpakatotoo sa sarili niya ay n

