“Nasaan tayo?” tanong sa kanya ni Claire pagkababa nila ng kotse niya. “Sa condo ko.” Mapait siyang napangiti. Itinanong na rin iyon dati ni Claire sa kanya nung ayos pa silang dalawa. “Bakit dito tayo pumunta?” mahinang tanong ni Claire sa kanya nang nasa loob na sila ng condo niya. “Do you want to go home? At ano, ipapaalam mo kay Mommy ang tungkol sa pagbubuntis mo?!” galit na tanong niya kay Claire. “Paano mong-“ “How could you do this Claire?! Sino ang ama niyan ha? Yong Alejandrong iyon o yung kasama mo sa Cavite?!” hindi na siya nakapagtimpi at muling sinigawan si Claire. Imbis na sagutin siya nito ay mabilis at malakas siya nitong sinampal habang umiiyak. But it didn’t even hurt him. Mas masakit ang nararamdaman niyang bigat sa dibdib niya. Napangisi nalang siya at

