ANDROMEDA My hands are trembling. Kakaiba ang nararamdaman ko ngayon dahil mabilis na nilalamig at nanginginig ang kamay ko ngunit wala akong nararamdamang mabilis na pagtakbo ng puso ko. I feel normal. Maybe one effect of the liquid na pinainom sa akin ni Neon. Nakakagulat lang na magkaiba ang nararamdaman ko sa loob at labas ng sistema ko. I glanced at the floor number. Nasa elevator ako ngayon. Dahil sa gilid ako ng Vux Towers dumaan kaya hindi na kataka-takang mag-isa lang ako sa elevator. Bihira lang naman kasing mapuntahan ng mga tao ang elevator na ito. Tatlong elevator ang maaaring maging alternative bago ang elevator na ito. Gusto kong malaman kung bakit nandito siya? Kung bakit involve siya sa agreement na magaganap? Dapat alam ko 'to para hindi ako nagmumukh

