ANDROMEDA Hindi pa tapos ang laban. Paika-ika akong naglakad habang may benda sa iba't-ibang bahagi ng katawan. Binuksan ni Argon ang pinto para sakin, nasa likod ko si Neon at iba pang lalaki na magbabantay sa lalaking sadya namin ngayon. Nandito kami sa bahay ni Minus McGrath, dalawang palapag lang ito at may dalawang kwarto. Ito ang nagsilbi niyang hideout sa pagtatago sa Vaun Deriogne at dito rin muna kami pansamantala maninirahan hanggang sa humupa ang gulo. Mamayang gabi ay babalik na ako sa dati kong tinitirhang bahay kasama si Neon, mabuti na lang at naisip ni papa dati na bigyan ng apartment ang ibang mga kasapi ng Vaun Deriogne dahil sa mga apartment na 'yon sila pansamantalang titira hanggat hindi pa naaayos ang Hexagon. Ang iba namang tauhan ng organisasyon
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


