ANDROMEDA Hanggang sa paglabas ko ng bar ay nanginginig pa rin ako. Pumara ako ng taxi at sumakay kahit na sinisigaw na ni Neon ang pangalan ko. Hindi ako babalik sa Hexagon, uuwi ako kay Antimony. Kahit pa alam kong sasalubungin niya ako ng tanong, ayos lang. At least hindi niya alam kung saan ako nagpunta. At least maiintindihan niya kung bakit ako umalis. At least alam niya ang pinagdadaanan ko. Malalim na ang gabi. Mas nagkaroon ako ng dahilan para hindi bumalik sa Hexagon. At this hour, nakalatag na ang mahigpit na seguridad doon. Mas lalo silang mag-iisip kung bakit hindi ako umuwi ng tamang oras kapag nakita nila ako sa labas. Hindi ko rin naman kayang pumasok sa sikretong daan na tinahak namin ni Neon dati. Masyadong madilim noon para makabisado ko. Wala sakin ang cel

