ANDROMEDA Huminto ang gray na Subaru BRZ na sinasakyan namin ni Radon sa harap ng Spanish restaurant. May nakalagay na pangalan sa harapan ng kainan, isang spanish word siguro na hindi ko alam kung anong ibig sabihin. Itatanong ko sana kay Radon kung anong meaning nung pangalan ng restaurant kaso busy siya sa kanyang cellphone. Tinignan ko ang Spanish restaurant mula sa bintana. Hindi pa ako maaaring bumaba dahil wala pang signal na sinasabi si Radon. Masyado akong maraming narinig na bilin sa kanya kanina simula nang malaman niya kung saan ako pinapapunta ni Aluminum. Wala pa siyang sinasabi at wala din akong ideya sa pupuntahan namin, kahit na sobrang dami ng binilin niya sakin kanina. "May pupuntahan ba tayong bisita? May kikitain tayo? Ano, businessman? Drug lord?

