ANDROMEDA Hindi ko rin napigilan ang sarili ko at nakatulog ako kagabi. Bago pa sumikat ang araw kanina, ginising na ako ni Neon para sabihing kailangan na naming umalis sa overlooking na pinuntahan namin. Oo, doon kami nakatulog. Mabuti na lang at hindi nagalit ang may-ari. Paano ba naman kasi, ilang oras din kaming nakatulog sa ibabaw ng damuhan na natatakpan ng tela. Nakatulog ako at hindi na ako binangungot pa. Pagkauwi namin ay tinulungan kami ni Aluminum na makapasok ng Hexagon. Bumalik si Neon sa pagtulog dahil inaantok pa raw siya samantalang ako ay nagbasa na lang ng libro. "Magluluto ka?" "Aha." Tumungo ako sa kusina at naghanda ng mga gamit. Kararating lang ni Radon at Sulphur na antok na antok pa. May trabaho kasi silang dalawa kagabi at dalaw

