"BAKIT parang napapansin kong wala ng gaanong pumupunta dito? Hindi ba nabanggit mo sakin dati na pumupunta sila dito para makasagap ng signal." Nilapag muna ni Maggie ang dalang basket na may mga lamang pagkain saka binalingan ang binata na inaayos ang nagkalat na papel sa drawer at sahig. Kahit hapon na ay nagtungo pa din sila sa watchtower, they decided to stay here tonight. "Nakagawa na kasi sila ng paraan para makakuha ng signal kahit nasa bahay lang sila." sagot nito, inayos nito ang linya ng mga papel at nilagay iyon sa ilalim ng drawer. Umupo naman siya sa papag habang pinapanood ito. "Iyon ba 'yung parang mahahabang antenna sa nadaanan natin kanina?" "Yes..." anito saka tumayo at pinagpagan ang kamay. Binasa naman niya ang labi saka tumingin sa paligid. "Palagi din ba dito n

