HINDI maipinta ang mukha ni Maggie habang nakamukmok sa kwarto. Pakiramdam niya ay sobrang bigat ng loob niya dahil hindi man lang siya magawang puntahan ng binata. Tingin nga niya ay naimpluwensyahan ito ni Cath. She can't help her tears, ano bang ini-expect niya? Bukod sa biglaan siyang dumating sa buhay nito ay hindi pa lubos nilang kilala ang isa't-isa. 'Arrgh! I hate this!' Naiiyak na umupo siya muli sa papag at wala sariling nilibot ang tingin sa paligid. She want to calm herself, hindi kasi ang taong basta na lang magiging warfreak dahil sa nararamdaman. As long as possible ayaw niyang magpadala sa emosyon dahil alam niya sa sarili na makakasakit lamang siya. 'Mukhang kailangan ko ng kausapin ang kaibigan ko dito.' Bago pa siya makatayo ay natuon ang mga mata niya sa nakasiksik

