FALL?

1484 Words
Dumeretso ako sa CST na may kabang nararamdaman good gracious. Ngayon ko lang naramdaman ang mga pinagsasabi ko. Where's my braveness? Sinubukan kong tawagan si Dred pero may kausap siya sa phone. Sino naman kaya? These past few weeks hindi ko nakakausap si Dred. Kung hindi out of the line, may ibang kausap. Sabi niya mags-stay kami kung ano kami. Bakit parang hindi niya kayang tuparin yun? Mapait akong natawa. "Hindi naman siya nangako" pero sinabi niya. "Bakit ba kasi ako?... Bakit ba kasi ako naiinis?" "Kasi gusto mo na siya?" Napalingon ako sa nag-salita si Jevi. "O mahal mo na siya?" "Hu? What are you saying?" Maang-maangan ko. "Nakita kita tumatawag mukang hindi sinagot tawag mo tapos sabi mo bakit ka naiinis? Edi malamang gusto mo siya." "Sa tingin mo?" "Oo" sabay kaming nag-lakad. "He's been my savior whenever or whatever, where ever I need help. It seems like he's always beside me guarding me silently. The gestures he made to assure that I will be fine, by kissing me in my forehead, by hugging my waist, buy talking to me, smiling at me and being with me. I like all the way he is" I said smiling. "Parang hindi mo lang siya gusto parang mahal mo na siya" "Ganuon ba ang love?" Tanong ko. "Parang bago ng bago 'tong taong 'to o. Hindi ka pa ba nagkakajowa 'te? Sa pagkaka-alam ko may dapat asawa ka 'di ba?" Sarkastik na sabi niya. "Pero hindi ko pa 'to naranasan kay Bage. I swear sa tuwing nandiyan si Dred kinakabahan ako, tumatambol puso ko, may zoo sa tiyan ko parang ganuon pero kay Bage masaya lang ako pag nandiyan siya. Nuon" paglilinaw ko agad. "Malala ka na, Roanne. Inlab na inlab ka. Masaya akong move-on ka na. Pero baka masakta ka ha" paalala niya at ginulo buhok ko. Nakasalubong namin si Mindy na may kausap sa phone. "I misses you so much, why can't you back to me?" Bossy na sabi niya. "I am not stupid you just called me because of her..." Hindi na namin narinig ang sinasabi ni Mindy kasi naglalakad siya at parang hindi kami nakita. Dumeretso na lang kami ni Jevi kay Director na binigyan kami ng napakalaking ngiti at may sobreng inabot. Pera ang laman. "Great job, Roanne. Well done. You'd never failed to amazed me" Liar. "Well done. Don't you know that the ratings on your report was 70%. Well well goodjob" niyakap pa niya ako. "And from now on I will be giving a kind of case that you like" Agad na napa-ngiti ako. "Here's your first report" tiningnan ko ang folder at binuklat ko. Isang pinatay na lalaki na natagpuan sa dump site. "Sure po ba kayo? Sa'kin 'to hindi kay Mindy?" "Of course my dear. Plus you and Jevi will increase your salary" Wtf! This is my time to shine. ** Dred's POV Mabilis na binato ko yung cellphone. Napa-tingin sa'kin si Sparta. "Ang ganda nung cellphone mo binato mo lang? Eh kung binigay mo yun sa'kin?" Si Sparta. "Si Mindy kasi alam niya daw na kaya ko daw siya tinatawagan dahil may kailangan ako. Aaisshh baliw yung babaeng yun sobrang talino" hindi ko mapigilang ngumiti habang iniisip ko yung expression ni Mindy na naiinis. "Gag* ka?" Napa-lingon ako kay Sparta nung sabihin niya yun. "Ngumingiti ka? Tang*na mo bawal sumakay sa dalawang bangka ang isang tao lang ng sabay. Sinasabi ko sa'yo kung may gusto ka pa din kay Mindy the demon eh tigilan mo si Roanne pero kapag wala ka ng feelings kay Mindy mag-landian na kayo ni Roanne" paalala ni Sparta. "Ano bang pinagsasabi mo? Sinabi ko bang may gusto ako kay Roanne? Hindi ba wala?" "May gusto ka nuon sa kaniya ha. Tang*na nito, mukang gusto ka na nung tao" tila galit na sabi niya. "Nuon ako may gusto sa kaniya" pag-aamin ko. "Naaawa lang kasi ako sa kaniya ngayon, suicidal siya, Sparta. Sa tingin ko kailangan niya ng tulong ko" "Ang hirap mo maawa nakaka-inlab. Ang panget mo din maawa nakaka-sakit" makahulugang sabi niya. "Bakit ka ba naiinis?" Tanong ko. "Tang*na mo kaibigan ni Maxine yun e. Halos lahat ata ng tao sa mundo kaibigan nu'n. P*ta pag-nalaman niyang ginanon mo si Roanne ikukuwento niya yun kay Sheng madadamay ako. Sasabihin niya magkakaibigan talaga tayo." Parang depress na sabi niya. "Bonak ka? Paano iisipin ni Roanne na gusto ko siya? Eh hindi ko naman siya nilandi o hinarott naaawa lang ako" "Parang duda ako sa hindu nilandi" naniningkit na sabi niya. "Sige mediyo-mediyo lang" "Tang*namo. Basta labas ako diyan. Ikaw na nag-sabi suicidal 'yang si Roanne baka ikaw pa dahilan ng pagkamatay niyan" Tumahimik ako. Sa totoo lang nuon gusto ko siya, pero ngayon hindi e. Naaawa lang ako sa kaniya kung paano siya gag*hin nila Ella nuon. Tiyaka gusto ko siya sa class picture lang putek. Hindi naman siguro ako gusto nu'n e. Napa-tingin kami kay Alas at Captain na dumating. Nagsisimula na kaming mag-imbistiga kay Marven Afin. "Putang*na akala ko hindi na tayo makakalabas ng buhay duon" tila pagod na sabi ni Alas. Tahimik lang si Captain. "Hindi siya yung dahilan ng Rmall's m******e" walang buhay na sabi ni Captain. Umalis ulit siya at hinayaan namin siya. "Siguro masakit pa din sa kaniya ang nangyari" si Alas at bakas ang pagaalala mula sa kaibigan. Tinititigan ko si Viper kung ano magiging reaksyon niya. "Hindi ka din ba magwawalk-out?" Tanong ko. "Bakit?" Balik na tanong ni Viper. "Para umalis kasi magdadrama ganuon?" Ngumiti siya. "Tapos na'ko diyan nung iwan ako nung asawa ko" nakangiting sabi niya. "Iniwan na'ko ng lahat ng mahal ko sa buhay ka wala nakong maramdaman" Yumuko ako, naaawa din ako kay Viper. Uuwi ng bakasyon na walang sasalubong na pamilya, kung mamatay man siya walang mag-aalala. Iniwan siya ng lahat sa paligid niya. Kaya hindi namin siya masisisi kung bakit sobrang tahimik niya. "Huwag kang mag-alala Viper nandito kami ha. Hindi ka namin iiwan pero last na drama na'to ha" si Alas. "Balik tayo kay Marven Afin" tumingin kami sa kaniya. "Naka-usap namin siya" "PAANO?" Hindi namin napigilan ang gulat. "Sabihin na lang natin na malapit siyang kaibigan ng kaibigan ko" nakangiting sabi niya. "Ang lupet nung kaibigan mo. Druglord ba yun?" Si Sparta. "Gag* matino yun hindi lang siya pumipili ng kaibigan. Maniniwala ba kayo kung si Marven Afin madaming inampon na bata sa mansiyon niya? Pinag-aaral, binibihisan, binibigyan ng pagmamahal niya ang nga 'yon. Anak ang turing niya sa kanila. Siya mismo nag-sabi na hindi siya ang gumawa. Mga tauhan niya nga ang nagpasabog duon sa Rmall pero hindi niya inutos. Sa tingin niya binayaran ang mga tauhan niya tapos pinatay din" "At naniwala ka naman agad?" Hindi makapaniwalang sabi ni Sparta. "Mamatay tao at kriminal yun naniwala ka agad" "Sa tingin mo bubuhayin niya pa kami?" Natigilan si Spartha. "Nasa teritoryo niya kami kanina sa tingin mo hindi niya kami kayang patayin? Wala akong tiwala sa kaniya pero may tiwala ako sa kaibigan ko" "Sino ba yung kaibigan mo na 'yan?" "Huwag na lang na'tin siya isali dito pero hindi si Marven Afin ang may gawa" "Sige paano na'tin sasabihin na hindi siya ang may gawa? Alangang sabihin na'tin na nakausap niyo si Marven Afin at sinabi niya na hindi siya ang may-gawa" si Sparta. "Frame up" nakangiting sabi ni Alas na ngayoy bumubuo na ng rubik's cube. "Kay Matalindog ulit natin isisisi ang lahat" "Kawawa naman si Matalindog wala siyang kaalam-alam masisira na buhay niya" "Hindi siya kawawa dahil pinoprotektahan niya si Marven Afin." "Put* naguguluhan na'ko Alas" sabi ko. "Nung nakaraan sabi mo ilang taon na niyang pinaghahanap si Marven Afin ngayon naman pinoprotektahan niya?" "Kaya hindi niya mahanap kasi hindi niya hinahanap, palabas lang lahat. Protector siya ni Marven Afin sa mga illegal deeds nito pero mukang mas malaki ang binayad sa kaniya ng gobyerno para idiin si Marven Afin sa salang hindi niya ginawa. Ngayon hindi niya na talaga alam kung nasaan si Marven Afin. Kurap ang gobyernong pinaglilingkudan din ni Matalindog. Kaya bagay sa kanilang kawawain" mahabang sabi ni Alas. "Basta kung ano ang plano duon kami" si Sparta. "Tapos na ang pag-iimbistiga kay Marven Afin. Gagawa tayo ng kuwento tungkol sa kaniya para maipasa kay General Ramos. Gagawa din tayo ng plano para kay Matalindog nang matanggal siya sa puwesto" "Anong kuwento?" Ngumiti si Alas. "Kapag chineck ang bank accounts ni Matalindog milyon milyon ang laman nuon" "Bobshik may ipon naman siguro" "Pero bakit madaming bank accounts siya na iba ang pangalan? Gagamitin na'tin yun dahil duon sa mga bank accounts na yun binabayaran siya ni Marven Afin at ng gobyernong pinaglilingkudan niya. Sasabihin na'tin na binabayaran siya ni Marven Afin na mag-tago ng mga droga niya pero hindi sila ang may gawa ng m******e" "Paano? Naguguluhan ako" litong sabi ko. "Kakailanganin ko ang babaeng hinaharot mo ngayon at ang babaeng hinarot mo nuon" Tang*nang Alas 'to
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD