"Aiken" pag-tawag ko. Ngumiti naman siya sa'kin. Inantay ko siyang matapos sa ginagawa niya sa counter area para kunin ang mga bayad ng costumer niya.
Umupo ako sa upuan at inantay siyang matapos. Three days had passed. I let a heavy sighed.
Ilang minuto pa ang hinintay ko at umupo sa harap ko si Aiken.
"May problema ka ba?" Maintindihing sabi niya.
"Why do I have this feeling na.... I don't want to finish this m******e? I mean.... Nevermind" ngumiti siya sa'kin.
"Dahil nakita mo na ang ginagawa ng dalawang kampo" hindi ko gets. At mukang nahalata niya yun. "Dalawang kampo, isa ang iyo at isa sa mga kailangan kunan mo ng statement. Pagod ka na, sinakripisyo mo trabaho mo para sa kasong 'to at determinado kang gawin kahit ano para dito.... Pero nung nakita mo yung side ng isang kampo na hindi lang ikaw ang pagod, hindi lang ikaw nahihirapan, hindi lang ikaw namomroblema, nakonsensya ka."
I nodded.
"Aiken they're much tired than me, imagine three years like they were carrying the problem of the world by finding justice?"
"At kapag hindi mo tinuloy ang kaso mo?" Napa-tingin siya sa'kin.
"Seriously, I don't know. I don't know what will happen next" We talked for about thirty minutes then I decided to went home.
When I finished doing my skin care routine my cellphone rang.
"Hello, Roanne Colasi. Who's this please" I didn't bother to look who's the caller.
"Dred 'to" agad na natahimik ako.
Bakit tumawag siya? But I felt a little nervous.
"Miss mo'ko?" I teased.
"Oo" then he got me offguard.
"H-ha?" I heard him laugh.
"Tingnan mo mang-aasar ka, ikaw naman mauutal. Gusto ko lang sanang tanungin kung free ka bukas"
"May report ako sa director namin, kailangan ko mag-hanap ng kahit anong details about sa Massacre."
"Bakit hindi na lang ako ang tanungin mo?" Biglamg seryosong sabi niya.
"Why would I? Besides I am done with you. I felt guilty I don't know why——"
"Siguro dahil nakita mo si Sharine 'no?"
"Close ba kayo? Seriously nagulat talaga ako nung magkakakilala kayo" I heard him laughed.
"Hindi ko siya close masyado. Kakilala ganuon. Nakaka-sama."
"Pero yung team mo? Close mo lahat?"
"Oo naman"
"Masyado tuloy akong nacu-curious sa team mo"
"Puwede mo naman silang makilala kung gusto mo"
"Talaga? Paano?"
"Kung makikipag-kita ka sa'kin bukas"
"Hahaha ta-try ko ha"
"By the way next week balik kampo na ulit kami." I felt a little sadness. Kasabay nang pag-alis niya ang wedding anniversary ni Ella.
"May gyera ba?"
"Balik Rmall's m******e"
"Goodluck?"
"Seryoso ka ayaw mo makipag-kita sa'kin bukas?"
"Sige bigyan mo'ko ng magandang rason para makipag-kita sa'yo?" Pang-gagaya ko sa kaniya.
"Kasi aalis na'ko"
"Not valid"
"Kasi mamimiss mo'ko?"
"Lie" natawa naman ako.
"Kasi..."
"Kasi what?"
"Kasi... kasi baka yun na yung huling pagkikita natin"
Natahimik ako, kinabahan medyo sa hindi malamang dahilan.
"Sa i-isang linggo pa naman alis mo, madami pang pagkakataon"
Wala akong narinig na boses pero buntong hininga meron.
"Okay, see you" then he ended the call.
**
"Roanne" napa-lingon ako kay Jevi. "Ano ng balita? Kamusta naman ang trabahong may harot? Ganado hindi?" Nag-pout ako sa kaniya pero nilamutak niya bibig ko.
"Aray" inis na sabi ko.
"Pout-pout ka pa diyan. Hindi bagay"
"Aalis na siya next week——"
"Eh paano na yung Rmall? Ano ba 'yan Roanne. Napaka-hina mo. Saan ka pupulutin pag nagkataon? Mawawalan ka ng trabah——"
"Sa totoo lang wala na'kong paki-elam" nginitian ko siya. "Nakuha ko na ang statement na gusto kong marinig"
"T-talaga? Nalutas mo na ang m******e?" Umiling ako.
"Sino ang dinidiin sa kaso ng Rmall?"
"Ang mga Ramos kasi ginawa daw nila ang m******e para pag-usapan uli ang Rmall dahil madaming bagong tayong mall ngayon"
"Sila na nga ang nadawit, naagrabyado, sila pa din sinisi" nakita ko ang stress na muka ni Ms. Sharine.
"Kahit ako din, sila din pinaghihinalaan ko sa gulo ng Rmall e"
"Sa tingin mo kaya nilang pumatay ng ganuon karami? Sa tingin mo wala silang konsensya? The fact na nag-tatanggol para sa bayan ang kaisa-isang anak ng may-ari nito?"
"Bakit ako inaano mo? Hindi naman ako may sala e" natawa naman ako.
"Subukan kaya natin kuhanan ng pahayag ang gobyerno?"
"Bonak ka, anong kinalaman ng gobyerno dito?"
"Pondo, hindi man lang binigyan ng Pondo ng gobyerno ang Alpha Team para mag-imbistiga" napa-tingin naman siya sa'kin.
"Ayan bang mga sinasabi mo e, sinabi din sa'yo nung mga sundalo at nagaya ka?" Hindi ko siya pinansin.
"After Rmall may tinayong project ang gobyerno 'di ba?" Tumango naman siya.
"Oo, yung 'daan para sa kaayusan' yun yung title nung project halos lahat sa buong Pilipinas. Pinaayos yung mga daanan na hindi maayos"
"At sa tingin mo para mapa-ayos ang halos lahat ng wasak na kalsada ng Pilipinas sa iba't-ibang panig ng bansa. Saan sila nakakuha ng pera? Para ipamahagi sa mga lugar na sira ang kalsada"
"Hoy Roanne wala kang ebidensya sa mga sinasabi mo. Baka imbis na Rmall lang ang kaso na irereport mo baka biglang ikaw ang ireport dahil nakita ka na lang na palutang-lutang sa ilog" babala niya. "Mahirap kumalaban ng politiko, Roanne"
"Ang sinasabi ko lang... Na baka mali kuwento ko" tinitigan ko siya.
"Nagda-drugs kaba? Kung oo tigil mo 'yan. Lala mo na"
"Naniwala ka ba sa mga sinasabi ko kanina?"
"Hindi, bakit ako maniniwala?"
"Mismo laging may mali sa bawat kuwento at yung mga sinabi sa'kin nila Captain ay isang malaking kasinungalingan"
Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nila Captain nung naka-raan sa totoo lang. Pakiramdam ko lahat sila may alam. Lahat sila may tinatago.
At kailangam alamin ko yun.
Dahil ibibigay ba sa kanila ang kasong 'yun? Kung hindi nila kaya? Imposible naman kahit isang kead wala sila.
Dred's POV
"Did you guys already said to that reporter?" Napa-lingon kami kay Sharine.
Muka siyang pagod na pagod.
"Hanggang kailan.... Hanggang kailan ba natin itatago ang sagot?" Napa-lingon kami kay Sparta.
Tahimik lang si Captain at Viper na sobrang apektado sa nangyaring m******e three years ago.
"Walang may-kayang... Kumalaban sa kanila" malungkot na sabi ko.
"Kung kilala lang sana natin sila" bulong ni Captain. "Kung kilala ko lang sila, darating yung araw na mahahanap ko din ang gagong nasa likod ng m******e. At kailangan niya pagbayarin ang nangyari sa mga taong natanggalan ng buhay nung araw na yun"
"Kakampi nila ang gobyerno——" singit ni Alas.
"At sisiguraduhin ko lahat ng kakampi nila babagsak sa kamay ko" galit na galit na sabi ni Captain.
Tahimik lang naman kami.
"Three years had passed but still no progress even if you guys were investigateng that m******e secretly." Si Sharine.
Bumuntong hininga ako.
**
Nagising ako sa tawag ng cellphone ko, sinagot ko yun ng hindi ko tinitingnan kung sino yung tumawag.
"Gag*"
"Oh?" Kilala ko na.
"Kailan balik niyo ng mga batang palobo sa duty?"
Tang*nang batang palobo na naman amputa.
"Sa isang linggo? Bakit pababaunan mo kaming pande coco?" Pang-aasar ko.
"Hindi, oven ipadadala ko sa'yo. Tutal wala namang silbi utak mo try mo ibake ng magka-silbi, malay mo may bumili"
"Dami mong alam bakit ka tumawag?"
"Yung labadabadubs mo" napa-upo naman ako.
Kilala ko sino tinutukoy niya.
"Sa isang linggo sa mismong araw ng start ng duty niyo... Pupunta yun sa wedding anniversary ng ex-fiance niya. Samahan mo. Baka kung anong mangyari duon——"
"Malaki na yun kaya niya sarili niya"
Pero sa totoo lang, bakit pupunta pa siya duon?
Apaka laking tanga naman niya. Seryoso? Pupunta pa talaga siya duon? Para ano? Para tingnan kung gaano kasaya ang pinsan niya kasama ang ex-fiance niya at anak nila?
Nako, Roanne. Pipitikin kita sa noo pag-nakita kita.
"Ah malaki ba? Eh kung pakainin kaya kita ng harina hanggang sa mamatay ka?"
"Wala pa'kong nabalitaang taong namatay sa harina"
"Bob* baka matuwa ka pa kasi magi-guiness book of world records ka pa. Kauna-unahang taong namatay sa harina. Shet sisikat ka"
"Ah sige" walang paki-elam na sabi ko.
"Pumunta ka ha, samahan mo siya." Seryosong sabi niya.
"Babalik na'ko sa duty nun——"
"Nag-text sa'kin general niyo. Delayed daw."
"Hindi talaga kaya, Maxine. Ikaw na lang ang sumama"
"Eh wala naman ako diyan. Para ka namang tang* saglit lang yun pag-pinarusahan ka chat mo'ko sapakan kami ng general niyo"
"Ewan bahala na, pero hindi talaga puwede"
"Bahala ka sa buhay mo king*namo basta pumunta ka aasahan ko" mag-sasalita pa lang sana ako pero pinatay na niya.
Gusto ko mang puntahan siya duon at samahan siya hindi puwede.
Bakit kaya ganuon ugali mo? Lagi kang pumupunta sa mga bagay na ikakasakit mo.
"Hayy nakooo Roanne" sigaw ko sa kuwarto ko.
Kapag nasaktan ka, susuko at magpapakamatay, mapatunayang ayos lang siya sa lahat gagawin lahat kahit pa makita ang mga taong nanakit sa kaniya.
Naiintindihan kong moved-on na siya pero hindi na siya dapat pumupunta sa ganuong event ng mga taong nanakit sa kaniya.
Kasi dati ang mga panahong kasiyahan nila ay ang mga panahong kalungkutan niya.
Nako Roanne kung puwede lang kitang samahan.
Baka wala pa tayo sa reception hawak ko na kamay mo, huwag mo lang maramdaman na nag-iisa ka habang yung mga nanakit sa'yo masaya.