Naka-tingin ako sa kalsada habang nasa loob ng sasakyan. Pinag-mamasdan ang daang minsang nilakaran ko at dinaanan ko. Papunta kami ngayon kay Aiken pero bago yun pu-punta daw muna kami kay Captain at sa Alpha Team kasi daw gusto daw nila ako makita kaya pumayag ako. Nang maka-rating kami sa isang napaka-laking bahay ini-hinto ni Dred ang sasakyan. "Dito na ba tayo?" Pagta-tanong ko at tumango naman siya. Mag-ka-hawak kaming pumasok sa malaking bahay. "Nandito na kami," sabi ni Dred at bigla na lang may pumutok na kung saan na iki-na-gulat ko. . "SURPRISE!" malakas na sigaw ng Alpha Team ng may kasama silang mga babae. "WELCOME BACK!" masaya pang sabi nila. Napa-ngiti naman ako sa effort na ginawa nila para i-welcome ako kasi literal na sumigaw lang sila tapos pina-tunog yung ka

