Roanne's
No texts, no chats, no calls. What the h*ck? Ano ba naman yun?
"Roanne bilisan mo huwag kang kupad marami ng reporter sa conference room" tumango na lang ako. Nang makarating kami sa conference room.
Wala pa ang pulis na humawak sa kaso pero madami ng mga reporter ang nag-uusap-usap. Pumuwesto na si Jevi para ihanda ang camera niya.
Ilang minuto pa inantay namin at lumabas si SPO3 Matalindog. Isang matanda na at may pangangatawan pa din.
Agad na pina-andar ni Jevi ang camera.
Hindi pa nakakarating sa table niya si SPO3 Matalindog ay nagsisipag-tanungan na agad ang mga reporter.
"I, SPO3 Fred Matalindog will say the truth about Rmall's m******e--"
"Sir sa tingin niyo po bakit nilipat sa inyo ang kaso?" Another issue? Inirapan ko yung reporter na nag-salita.
"Dahil hindi terorista ang may gawa sa m******e na 'to."
"May lead na po ba kayo sa kaso?" Mabilis na tumango si SPO3 Matalindog.
What the f*ck? Seryoso ba 'to? Eh bakit sila Dred wala?
"May ebidensya kami laban sa druglord na si Marven Afin. Napatunayang mga tauhan niya ang gumawa ng Rmall's m******e"
"Puwede niyo po ba ipakita ang ebidensya?"
"Sa ngayon bawal pa"
Marven Afin? Sino naman 'tong sinali nila?
"Hindi ka ba magtatanong?" Si Jevi. Umiling ako. Tumayo ako at umalis na. Alam kong tiningnan nila ako.
Ramdam kong may mali. Kung sila meroong ebidensya bakit sila Dred hindi nagkaroon?
Ano bang nangyayare sa Rmall's m******e?
"Hoy Roanne ano ba?" Habol ni Jevi.
"May mali" mahinang sabi ko. "Ramdam ko" dugtong ko.
"Magkakaroon ng mali kapag hindi ka pa pumunta duon. Ano bang mali sinasabi mo?" Inis na sabi niya.
"Jevi nandamay sila ng tao--"
"Baliw ka ba? Druglord si Marven Afin. Pinagtatanggol mo pa? May posibilidad din na kaya niyang gawin yun"
"Walang ebidensy--"
"MERON"
"EH BAKIT AYAW IPAKITA?"
"PROTOC--"
"PROTOCOL? ORDER? ANO SUNOD?" sigawan namin ni Jevi.
"Druglord yung pinagtatanggol mo"
"Wala akong pinagtatanggol. Ang akin lang hangga't wala akong ebidensyang nakikita hindi muna ako maniniwala" sabi ko at umalis na.
Walang kuwentang pulis. Magbibigay na nga ng statement hindi pa nilubos.
Isang linggo na lang ang meroon ako. Isang linggo na lang.
"Roanne umayos ka" pagkausap ko sa sarili ko. Sinubukan kong tawagan si Dred pero hindi siya sumasagot.
Kailangan may gawin ako. Kailangan may magawa ako.
Mabilis na tinawagan ko si Dred hindi ko siya tinigilan hangga't di sumasagot pero hindi niya talaga sinasagot.
I need a f*cking information.
Tinawagan ko si Aiken kung may kilala siyang Marven Afin pero hindi niya pa daw naririnig ang pangalan na yun.
Tinawagan ko si Maxine at sinagot naman niya.
"Wala ako ngayon sa Pilipinas, nandito ako sa Italy para bumili ng wafello" hindi ko siya pinansin.
"Max narinig mo na ba yung Marven Afin ang pangalan?" Deretsang tanong ko.
"Hindi pa bakit? Sino yun? Bagong jowa m--" mabilis na pinatay ko ang tawag. Nagsearch ako sa google about sa kaniya pero wala.
Nagtanong-tanong ako sa mga pulis about sa kaniya at nalaman kong isa sa mga tauhan niya ang nakakulong ngayon sa Bilibid kaya mabilis akong pumunta duon.
"Sino ka?" Bungad sa'kin ng isang may tatoong lalaki at may hikaw sa ilong. Siya daw yung tauhan ni Marven Afin.
"Gusto--"
"Wala akong oras sa mga sasabihin mo--"
"About sa boss m--"
"Ang lakas ng loob mo" biglang ngiti niya. Nagtaasan ang mga balahibo ko. "Ikaw lang mag-isa... Wala pang camera. Sa tingin mo hindi kita kayang patayin? Tutal kapag pinatay kita dito kulungan pa din ang bagsak ko" kinabahan ako sa sinabi niya pero tinapangan ko ang loob ko.
"Kayo ba ang gumawa nu'n sa Rmall? Nung boss--" mabilis akong natahimik nang may maramdamang masakit sa muka ko. Agad na inawat ng mga pulis siya at puwersahang ibinalik sa bartolina.
Sinampal niya ako. May nalasahan akong dugo.
Ano bang maling sinabi ko?
**
"Tingnan mo oh. Ang tigas ng ulo mo naman ate. Ayan namamaga ang pisngi mo. Bakit ka ba kasi pumunta duon?" Galit na sabi ni Ranne habang ginagamot yung pisngi kong may sugat.
Dumugo kasi siya e.
"Kahit naman sabihin ko you will not be able to understand"
"Ate 'di ba sinabi na kung sino suspect?" Binuksan ni Ranne yung TV at nilipat sa lahat ng channel ng may mga balita at lahat sila inirereport na ang Rmall. "Ikaw ate?" Bumuntong hininga ako at ngumiti.
"Duon ako sa tama kahit walang kasiguraduhan"
"Basta mag-iingat ka ate" dumeretso ako sa kuwarto ko.
Halos lahat sila nag-rereport about sa mali. Gusto ko lang makita yung ebidensiya. Gusto ko lang.
**
Napalingon ako sa cellphone ko nung tumawag si Dred mabilis kong sinagot yun.
"Hey" para akong maiiyak nung marinig ang boses niya. Napapagod ako pero parang siya yung pahinga ko.
"D-dred" halos hindi ko na mabigkas ang boses niya.
"May nangyare ba? Ginagag* ka na naman ba? Ano? Maayos ka ba ngayon? Kingna, Roanne sumagot ka kukutusan kita" natawa ako.
"How can I answer those questions if you didn't let me to speak"
"Kuwento mo na"
"How are you?" Yun agad ang tanong ko. "Wala na sa inyo ang case" tumawa siya na ikinakunot ng noo ko.
"Ayos yun, tiyaka.... Hindi mo kilala mga kaibigan ko. Lagi silang gumagawa ng mga bagay na ikapapahamak nila makuha lang gusto nila"
"I wish hindi ka madamay duon"
"Tropa kami at damayan yun" ngumiti naman ako.
"By the way... Si Marven Afin--"
"Wala talagang ebidensiya, Roanne. Wala. Huwag kang maniniwala. Ito pala sasabihin ko... Puwede mo bang... Puwede mo bang ipahayag ang tama?"
****
Naka-rating ako sa CST STATION ng hindi ako pinapansin ni Jevi.
"Ms. Roanne pinapatawag ho kayo ni Director" sabi nung Intern tumango lang ako at dumeretso sa office ni Director.
Awra pa lang niya halatang hindi na maganda ang kakalabasan ng pag-uusap namin.
"I'll trust you, Roanne believe on your beliefs." At humarap siya sa akin. "Whatever comes to your mind make sure that you don't forget to made us embarass okay?"
"D-director" utal na sabi ko. "Thank you"
"Go on, go to the studio. You are an anchor today. Make me impress" halos lahat ng gulat ko sa katawan naramdaman ko.
"Oh my god"
"This is the end for your case. Ms. Roanne Colasi so go on and speak with passion"
Mabilis na dumeretso ako sa studio one at halos lahat duon naghahanda na.
Oh my god, oh my god.
This is it. Oh my god
"Galingan mo" napalingon ako kay Jevi. "Sundin mo paniniwala mo" at duon ngumiti siya. "Pangarap mo 'to" mabilis na niyakap ko si Jevi.
"ROLLING! SHOOTS STARTS AFTER FIVE MINUTES BE READY!" sigaw ng Assistant director.
"Pumunta ka na duon" tumango ako kay Jevi. Minake-upan muna ako bago pumunta sa studio.
Tumayo ako habang hawak ang bond paper na naglalagay ng information about sa case.
Kumunot ang noo ko sa mga nakalagay dito.
Sinasabi dito na si Marven Afin talaga ang gumawa ng m******e pero ang ebidensiya nila umamin na yung nakausap kong lalaki na nagngangalang Razel Bardaje.
Puwede mo bang ipahayag ang tama?
Mabilis na pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Dred.
"FIVE, FOUR, THREE, TWO, ONE...."
Inhale... Exhale...
"ACTION!"
"Naging matunog tatlong taon na ang nakakalipas ang tinagurian nilang 'Kagimbal-gimbal sa lahat ng kaso' ang Rmall's m******e ang mall kung saan pag-aari ng mga Ramos. Walang nakaka-alam kung bakit ito pina-ulanan ng bala at bomba. Sa loob ng limang libong tao nuong tatlong taon ang nakakalipas, tatlong daan lang din ang natira."
Kaya mo 'to Roanne.
"Ayon kay SPO3 Matalindog na humahawak ngayon sa m******e ang pinaghihinalaang suspect sa kaso ay ang kilalang drug lord na si Marven Afin." Lahat nakatitig sa'kin at inaabangan ang mga sasabihin ko. "Pinaratangan ng walang ebidensiya"
Lahat gulat na tiningnan ako. Hindi ko na din alam kung anong tama sa ginagawa ko pero may tiwala ako kay Dred at may tiwala sila sa'kin.
Live broadcast to kaya hindi siya puwede patigilin.
"Pinaratangan siya dahil lamang sa sinabi ng tauhan niya na siya ang nasa likod nito ng walang kongretong ebidensya para mapatunayan 'to. Tatlong taong hinawakan ng mga sundalo ang kaso at wala silang nakuhang kahit anong ebidensiya para dito. Samantalang nito lamang ibinigay kay SPO3 Matalindog nakakuha na agad siya ng ebidensiyang hindi niya malabas-labas para sa kaso. Hindi ba nakaka-pagtaka ang nangyayare sa m******e na'to?"
Sumesenyas na yung director namin na tumigil ako.
"Ayon sa nakapanayam namin na itago na lang na'tin sa pangalang Rizal. Naniniwala siyang hindi si Marven Afin ang may-sala sapagka't wala namang ipinapakitang ebidensiya. Kumuha kami ng panayam sa nasabing pulis na humawak ngayon ng kaso ngunit tumanggi siyang ipakita ang ebidensiya. Nag-aakusa ang karamihan sa mga tao na si Marven Afin nga ang may-sala dahil sa paratang sa kaniya. Patuloy pa ding iniimbistigahan ang kaso hanggang sa matapos at masulosyunan ito. Ngunit nag-aalala ang mga taong nasawian sa insidente na maari daw mag-sara muli ang kaso."
Nag-aalala ako sa mangyayari sa kagagawan ko. Hindi ko alam anong puwedeng mang-yari sa akin.
Galit na ang mga nasa paligid ko pero kaya ko 'to.
"Muli, ako si Roanne Colasi. Nag-uulat"
"CUT!" bago pa man mapagalitan ako may tumawag na agad sa akin. Hindi ko naman binigay ang cellphone ko at nakalagay lang ito sa bulsa ko.
"Nagawa mo, proud ako sayo"