Nang matapos ako sa pagrereport about sa bomba mabilis na pumunta ako kila Dred at naabutan ko silang kumakain at natutulog. Apat lang sila. "Nasaan si captain?" Pagtatanong ko. "Bakit mo naman hinahanap yun?" Napalimgon ako kay Dred at talim na titig ang sinagot niya. "Ako ang boyfriend mo kung sakaling nakakalimutan mo" "Roanne huwag mong intindihin 'yang kupal na 'yan. Bangag 'yan kaya ganiyan" si Sparta. Ngumiti ako tiningnan si Dred malinis na siya. "Madumi ka oh" turo niya sa damit ko. "Niyakap mo ako kanina e" tapos niyakap niya ulit ako. "Baka madumihan ka" alalang sabi ko. "Para parehas tayo" sinubsob niya ang ulo ko sa dibdib niya at marahan akong hinaplos. "Anong oras ka uuwi?" "Pinapauwi mo na'ko? Gusto mo tadyakan kita?" "Nagiging mapanakit ka na ah" niyakap ko siy

