HE CAME

1929 Words
"Hindi ka mag-tatrabaho ngayon?" Napa-tingin ako sa nag-salita si mama. "Off ko ngayon... Pupunta ako kila Ella mamaya kasi... Wedding anniversary nila" mabilis naman na ngumiti si Mama na akala mo tumama sa lotto. "Magandang ideya 'yan Roanne. Tara hanap tayo ng isusuot mo" mabilis pa sa alas kuwatro na hinila niya ako at nag-hanap ng mga damit. Naka-pili siya ng white-cocktail dress paired with two-inch peach sandals and a small heart silver necklace. "Ayan ang isuot mo mamaya ha" masayang sabi ni mama. Tumango ako. ** "Pupunta ka pa din?" Tumango ako kay Aiken. Bumuntong hininga siya. "Sa tingin ko din kailangan mag-ayos na din kayo ng pinsan mo" natawa ako sa sinabi ni Aiken. Kinuwento ko sa kaniya yung pinanuod ko sa flashdrive. "Subukan mong itanong saan nakuha nung ka-trabaho mo yung flashdrive" umiling ako. "Ayoko na, hahaha ayoko na. Ayoko na, na may kinalaman pa sa kanila. Wala na din akong balak malaman ang lahat. Nakakapagod pag-alam mo lahat" "Hindi mo naman matatakbuhan ang problema" tinitigan ko siya. "Sa tingin mo pagnamatay ka, makakapag-pahinga ka na? Sa impyerno ang punta mo. Imbis na sila ang maparusahan ikaw. Huwag kang matakot alamin ang lahat. Maging matapang kang masaktan" "Hindi ganuon kadali yun Aiken" "Sino bang nag-sabi na madali? Walang madali sa lahat, Roanne. It's just takes time" tinitigan ko siya. "Why do I have this feeling na pilit mong iniintindi ang lahat?" Tanong ko. "Kung hindi mo iintindihin ang lahat, sa tingin mo may maitutulong yun?" Ngumiti siya sa akin. "Bilang kaibigan mo, Roanne. Sinasabi ko na intindihin mo din ang lahat. Gawan ka man ng mali, huwag kang... Gumanti. Gawan ka ng tama, ibalik mo. Pero kapag binigyan ka ng sakit, ng lungkot. Umiyak ka lang tapos hayaan mo si——" "Kapag ba ikaw binato ng itlog habang nag-lalakad ka... Hahayaan mo na lang?" Tanong ko kay Aiken. "Hindi iyon ang punto ko Roanne" ngumiti ako kay Aiken. "Gets ko ang point mo.... Pero magkaiba tayo" bumuntong hininga ako. "Hindi ko kayang intindihin lahat pero sige... Susubukan ko" "Salamat" ** Naka-tapat ako sa salamin at pinakatitigan ang sarili ko. Gusto kong sampalin si Ella, gusto kong sampalin si Bage. Gusto ko ikuwento sa anak nila kung gaano... Kung gaano kasama ang magulang niya. Wala silang karapatan pag-laruan ang pakiramdam ng tao dahil lang sa dare na tumama sa isip nila. Pinaka-titigan ko ang braso ko na hanggang ngayon may benda pa rin. Mediyo magaling na siya. "Kaya mo 'to Roanne. Moved-on ka na" idi-nial ko ang number ni Dred. "Kamusta?" Tanong ko nung sagutin niya. "Naghahanda na kami umalis, ikaw saan ka?" "Bahay, deretso trabaho na" pagsisinungaling ko. Ayoko ipaalam sa kaniya na pupunta ako kila Ella. "Ganuon ba?" Parang duda na sabi niya. "Sige tawagan kita pag-nakarating na kami sa Tanay" "Anong gagawin niyo sa Tanay?" "Sa Camp Capinpin. Balik duty na. Naghahanda na para sa Rmall's m******e" tumango na lang ako kahit hindi niya ako kita. Malapit na pala matapos ang two months. Malapit na buksan ang kaso. Pero wala pa din akong lead kahit isa. Kung nagtataka kayo bakit nagsisimula na kaming gumalaw sa kaso. Ang mga reporter kasi dapat laging nauuna sa mga balita. Habang kasalukuyang inaasikaso pa ang kaso para buksan, ang ibang namang may konektado dito naghahanda pa lang katulad ng mga sundalo habang kami? Hindi pa nagbubukas ang kaso... Kailangan may alam na kami. Para may alam din ang mga tao. "Ahm kailan balik mo?" Yuon na lang nasabi ko. "Hindi sigurado" "Kapag... Kapag ba bumalik ka?... Dito pa din ba ang punta mo?" Kinakabahang tanong ko. "Sa'yo pa din ang punta ko" at sa hindi malamang dahilan napa-ngiti ako. "Kapag ba bumalik ka gagala tayo?" "Mag-de-date tayo" "Kapag ba bumalik ka, bibisita ka sa'min?" "Kahit kausapin ko pa, papa mo" "Kapag ba bumalik ka ituturo mo saan ba bahay mo?" "Kahit duon ka na tumira kung gusto mo?" "H-hoy ano ako magiging katulong?" "Hindi, magiging asawa ko" hindi ako nakapag-salita agad. Ewan. Pakiramdam ko nagwawala katawang lupa ko. "Binibiro lang kinilig ka naman" rinig ko ang tawa niya. "Kapag..." Yumuko muna ako. "Kapag ba——" "Sa susunod na lang Roanne. Aalis na kami. Mag-ingat ka ha. Huwag ka na mag-tangkang magpakamatay... Hindi ka Diyos" sasagot pa lang sana ako pero ibinaba na niya ang telepono. Bakit siya pumapatay ng tao hindi din naman siya diyos? Inayos ko na lang ang sarili ko at pumunta sa reception kung saan gaganapin ang wedding anniversary ni Ella. Sobrang laki nung place at masasabi kong puros mayayaman ang mga nandito. Ano pa ba iisipin ko? Lumaking sa mayamang pamilya si Ella dahil may negosyo sila. Si Bage naman nag-mula sa mga angkan ng mga inyenhero. Wala akong kilala kahit isa, wala talaga. Kumuha ako ng baso ng wine na sineserve ng mga waiter. Wala akong kilala dito kahit isa. Nakaka-baba ng pagkatao kung paano tumingin ang mga tao dito. Sa hindi kalayuan natanaw ko ang isang lalaking naka-tuxedo at may hawak na phone. Seryoso ang muka niya at parang hindi siya ang taong kilala ko. "Jevi?" Tanong ko at nang tumingin siya sa'kin bigla siyang ngumiti. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya tapos pinakatitigan ako. "Parang hindi ikaw si Roanne. Mukang tao ka e" "Invited ako sa party na'to, ikaw?" "Ah wala gatecrasher" natawa naman ako. Tumingin-tingin siya sa gilid na para bang may hinahanap. "Sino hinahanap mo?" "Ah yung nanay ko" kumunot ang noo ko. "Ano naman gagawin niya dito?" "Gatecrasher din... Wala kaming maulam e" biro niya. Pinakatitigan ko siya at halata sa kaniya na hindi siya gatecrasher. "Invited ka din ba sa party na'to?" "Actually hindi, sinama lang ako ni mama. Si Mama ang invited" kumunot ang noo ko. "Puros mayayaman ang mga tao dito e" sabi ko. "Ay anong akala mo sa'kin dukha?" Natawa naman ako. "Okay mukang ayaw mon——" "Anong nangyare diyan?" Biglang seryosong sabi niya habang hawak-hawak ang braso ko. "W-wala 'yan katangaha——" "Jevi" napa-lingon kami sa tumawag at kilala ko ang boses na 'yon. "Yow man" sabi ni Jevi na parang magkakilala sila. Hindi ako lumingon dahil ayaw ko. Naalala ko na naman yung ginawa nila. "Sino siy——Roanne?" Biglang tanong niya nung humarap ako. "What?" Parang wala lang na sabi ko. "Is that you?" "And what's up to you if I am here? Besides Bage. Ella invited me?" I can see clearly his face turns into amused. "Ella's inviting you? Seriously? Or you just want to see me?" Amusement flash to my face. "Seriously? Why would I?" Sarcastic na sabi ko. "Besides you are not that important like before" I said bravely. I saw to my peripheral vision that Jevi form his lips into curve. "Wow" si Jevi. "What a wonderful atmosphere here" tapos ngumiti siya. "Magkakilala kayo?" Tanong niya. "He's my ex-fiance" then his mouth form into 'O' "Ah yung nanloko sa'yo?" Tumingin si Bage nang galit sa akin. Hinarap ni Jevi si Bage. "Nawalan na tuloy ako ng gana. Uwi na'ko pasabi kay Mama kung sakaling makita mo na umuwi na'ko" "Jevi" si Bage. "Ang panget pala ng ugali mo" at nilagpasan siya ni Jevi. "Una na'ko, Roanne. Kita na lang tayo sa trabaho" Nang kami na lang ang matira. "So stupid such as before" tapos iniwanan din ako ni Bage. "Hooo" naka-hinga din ng maluwag. Biglang namatay ang mga ilaw sign na start na ang event. Ang tanging may ilaw na lang ay yung stage. Umupo na din ako sa upuan at boring na tiningnan ang music video ni Ella at Bage. Sana pala nag-sama ako ng tao dito para hindi ako naging out of place. Nang-iwan pa si Jevi. Bumuntong hininga ako dahil hindi pa din tapos ang boring na MV nila mag-asawa. At nang ilang oras pa ang nakakalipas. Daig ko pa nanuod na boring na palabas. Sa wakas natapos din. Umakyat si Ella sa stage siyempre kasama ang asawa niya. Nakita ko din si Tito Rob na hawak ang anak nila Ella. Umiiyak si Ella habang naka-tingin kay Bage. Nag-cellphone na lang ako. "We've done through, love." Panimula ni Ella. "I am so proud to you that you are my husband. I know I am not best wife as everyone because I don't blah blah blah blah... I love you love that even my relatives can't stop myself from loving you" at duon napa-tingin ako kay Ella na naka-tingin na din sa'kin. "I forgave you from what you've done to me three years ago." What's going on? "By cheating on me with my cousin... There she is" at napunta sa'kin ang spotlight. "I loathed you so much coz because you were flirting my husband before" What the hell? The event surrounds by whisper. "N-no" yun lang nasabi ko. "But I forgave you already" tinitigan ko si Bage. He just stare at Ella emotionless. I think he don't know what exactly comes to Ella's mind right now. Ilang oras pa ang natapos bago makapag-salita si Bage. Sinabayan niya na lang kabaliwan ni Ella at siyempre natabunan na duon na ako? Ako daw? Ang nanlandi sa asawa niya. Nang matapos silang mag-speech dumeretso ako sa kanila para sana magpaalam na. Nagagalit kasi ako sa kaniya para ganituhin niya ako? Wala akong ginawang mali. "You have the guts to come here even no one wasn't inviting you?" Tila galit na sabi ni Ella. Kumunot noo ko. "Roanne said you invited her" si Bage. "No, I didn't for f*ck? Why would I?" Now I'm getting piss. Don't make me explode, Ella. "Are you here to play fun? Or you're because you're desperate to stole my husband again? What the heck, Roanne? Still alone? That's why you're here?" Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ni Ella. Seryoso nanggigil ako pero hindi ko alam ang gagawin ko dahil wala ako sa teritoryo ko. "What? What the hell are you doing here, Roanne——" "I am so sorry, Ass. Did I waited you for too long?" Agad akong napa-tingin sa braso na yumakap sa baywang ko. Napapikit ako nung halikan niya ang noo ko. He make me felt safe with his arms and kissed. He stare at me full of emotions. "You're so pretty, ass" naka-ngiting sabi niya. Ass? Is that an endearment? Where did he get that? Hinarap niya sila Ella. "And you guys are?" Gusto kong ngumiti sa itsura nila Ella sa ginagawa ni Dred. "I think, ass you came to the wrong place." Nilibot niya ang mata niya sa event. "So cheap" pang-aasar niya. "What the fu——" "You are the f*ck man" biglang seryosong sabi ni Dred. "The f*ck by making my girl get piss from your crazy wife. So this is the last. Try to harm her or anything that will make her from burst into cry and you will see how deadly am I?" May pagtatanong sa banta niya pero banta pa din. Banta na anytime puwede kang mawala. "So if you'll excuse us. I am allergic to some cheap events like this." Then he hold my hand like there's someone who will steal it from him. He hold my hand to assure that I am safe with him. "Dred" napa-tigil kami sa paglalakad at pinakititigan siya. Nakapang-sundalo siya at halatang nagmamadali. Baka siguro pumuslit lang siya ng oras para iligtas ako. "Ahm Dred" "Hhmm?" "Kapag nakabalik ka ba... Ganito pa din ba tayo?" Lakas loob na tanong ko. "Kapag nakabalik ako" hinawakan niya ang ulo ko at naramdaman ko ang malambot niyang labi sa noonko kaya napa-pikit ako. "Ganito pa din tayo"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD