Chapter 3

2153 Words
Pumasok na kami ng room, di muna kami pina upo ni ma’am dahil mag sitting arrangement daw muna kami sa subject niya, at sana lang ay di ko katabi si Alex dahil puro chikahan lang ang gagawin naming at baka palabasin pa kami ni Ma’am at di na pabalikin sa klase niya. Nasunod naman nung gusto ko di nga kami mag katabi ng upuan, nag patuloy na rin si Ma’am sa pag disscuss niya. “Did you bring an index card, Please write your name and section.” Ani nito kinuha ko naman nung index card na inipit ko sa notebook ko. At tulad nga ng sabi ni Ma’am sinulat ko nung full name ko doon pati na rin nung section namin. Maya maya lang ay nag chat siya sa akin. Ito nung kauna unahang chat namin. “May extra ka pang index card wala kasing dala si Owen?” tanong nito sa akin, buti na lang at lumabas si Ma’am kundi kanina pa kinuha phone niya. Nag reply naman ako sa kanya ng “Ibigay mo na lang nung sayo sa kanya ako na mag susulat ng pangalan mo.” Kumuha ako ng isa pang index card sabay sulat ng pangalan niya. Di ko na pinansin nung reply niya at baka mahuli pa ako ni Ma’am na gumagamit ng cellphone sa klase. “Alexander Jace Wilson” pag sususlat ko sa pangalan niya. Natulala ako ng basahin ko ulit nung pangalan niya, Alexander Jace Wilson, di kaya siya nung batang teka mukhang malabo Jace lang nung pangalan nun at hindi Wilson apelido nun, madami rin namang may pangalan na Jace sa mundo. Pag kukumbisi ko sa aking sarili. “Pass it now” ani ni Ma’am Feror dali dali ko naman sinulat nung section sa papel ni Alex. Napag tanto ko rin na siya nung Adviser namin. “So Ms. Anson ikaw pa rin nung gagawin kong president sa klaseng ito, iwas iwasan mo ang pagiging late mo at papalitan kita.” Tumango lang ako kay Ma’am nag botohan na rin sila ng iba pang officer sa room. Bilang president ay sinulat ko na rin kung sino sino nung mga officers. Wala naman kaming ginawa sa subject na to kundi pumili lang ng mga officers. Ganon rin naman sa ibang subject sitting arrangement lang ang introduction. Since bago lang rin naman ang schedule naming. At karamihan sa subject teacher naming ay di nag klase last week dahil di pa naman daw sure nung schedule last week. Palabas na ako ng room ng sumabay sa akin tong lalaki na to. “So saan tayo sa ngayong lunch, sa labas na lang tayo kumain.” Tanong niya sa akin, tumango lang ako sabay sabing Jobee. Tinanong ko si Mia kung sasama ba siya pero ang gaga tangi ngiti lang ang sagot sabay sabing “Di nab aka ma istorbo ko pa date niyo.” Kung di ko lang kaibigan to kanina ko pa to nahampas. Nauna nang umalis sa amin si Mia tumingi ako kay Alex sabay tango sa kanya at nag simula na rin mag lakad palabas ng campus. Bigla niya na lang hinigit nung braso ko papuntang parking lot. Maya maya lang ay nasa isang motor na kami. “Kaninong motor to?” tanong ko sa kanya. “Sa akin bakit?” tanong rin nito sa akin, “Dito tayo sasakay” pabalik ko na tanong sa kanya. “Bakit ayaw mo ba? At wala pa akong kotse matatagalan rin tayo kung mag jeep tayo.” Pangunguna nito sa akin. “May lisenya ka ba? Paano kung mahuli tayo.” Tanong ko sa kanya. “Meron akong dalang lisenysa pero di nga lang sa akin, kay daddy at isa pa di man tayo mahuhuli may dala akong extra helmet. Ang dami mo naman sinasabi wala na tayong time para mag lunch.” “Teka paano naman ako kita mo namang naka skirt ako.” Tanong ko sa kanya bigla niya naman tinangal nung suot niyang jacket sabay lagay sa bewang ko. Kinuha niya na rin nung helmet at siya na mismong nag suot nun sa akin. Naka tingin lang ako sa kanya, di ko talagang itatangi gwapo to. Pero masyado pa kaming bata para sa ganong bagay. Bumaling nung tingin ko sa isang babaeng naka tingin ulit sa amin. Siya nung babae kanina sa canteen na masama ang tingin sa akin. “Angkas na.” ani ni Alex pero di ko pinansin nung sinabi niya kundi nakatoon nung atensyon ko sa babaeng yun. Ano nga ulit pangalan nito. Pilit kong inaalala nung pangalan niya ngunit di ko talaga maiisip. “Abigail! Sabi ko umangkas ka na.” tawag sa akin ulit ni Alex. “Sino ba kasing tinitiknan mo diyan?” tanong nito tinuro ko naman nung babaeng na kanina pa nakatingin sa amin. Napansin ko nung pag ka inis sa tono ni Alex sabay sabi nitong “Wag muna yang pansinin naiinggit lang yan.”sabi pa nito, so kilala niya yung babae di kaya yun nung ex niya. Bigla niya na lang akong binuhat at isinakay sa motor niya. “Huy ibaba mo nga ako!” sigaw ko sa kanya. “Ang bagal mo kasi kanina pa ako nagugutom.” Binuksan niya nung makina siya na rin mismo nag lagay ng kamay ko sa bewang niya tatanggalin ko n asana nang bigla siya mag salita. “Sige tanggalin mo pag ikaw nahulog di ko na kasalanan yun.” Napilitan akong ipulopot yun doon baka kung ano pang sabihin ng lalaking to. Nagsimula na rin siyang mag maneho, doon lang kami pumunta sa pinaka malapit na Jollibee sa may Aguinaldo Avenue. Kakain lang rin naman kami at di na rin naman naming kailangan lumayo. Naghanap na ako ng mauupuan naming samantalang pumunta na siya ng counter para mag order ni di lang man tinanong kung anong gusto kong kainin. Habang hinihintay siya may biglang lumapit sa akin. “Miss, are you alone? Can I join you.” Alok nito ngumiti lang ako sabay sabing may kasama ako lumingon naman siya sa paligid na para bang may hinahanap. Maya maya lang ay dumating na rin si Alex. “Excuse me” ani nito sa lalaking nakaharang sa daan niya. “Ah… sorry I thought she was alone.” “Mukha ba siyang mag isa, tabi nga diyan!” Bigla naman nagulat nung lalaki saka umalis sa tono kasi ng pananalita ni Alex parang nag hahamon ito ng away. Nilagay niya nung tray sa table saka umupo sa harap ko. Ang dami naman ng binili nito. May rice, chicken, spaghetti at sundae tas coke naman ang soft drink may extra rice rin ito. Binigay niya sa aking nung rice at chicken hati na lang daw kami sa spaghetti since malaki naman nung kinuha niya. Okay lang naman sa akin nung sa kanya na lahat yun basta ang fries na hinahanap ko eh wala. “Asan nung fries ko?” Tanong ko sa kanya, nag taka naman siya sa tanong ko. “Bat wala kasing fries” pag uulit ko. “Eh di ka naman kasi nag sabi” sagot niya rin sa tanong ko. “Eh sino bang kasing pumila agad sa counter di lang man tinanong kung anong gusto ko.” Napilitang siyang tumayo ulit at bumalik sa counter ulit, kinumbisi niya pa nung iba na paunahin siya sa linya. Habang hinihintay siyang bumalik may biglang lumapit sa akin na lalaki. Hindi siya nung lalaki kanina. “Hi… Can I get your number?” tanong nito sa akin “I’m not interested.” Pag uuna ko sa kanya, “I just want to ask for your number.” Sabi pa nito. “Sabi ng hin-“ “Pre, narinig mo naman nung sinabi niya diba, kaya umalis ka na kung ayaw mo mag bakasyon sa hospital.” Nagulat naman ako sa mga sinabi niya, maya maya lang ay napansin kong nag tayuan sila Owen at iba pa naming mg aka klase. Mukhang natakot naman nung lalaki pati crew ay napatingin na rin sa pwesto naming sinabihan naman ni Blake nung isa sa crew na di sila mangugulo. Maya maya lang ay umalis na rin nung lalaki, tumango lang si Alex kina Owen saka umupo sa harapa ko ulit. “Oh ayan na fries mo, muntik na kaming mapa away doon. Bat kasi ang ganda ng kasama mo.” Bulong nito sa huling linya na sinabi na rinig ko naman. Nag simula na rin ako kumain nang napansin kong andito pala sila Owen, kaya tinanong ko na siya. “Bat sila andito” tanong ko sa kanya. “Malamang para kumain.” Pabalang na sagot niya sa akin. “Yeah, I know I mean, kanina pa sila ditto.” Tumango naman siya “Nauna sila sa atin ditto. Di ko rin naman alam na ditto rin sila kakain. Nakita lang nila ako kanina habang naga order.” Tumango lang ako sa kanya saka pinag patuloy ang pag kain. “Did you remember the girl? Nung tinitiknan ko kanina, did you know her?” tanong ko sa kanya ulit. “Yeah, it was Freya siya nung sinasabi ko sayong ex ko.” Ani nito “Freya Marlow?” pagkukumbisi ko sa kanya. “Yeah, diba mag ka-klase kayo nung grade 7” tumango lang ako sa kanya. Freya the war freak bakit kaya sila nag break. Nang matapos kami kumain ay tumayo na kami, sinabihan ko muna siyang dumaan kami sa isang convenient store dahil bibili ako ng mineral water. Bumalik na kami kung saan naka park nung motor niya sinabi niya rin na sa Shoppe 24 na lang ako bumili ng tubig tumango lang ako sa kanya. Kinuha niya ulit nung helmet at sinuot sa ulo ko pina angkas niya na rin ako sa motor niya. Di naman gaanong karami nung tao sa Shoppe 24 bumili lang ako ng dalawang tubig at biscuit. Nag labas siya ng pera para bayadan yon pero sinabi ko na ako na mag bayad. Kanina pa siya labas ng labas ng pera baka maubusan to ng baon. Nang matapos kami ay bumalik na rin kami sa school. Pinark niya na nung motor niya, pero ang nakakapag taka ay andon nung tinutukoy niyang ex at mukhang kanina pa siya hinihintay nun. Bumaba na ako ng motor niya tinanggal niya naman nung helmet ko. Ewan ko ba kung pinag seselos niya nung ex niya o gusto niya lang gawin to. Pero sa ginagawa niya di ako natutuwa, gusto ko siyang sigawan o pag sabihan man lang na may kamay ako at kaya ko naman tanggalin yun, but at the same time ayaw kong na ma-offend siya sinabi ko kaya hinayaan ko na lang siya. Tiniknan ko yung Freya nay un, na kanina pa pala naka tingin sa aking ng masama. Ginatihan ko rin siya ng masamang tingin, pasalamat ka at di ako marunong makipag away. At kung pataasan lang man to ng kilay mas mataas ang kilay ko sa pag tataray sayo. Lumingon ako kay Alex at sinabing “Mauna na ako, mukhang may pag uusapan pa kayo.” Di ko na hinintay nung sasabihin niya at nauna nang nag lakad. Napatigil lang ako ng marinig kong sinisigawan na siya ni Alex. “I told you wala kanang babalikan” “Alex…please give me another chance.” “Another chance, sino bang nag cheat sa atin ako ba? Ako ba nung nag cheat sa atin? Freya listen matagal na tayong wala, matagal na akong walang paki alam sayo at kung ano man meron tayo noon hanggang doon na lang yun.” Di ko na kinaya nag lakad na ako papuntang room kahit gusto ko pa man makinig sa pag tatalo nila. Pero alam kong kailangan pa rin nila ng privacy. Hindi naman sa may pag ka chismosa ako sadyang curious lang ako sa buhay ng lalaking yun. Malapit na ako sa room ng biglang niya hinigit ang kamay ko sabay sabing “Walang klase ngayon hapon nasa Gymnasium lahat ng student para sa pag pili ng club na sasalihan nila.” Ani nito sa akin tumango lang ako sa kanya. Bilis naman niya mag lakad sabi ko nga may mahaba siyang bisig. Hinila ko nung kamay ko na hawak hawak niya pa rin ngayon. Lumingon siya sa akin na may pag tatakang tingin. “Teka lang naman kasi, para na akong madadapa sa pag hihila mo sa braso ko.” “Ang bagal mo kasing mag lakad” “Wala naman sigurong attendance diba bat k aba nag mamadali?” tanong ko ditto. “May meeting pa kami ng music club at may practice pa ako sa dance club.” Okay siya nang maraming club na sinalihan. “kaya kung tutunganga ka lang diyan eh mas mabuti pang buhatin na lang kita” ani niya, nabigla naman ako sa sinabi niya kaya dali dali akong tumakbo papuntang Gymnasium. Not now….
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD