"Penpen magkakilala kayo? "
"Yes Issay. You know him?"
"Aahmm.. nga pala Penpen siya ang boss ko, si sir Elijah." Hinatak ko si sir Elijah palapit kay Penpen.
"Yes Rosales, she's my personal maid." Sabi niya kay Penpen at ngumisi.
"'he smirked' Seriously? The old version of Elijah Levi is back 'clap' 'clap' 'clap'. The boy who always needs a girl's helping hand."
Nangunot ang nuo ko dahil sa sinabi ni Penpen. Hindi ko kasi maintindihan kung anong ibig niyang sabihin. Nakita kong kumuyom ang kamao ni Sir Elijah dahil doon kaya napaisip ako tungkol sa kanya. Ilang version ba kasi si Sir Elijah? Hmmm... jejemon ba siya noon? Rapper? Bully? Gangster? Bakla? Tsk, Ipinilig ko ang ulo dahil sa naisip. Nababaliw ka lang Issay. Saway ko sa sarili.
"The guy that you're talking about is dead. You know what, he changed a lot because of you." Sabat ni Sir Elijah at ngumisi din kay Penpen. Parang mukhang close sila sa isat isa ahh. Baka ganito lang sila mag usap at namimiss lang nila ang isa't isa.
"Move on Elijah Levi, it's been seven years since she passed away." Agad siyang sinuntok ni Sir Elijah kung kaya't natumba siya sa damuhan. Napasinghap ako sa hindi inaasahang pangyayari. Sino ba kasi ang namatay at bakit nagalit si Sir Elijah?
"Penpen!!"
Tinulungan ko siyang makatayo. Akala ko close sila bakit niya sinuntok si Penpen? Hindi ko mapigilang mainis dahil sa ginawa nito. Required ba sa kanilang dalawa ang masuntukan habang nag uusap?
"Bakit mo sinuntok si Penpen?!" Galit na sigaw ko sa kanya at itinago si Penpen sa likod ko baka kasi suntukin niya na naman ulit ito.
"It's none of your business Isabella. Move aside and I'll ruin the face of that jerk!!"
"Move aside Issay. Show me what you got jerk!!" Sigaw ni Penpen kay Sir Elijah at hinawi ako kung kaya't napausog ako ng kaunti.
"I will kill you Asshole!! You can't bully me anymore!!" Sinuntok naman nito si Penpen at hindi niya ito naiwasan Kung kaya't natamaan siya. Bully? Ang gulo nila at wala akong maintindihan sa pinag-aawayan nila.
"Is that all you got." Tanong ni Penpen at sinuntok si Sir Elijah kung kaya't tinamaan din ito sa ilong at may lumabas na kaunting dugo dito. Nataranta ako dahil sa nakita at naalala kong may taping pala siya bukas at hindi pwedeng magkapasa ang mukha niya.
Baka magalit si direk Bobby dahil bilin pa naman niya sakin na alagaan si sir Elijah lalong lalo na ang balat nito. Binigyan niya pa nga ako ng listahan ng mga skin care na kailangan kong bilhin at syempre siya naman ang nagbayad. Susuntukin na sana ulit siya ni Penpen ngunit niyakap ko siya at pumikit na lang. Bahala na, iyon na lang ang pumasok sa isipan ko sa mga oras na to
"WAAAAAAHHHHH!!!" Hindi ko napigilang mapasigaw habang nakapikit at nakayakap kay sir Elijah. Ilang Segundo na ang lumipas ngunit hindi pa din ako tinatamaan ng suntok ni Penpen.
"What the heck are you doing Isabella!!?" Galit na tanong sakin ni Sir Elijah kung kaya'y minulat ko ang aking mga mata. Naamoy ko na naman ang pabango nito. Hindi ko talaga mapigilang mapa singhot tuwing naamoy ko ito. Parang gusto ko na lang siyang amoyin habang buhay. Natauhan lamang ako ng marinig ko ang boses ni Penpen.
"Why did you do that Issay?"
kumalas na ako sa pagyakap kahit na gusto ko pa sana siyang amoy amoyin. Humarap ako kay Penpen at nag aalinlangang napangiti.
"Ahh.. hehe.. Sorry Penpen pero may taping kasi sila bukas at hindi puwedeng magka pasa si Sir Elijah dahil ibinilin sakin ni direk na alagaan ko daw siya."
Pansin kong sumama ang timpla ng mukha ni Penpen dahil sa sinabi ko. Galit kaya siya sakin?
"Nga pala Penpen anong ginagawa mo dito?" Pag iiba ko ng topiko. Tahimik lang si Sir Elijah habang nasa loob ng bulsa nito ang mga kamay at tila malalim ang iniisip.
"I'm here for a vacation Issay. Mom and Kiara is here too."
Tila lumiwanag ang mata ko dahil sa narinig. Namimis ko na kasi sila dahil matagal na din kaming hindi nagkita kita.
"Talaga Penpen? Nasaan sila ngayon?" Tanong ko ng may galak sa boses. Mabait din kasi si Tita Amanda, ang mama ni Penpen at si Kiara naman ay kapatid niya na ka edad ko lang din. 22 years old na kasi si Penpen eh at mas matanda siya sakin ng two years. Magka edad yata kasi sila ni sir Elijah.
"Go with me Issay if you want to see them." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na ngunit bigla din akong hinila ni sir Elijah kung kaya't nabitawan ako ni Penpen at pasubsob na naman ako sa dibdib niya. Ang hilig niya talagang isubsob ako eh hayytsss mabuti na lang talaga at masyado siyang mabango. Pero ang sakit ng ilong ko dun ahh, tsk.
"I'm her boss Rosales and I won't let her go with you." May diing sabi nito kay Penpen.
"You're going with me Issay, right?" Tanong ni Penpen ngunit nanindig ang balahibo ko ng marinig ang binulong ni Sir Elijah.
"The punishment if you disobey me is unbearable." Bulong niya sa tainga ko at ramdam ko ang mainit niyang hininga doon.
"Ahhh..Hehe.. Penpen pasensiya na kasi---." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil binigay sakin ni Penpen ang Isa pang cellphone na hawak niya.
"I understand Issay. By the way, nasira ang phone ko kanina kung kaya't bumili ako ng bago at ng makakita ako ng couple phone ay binili ko na agad ito dahil naalala kita at tamang tama din ang pagkikita natin 'He smiled'. Nandiyan na ang number ko and I got your's too. Tatawagan na lang kita mamaya."
"Nakakahiya naman sayo Penpen, huwag na bibili din ako ng sakin kapag nagkasuweldo na ako." Sabi ko habang inaabot ang cellphone sa kanya.
"Take it Rosales, I'm going to double her salary so she can buy a phone soon."
Tumango tango ako bilang pagsang ayon sa kay sir Elijah ngunit hindi ito pinansin ni Penpen.
"Magtatampo ako sayo Issay kapag hindi mo tinanggap iyan. Alam mo kung paano ako magtampo."
Wala na akong nagawa kundi ang tanggapin ito. Naalala ko Kasi noong nagtampo siya sakin at halos tatlong linggo niya akong hindi pinansin at ayaw kong mangyari ulit iyon. Nahirapan nga ako kakahanap sa kanya noon eh para magkabati lang kami ngunit ewan ko ba dito sa bestfriend kong ito. Makapagtampo wagas.
"Salamat Penpen.
"Bye Issay, Wait for me and I'll get you from that Jerk soon." Tumalikod na siya. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya sakin. Kumaway din ako sa kanya habang ngumingiti ng matamis. Masaya kasi ako dahil nagkita kami ulit.
Nilagay ko na ang phone sa bulsa ko at humarap kay sir Elijah. Sinuri ko ang mukha niya at wala namang pasa. Nagulat ako ng may sumilay na ngiti sa mukha niya at nanlaki ang mga mata ko ng bigla nitong pinitk ang nuo ko.
"You silly girl, why did you protect me? What if ikaw iyong nasaktan dahil sakin. Do you think it'll make me happy?" Tanong nito na may ngiti sa mga labi. Ang guwapo niya talaga lalong lalo na kapag ganitong klaseng ngiti ang pumuporma sa labi niya. Napatitig ako ng mga ilang oras at ngumisi din na parang sira ulo.
"Hey are you listening?" Tanong niya sakin ulit at ang ilong ko na naman ang napag diskitahang pitikin nito. Ang hilig niya din mamitik. Ano pa ba ang mga hilig niya? Ang dami eh. Manghihila na lang ng bigla bigla at eh susubsob ako sa dibdib niya. Hayysss.. marami pa ngunit ayokong ng isa isahin lahat ng iyon.
"Ahh iyon ba? Heheh.. kasi baka pagalitan kayo ni Direk Bobby. Nakakatakot pa naman ang boses nun." Hindi ko napigilang humagikhik ng maalala ang boses ni Direk Bobby at ang pagtaas baba ng tiyan niya na malaki.
"Crazy 'he chuckled'." Ginulo din nito ang buhok ko kaya napangiti ako at agad na inayos ito.
"Naku grabe ka naman Sir. Ikaw nga diyan eh ang dami mong hilig."
"What did you say?"
"Ahh.. hehe wala po. Sabi ko tara na." Hinila ko na lang ang mga braso ni sir Elijah at bumalik na kami sa hotel. Akala niya huh, marunong din kaya akong manghila.
_________
THE NEXT DAY
Isabella's POV
Nandito ako ngayon sa plastic chair naka upo habang naka silong sa malaking tent. Nag soshoot parin kasi ngayon sina sir Elijah at Sabrina. Ang scene na ginagawa nila ay mag popropose daw si Rafael kay Alexa sa pool area. Nababagot na nga ako kaka upo. Pakiramdam ko tuloy magkakalyo na nito ang puwet ko. 'sigh' Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa mga walang kwentang bagay na naiisip ko ngayon.
Napatingin ako sa gawi nila habang nag uusap. Ang sexy talaga ni Sabrina lalong lalo na ngayong naka two piece na kulay pula siya. Si Sir Elijah naman ay topless at may dalang gitara. Hayttsss, ang sexy din ni Sir Elijah. Grabe maka tingin ang mga babaeng extra sa scene na ito sa kanya. Tila hinuhubadan na nila ito sa isipan, tsk. Hindi ko naman sila masisisi dahil napakaperekto ng hubog ng katawan nito at idagdag pa ang mukha nitong kay gandang pagmasdan.
"In 3..2..1.. Action!!" Sigaw ni Direk Bobby at nagsimula na ang pag akting nila.
Kunwari naka talikod daw si Sabrina habang nakikipag-usap sa mga babaeng kaibigan niya. Nakatutok ang camera sa kanila. Minsa'y tumatawa ito na tila masayang nakikipag usap sa mga kasama niya. Nagsimula namang maglakad si sir Elijah papunta kay Sabrina at nagsimulang mag strum ng gitara. Nakasunod din sa kanya ang camera man habang naglalakad.
There are times
When I just want to look at your face
With the stars in the night
Napahawak ako bigla sa dibdib ko dahil bigla itong tumibok ng mabilis kung kaya't napatitig ako kay Sir Elijah habang kumakanta. Tila bumagal ang pangyayari at tanging siya lang nakikita ng mga mata ko. 'lub dub' 'lub-dub' Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Ang ganda ng boses niya at tila ako'y nililipad sa alapaap sa sobrang lamig ng tinig nito. Iyong tipong kantahan ka lang niya ay makakalimutan mo lahat ng problema mo sa mundo.
I just can't believe that you were mine now
You were just a dream that I once knew
I Never thought I would be right for you
I just can compare you with
Hindi ko inakalang magaling din pala siyang kumanta. Hindi ko nagawang kumurap man lang habang nakatitig sa kanya. Parang gusto ko na lang siyang marinig kumanta habang buhay. Napangiti na naman ako sa naisip na parang sira ulo.
Anything in this world
As endless as forever
Our love will stay together
You are all I need to be with forevermore
Nang matapos na ang kanta ay lumuhod siya sa harap ni Sabrina at tila'y totoo ang kilig na nararamdaman ng mga babaeng kasama niya ngayon. Bigla tuloy akong nainis sa hindi ko malamang dahilan. Baka malapit na ang red days ko kaya siguro ako nagkakamood swings ngayon. Tama, baka ganoon lang iyon
" Alexa, I , Rafael Gomez is asking for your permission to marry me. Will you?" Tanong nito at kunwari ding naluha si Sabrina at tumango.
"Yes Rafael, I will marry you." Tuwang tuwa na niyakap siya ni Rafael kuno. Haytts ang galing talaga nilang umakting.
"CUT!! 'Sigaw ni Direk'. " Good job guyss" Nag thumbs up pa ito sa mga tauhan sa scene na iyon.
Papalapit na sakin ngayon si Sir Elijah at nakatulala lang ako sa kanya sa mga sandaling ito. Pakiramdam ko'y kumikinang ang mga pawis niya habang unti unting dumadaloy sa hubad at makisig niyang katawan. Kinuha nito ang mineral bottle sa lamesa at uminom sa harap ko. Gumalaw galaw pa ang adams apple nito kung kaya't napalunok ako. Napatitig din ako sa basa nitong labi na tila ang lambot tignan.
Labi ni sir Elijah : Issay!! Anong tinitingin tingin mo diyan? Gusto lang akong mahalikan eh no.
Umiling lamang ako dahil papalapit ito ng papalit sakin na tila hahalikan na ako.
Labi ni sir Elijah: Issay dali na. Huwag ka ng mahiya.
Ang lapit na nito sakin kaya't hindi ko na natiis at napasigaw ako.
"Hindi puwede!!"
"Anong hindi puwede?"
Natauhan lamang ako dahil kay sir Elijah. Uminit ang pisnge ko dahil sa mga imahinasyong namayani sa isipan ko. Anong nangyayari sakin? Nababaliw na ba ako?
"What's wrong with you? Kanina ka pa tulala. Anyway, please help me wipe off the sweat in my body." Tinuro niya ang maliit na towel na dala namin gamit ang bibig niya at natatarantang kinuha ko ito.
Walang salitang lumabas sa bibig ko habang papalapit sa kanya. Kitang kita ko na ang sasama ng tingin sakin ng mga babaeng kasama sa scene kanina. Hindi ko na lang sila pinansin at pinunasan ang katawan ni sir Elijah kahit na naiilang ako. Pagkatapos kong gawin iyon ay nagsalita ulit siya.
"Issay please help me wear my shirt." Sinuotan ko din naman siya ng shirt habang tahimik lang. Ni hindi ko magawang magsalita ngayon.Kahit ako ay naguguluhan din sa ikinikilos ko eh. Baka stress lang to. Nang matapos ko ang ipinagawa niya ay ngumisi siya sakin iyong tipong kulang na lang ay mapunit ang mukha niya. Ano ba ang nangyayari kay Sir Elijah ngayon? Pati ba naman siya nasisiraan na din gaya ko?
"Elijah can you please come here?" Tanong ni Direk kung kaya't pumunta siya doon at pumasok sila sa isang siradong tent kong nasaan nakalagay ang mga script, malalaking monitors, cameras at iba pang gamit nila sa taping. Nakita ko ang tatlong babae na nakikipag usap kay Sabrina at nakangisi habang naka tingin sakin. Pagkamaya maya'y pumunta sila sa direksiyon ko.
"Hi, Issay right?" Tanong nito sakin.
" Upo." Ngumiti naman ako sa kanila.
"I'm Cheska 'sabi ng babaeng matangkad' , this is Maurine 'turo niya sa isa pang morenang babae' and lastly this is Erika 'at tinuro naman ang isang medyo pandak na babae'."
"Hello." Bati ko sa kanila.
"We are glad to meet you Issay." Sabi ni Cheska.
"Ahmmm puwede mo ba kaming tulungang mag lagay ng sunscreen lotion doon? Tinuro niya ang puwesto kung nasaan si Sabrina. Tumango lang ako at sumunod na lang sa kanila. Nakakahiya naman kung tanggihan ko sila eh magpapalagay lang naman ng sunscreen. Madali lang naman iyon.
Habang nag lalakad kami sa gilid ng pool area ay nabitawan ni Erika ang tali niya sa buhok at alam kong sinadya niya iyon. Bakit niya kaya ginawa iyon?
"Issay, help me . Paki abot naman ng ponny ko please." Nagsusumamong pakiusap nito sakin. Nagdadalawang isip pa nga ako ngunit wala na akong nagawa pa at lumapit na lang sa gilid ng pool at inabot ang tali niya sa buhok habang nakalutang sa tubig ngunit may tumulak sakin kaya nahulog ako dito.
" 'hmmmmppp' tu-- 'hmmpp' long 'hmmm'." Narinig ko lang ang tawanan nila at sobra akong natakot dahil tila binalak nila akong lhulog sa pool. Sana hindi ko na lang siya tinulungan. Nakakainis! Ito ang unang beses na nabasa ako ng tubig sa pool at ang malas ko pa dahil malulunod pa talaga ako. Hindi ko na kinaya at tuluyan ng nanikip ang dibdib ko dahil hindi na ako makahinga at nakalunok pa ako ng tubig.
" Issayy!!!" Sabi ng isang pamilyar na boses. Kung hindi ako nagkakamali ay si sir Elijah iyon.
Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at unti unting namayani ang kadiliman.
: (
A/N: Sometimes we fall inlove with someone without knowing it so be aware. We fall inlove anytime and anywhere without reasons. Basta malalaman mo na lang na mahal mo na siya haha..Baka inlove ka na sa kaibigan/crush mo ng hindi mo namamalayan. Sige ka, alam mo bang the more you deny and hide your feelings for someone, the more you fall for them.