“Nandito na tayo baby.” Ginising ko si Antowi na halos kani kanina lang nakatulog. Kinakabahan at takot pa din siya sa posibleng mangyari sa Mom niya. Naaawa ako sa kanya, alam ko ang pakiramdam ng ganito. Hinawakan niya ang kamay ko at inasikaso ang mga luggages namin. Sumakay lang kami ng Cab papunta sa hospital kung nasaan ang Mommy niya. Agad naming hinanap ang kwarto ng Mom niya at naabutan namin ang Dad niya na nakayuko at nakapikit. Habang ang Mom niya ay walang malay at mukhang hindi maganda ang kalagayan. “Dad.” Pagpukaw ni Antowi sa atensyon ng Dad niya. Umangat ang tingin nito sa amin, lumapit si Antowi at nagyakapan silang dalawa. “Your Mom is in critical condition. May tumor siya sa utak.” Nagulat ako sa sinabi ni Mr. Glaser. Sobrang critical nga ang cancer ng Mom ni Anto

