"Saan kayo magrereview for finals?" Tanong sa amin ni Van, nagkita kita kami sa malapit na coffee shop sa University. Medyo matagal na din noong huli naming pagkikitang tatlo, since silang dalawa ang madalas magkita. "Gusto ko sana magreview kasama si Antowi pero mukhang mas busy siya sa atin ngayon. Malapit na ang graduation nila." Sabi ko na ikinatango naman nilang dalawa. "Kung gusto niyo, pwede tayo magreview sa bahay." Paanyaya ni Empress. "Pwede din ba ako magsama ng kaklase ko? Para lang may kasama ako magreview, kayong dalawa na ang magkasama eh." Tama nga naman si Van, magisa lang siya kung sakali, dahil hindi naman namin alam ang pinag-aaralan nila. Pumayag kami ni Empress at naghiwa hiwalay na pagtapos nun. Pumasok na kami sa mga klase namin, dahil finals na bukas wala na m

