Nasorpresa pa si Dave sa narinig nito mula sa kanya. Tila hindi ito makapaniwala na sabihin niya iyon rito. "Gusto ko lang makipag-usap sa'yo, Helena, 'yung tayo lang dalawa sa isang private na lugar. H'wag mo akong pagsalitaan ng hindi maganda, please lang." kalmado namang tugon nito sa kanya. Bigla namang may nagbukas sa pintuan at may nurse na pumasok kaya naudlot ang kanilang usapan. Nagpasalamat naman si Helena sa pagpasok ng isang nurse para matigil si Dave. "Good morning, Doc, at good morning din sa'yo, Miss Alcantara." bati pa sa kanila ng dalagang nurse na bagong pumasok. Nagpalipat-lipat pa ang mga tingin nito sa kanilang dalawa dahil naabutan sila nitong seryosong nagkausap ni Dave. "Good morning din, nurse." sagot naman ni Dave sa bagong nurse na pumasok. "Good morni

