CHAPTER 2

1536 Words
Hindi na niya dapat na iyakan ang mga taong nanakit sa kanyang damdamin na siyang dahilan na siya'y nagpakalayo-layo ng ilang taon. Kumuha na siya ng ticket at naka schedule na ang kanyang flight pauwing Pilipinas. Naisip niyang hindi habang buhay na magtatago siya mula sa kanyang masakit na nakaraan. At hindi habang buhay na kailangan niya itong takasan. Pero kahit anim na taon na ang lumipas ay di parin niya maiiwasang minsan maalala niya ang nakaraan mung paano niya unang nakilala ang asawang si Dave... Flash back: Nasa High school pa si Helena noong una niyang nakilala si Dave. Siya'y nasa 17 years old pa lang at nasa Grade 12 siya noon. At sila'y bagong lipat sa lugar nina Dave. "Bad trip tuloy ako ngayon." sabi ni Helena sa kanyang kaklase na si Aira. "Bakit kaba na-babad trip?" tanong naman nito sa kanya. "Naiinis ako sa ka chat ko. Sabi niya face reveal daw ako. Anime lang kasi ang profile picture ko at wala rin akong Inupload na pic sa timeline ko. At alam mo ba kung anong sinabi? pangit daw ako kaya di ko daw ipinakita ang mukha ko." inis niyang sabi sa kaklase. "Sino naman 'yan?" natawang tanong naman nito. Kakatransfer lang nina Helena sa paaralang iyon. Galing sila sa Cadiz City at lumipat ang buong pamilya niya ngayon sa Quezon City kaya bagong kakilala at kaibigan lang din niya si Aira. "Oh ito, tingnan mo. Gwapo sana pero nakakainis nga lang." sabi naman niyang ipinakita ang profile pic ng lalaki at ang account name nito. Namilog ang mga mata nito sa nakitang profile pic at name ng lalaking ka-chat niya. "Naku, Helena! anak 'yan ni Governor Luis Dela Torre dito sa aming lugar. Di mo kilala kasi bagong lipat lang kayo dito. Paano kayo nagka chat?" wika nito sa kanya na tila kinilig. "Ha? anak ng Governor? nag comment lang naman ako sa viral post niyang picture, sabi ko sa comment , di ka naman gwapo. Di ko akalaing magchachat na siya sa akin, at nagtanong agad sa akin na sa Dela Torre's Private School daw pala ako nag-aaral. Anak pala siya ng Governor? kaya pala famous." gulat namang sagot niya. "Oo! at sila ang nagmamay-ari ng private school na 'to kaya nagtanong siya sa'yo na dito ka pala nag-aral dahil sila ang may-ari ng school na 'to! Go, Helena! mag face reveal ka na girl! maganda ka naman! para malaman niyang di ka pala pangit. Bakit ba kasi hindi ka naglagay ng profile picture mo para makita naman niyang maganda ka pala? yung iba nga diyan eh, mahilig magpost sa mukha nila na di naman kagandahan, ikaw pa kaya?" nakangiting wikang sabi naman nito. "Hindi lang kasi ako mahilig magpost sa mukha ko noh. Bahala ang lalaking 'yan kung iniisip niyang pangit ako. Wala ako pakialam. Kahit anak pa yan ng governor. Inaway ko na yan. Sinabihan kasi ako na pangit daw ang mukha ko at pangit pa daw ang ugali ko. Kaya di ko napigilang inaway dahil nakakainis ang lalaking 'yan. Nagalit siguro sa comment ko na di siya gwapo. Joke lang naman kasi 'yun. I-block ko na nga lang siya." aniya sa kaklase. "Naku, baka mas magagalit pa 'yan kapag i-block mo. Real name mo pa naman ang name ng face book account mo. At nakalagay din kung saan ka nag-aaral kaya nagtanong sa'yo dahil na-stalk ka na niyan! baka magkainteres yan sa'yo, lalo na't makita niyang marami ka ring followers at reactors. Siyempre, mapansin ka talaga niya sa comment mo. Lagot ka talaga kapag hanapin ka niyan, sila pa naman ng may-ari ng school na 'to." pananakot pa nito sa kanya. Kinabahan naman siya at mabilis niyang bin-locked ang nagngangalang Dave na anak daw ng Governor. Ayaw na niyang makita nito ang kanyang Face book account. ____ Kinabukasan. Oras na sa kanilang lunch kaya sabay na rin sila ng kanyang kaibigan sa restaurant malapit lang sa kanilang paaralan. Di pa nga sila nakalabas sa kanilang room ay bigla naman siyang tinawag ng kanilang teacher adviser na si Miss Melagros. Ito ang last nilang subject sa tanghali. "Helena, ipinapatawag ka sa principal office." nakangiting sabi sa kanya ng kanilang teacher adviser na si Mrs. Melagros. Nagkatinginan sila ng kanyang kaibigang si Aira. "Ha? bakit po, ma'am?" nagtatakang tanong niya sa kanilang teacher adviser. "Hindi ko rin alam, puntahan mo nalang, Helena." sagot naman ng kanilang teacher adviser. Kinabahan naman siya kung bakit siya pinapatawag ng kanilang principal. Pero pinuntahan nalang niya at nagpasama nalang siya sa kanyang kaibigan. Naiwan lang sa labas si Aira at siya nalang ang pumasok sa loob ng principal office. Pagpasok niya ay nakita niya agad ang principal na naghihintay sa kanya at ang lalaking nakatalikod na kaharap ng principal. " Good morning, ma'am." bati niya agad sa principal. " Good morning din, Miss Helena Alcantara." nakangiting tugon nito. "A-ano po ang kailangan niyo sa akin, ma'am? may kasalanan po ba ako?" nagtatakang tanong niya sa principal. " Ah, no, wala kang kasalanan, Miss Alcantara. May kailangan lang sa'yo ang anak ni Governor Dela Torre. Si Sir Dave Dela Torre. Sir, nandito na si Miss Helena Alcantara. Siya ang hinahanap mo." nakangiting wikang muli ng principal sa lalaking nakatalikod. Labis naman niyang ikinagulat ang narinig mula sa principal at napatingin sa lalaking nakatalikod-ang kanyang nakaaway sa chat! tumayo naman ito at lumingon sa kanya. Agad niyang nasalubong ang napaka guwapong mukha nito! kung gwapo ito sa picture ay mas lalong napaka gwapo pala nito sa personal! Nagtama agad ang kanilang mga mata. Medyo nabigla pa ito nang makita siya nito. At simpleng hinagod siya nito ng tingin. Para siyang kandilang itinulos sa kinatatayuan habang nakatingin sa mukha nito at sa mga mata nito! "Hi! ikaw pala si Miss Helena Alcantara? yung nagcomment sa post ko? yung anime ang profile pic? at nangaway sa akin sa chat? pagkatapos ay bin-locked agad ako?" pormal na sunod-sunod nitong tanong sa kanya. Namutla naman siya sa harap nito. At di niya alam kung anong isasagot rito. Nawala naman ang ngiti sa labi ng principal na napatingin sa kanya. "Miss Helena Alcantara? totoo ba?" salubong ang kilay na tanong ng kanilang principal. "Eh, a-ano po, joke ko lang naman yung comment ko, Ma'am. Sorry po talaga. I'm sorry po, Sir Dave Dela Torre." wika niya sa Principal at sa lalaki na nakaaway sa chat-ang anak ng Governor! "Ang samà din kasi ng sinabi niyo sa akin, Sir." malakas ang kabang wika niya rito. "Pero Miss Alcantara—" "It's okay, Ma'am." salo na wika ng nagngangalang Dave kaya di natuloy ang gustong sabihin ng principal. " Sorry, Sir, bin-locked nalang kita dahil ayoko na makipagchat sa inyo. Baka lumala lang ang pag-aaway natin sa chat. Sorry talaga." aniyang patuloy na humingi ng sorry na kinabahan habang nakipagtitigan rito. "Wala na 'yun, sorry din, kasalanan ko rin. Nandito ako dahil curious lang akong makita ka sa personal. Maganda ka naman pala." nakangiting wika nito sa kanya na mas lalong nakadagdag sa kagwapuhan nito. Parang nag blushed naman siya sa harap nito. " At para peace na tayo, pwedi bang imbitahin nalang kita ng lunch?" biglang bumait na wika nito sa kanya. Napapangiti nalang din ang principal na nakatingin sa kanila at napapailing ito. " H'wag ka nang Tumanggi, Miss Alcantara. Makipag sabay ka na ng lunch kay Sir Dave." sabi naman ng principal. "Thank you, ma'am." wika naman ni Dave sa principal. " Welcome, Sir Dave." tugon naman ng principal. " Okay lang ba, Miss Helena?" walang tigil ang ngiting tanong nito sa kanya. " S-sige, Sir. O-okay lang po." napilitang tugon naman niya na di niya napigilang manginig ang boses sa hiya. Lihim pa niyang nakurot ang kanyang sarili. Ayaw niyang makaramdam ng gano'ng takot at pagkapahiya. Kakaiba pala ang presensya nito sa personal. Sobrang pormal at mabait pala ito! Sino ba kasing mag-akala na mabait pala ito at pormal? eh, Sinabihan ba naman siya sa chat na ayaw niyang mag Face reveal dahil pangit daw siya at masamà pa ang ugali niya? End of Flash back. At iyon ang simula ng lahat nila ni Dave. Nanligaw agad ito sa kanya noon at 6 months din bago niya ito sinagot. Naging magkasintahan sila sa loob ng apat na taon. At di niya akalaing sa mismong araw pa ng kanilang kasal sa gitna ng kanilang wedding party ay iyon ang kanyang makita. Nagpapakasarap ito sa kama kasama ang kanyang minamahal na adopted sister! Sobrang sakit dahil ang mga taong nagtaksil sa kanya ay kapwa niya mahal na mahal at ibinuhos niya ang kanyang labis na pagmamahal sa mga ito. Pero kapwa lang pala magtraydor sa kanya! At sa mahigit anim na taon niyang pagpapalayo sa mga ito ay alam niyang kapag babalik siya'y di na gaanong masakit ang lahat. Di na tulad noong bago palang g ay sobrang sakit na parang di niya makakaya ang lahat. Mabuti nalang at nakayanan pa niya nang mabilis agad siyang umalis at lumayo. Kung hindi siya lumayo agad siguro ay mababaliw siya sa mga panahong iyon. Pilit na niyang muling iwinaglit ang kanyang pag-iisip sa nakaraan. Basta tama na ang pagtakas niya sa masakit na nakaraan at kailangang maging matapang siyang harapin itong muli ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD