"Anong sabi mo, Dave? nasa hospital si mama Lydia?!" nanlaki pa ang mga matang tanong ni Hilda.
"Yes, inaatake siya sa kanyang sakit na high blood. Mabuti nalang at nadali ko pa siya kanina, kung na-late siguro sila ay tiyak na matuloyan ang mama niyo sa sakit nito." ang sabi ni Dave kay Hilda.
"Bakit hindi nila ako tinawagan at ipinaalam? karapatan kong malaman ang nangyari kay mama dahil anak din ako!" biglang nagalit na wika ni Hilda.
At bigla nitong naalala na nandito na ang kanyang ate at ito'y umuwi na galing sa ibang bansa. Kaya nasisiguro siyang ito ang nagdala sa kanilang ina at hindi siya pinapaalam nito dahil hanggang ngayon ay galit parin ito sa kanila ni Dave. Muling natigil si Hilda nang maisip na posibleng nagkita at nagkausap muli sina Dave at ang kanyang ate Helena!
"Si ate Helena! alam kong nandito na siya. At siya ba ang nagdala kay mama sa hospital, Dave? at nagkita na ba kayong muli!? sabihin mo sa akin, Dave! anong nararamdaman mo ngayong muli mong nakita ang ate ko!?" tila galit na tanong ni Hilda na umusbong agad ang matinding pagseselos nito.
Natigilan naman si Dave at nagsalpukan ang mga kilay sa mga tanong ni Hilda sa kanya.
"Bakit nais mo pang alamin, Hilda?" naningkit ang mga mata ni Dave na tanong rito.
"Gusto kong malaman kung hanggang ngayon ay mahal mo parin ba si ate o hindi na! alam kong nagkita kayo at nagkakausap!" giit ni Hilda na tila iiyak pa ito sa kanyang harapan.
"Tama ka, nagkausap nga kami ng kapatid mo." kampanteng sagot ni Dave kay Hilda habang nagsalin ito ng kinuhang wine nito sa kopita.
"At pagkatapos ha? anong nangyari? anong naramdaman mo, Dave? mahal mo parin ba si ate ha!?" tanong nitong muli sa kanya.
"Why aren't you thinking about your mother, Hilda? Why are you worrying about me seeing your older sister?" nagsalubong abg kilay na tanong ni Dave rito.
"Answer me, Dave, anong nararamdaman mo nang muli kayong magkita ni ate!?" mataas ang boses na muling tanong ni Hilda.
"H'wag kang makulit dahil masasaktan ka lang." inis na sagot ni Dave.
"Ahh, gano'n ba!? so, ibig mong sabihin ay mahal mo parin si ate! pwes, mas mabuti pang mawala na ako, Dave! walang kuwenta ang buhay ko, matagal nang malayo ang loob ng pamilya ko sa akin dahil sa pagmamahal ko sa'yo at tapos ito lang ang isasagot mo sa akin?!" umiiyak na wika ni Hilda at mabilis na kinuha nito ang matulis na gunting sa ibabaw ng center table.
Nanlaki ang mga mata ni Dave sa nakita na kinuha ni Hilda ang matulis na gunting sa ibabaw ng center table kaya mabilis niyang inagaw ang gunting mula rito.
"You're crazy!" Sigaw ni Dave rito.
"Bitawan mo ito! hayaan mo ako, gusto ko nang tapusin ang buhay ko! malayo na ang loob ni ate Helena sa akin, ang ate ko na minahal ako noon ng sobra! pero sinira ko lang dahil sa pagmamahal ko sa'yo! at ngayon pati ka pa ay hindi mo parin talaga ako minahal!? at nanatiling mahal mo parin si ate!?" malakas na iyak ni Hilda.
"SH*t!! h'wag mo akong galitin ng todo, Hilda! bitawan mo ito!" galit na pagbabanta ni Dave.
"Hayaan mo na akong mamatay, Dave! hindi mo ako minahal hanggang ngayon! mas lalong hindi mo pa ako mamahalin ngayong nandito na muli si ate!" hagulgol na iyak ni Hilda na mukhang napraning ito sa inaasta nito.
"D@mn it! Bitawan mo ito!" patuloy na pag-agaw ni Dave sa gunting na hinahawakan ni Hilda.
At dahil malakas si Dave kaysa rito ay tuloyan niyang naagaw mula rito ang gunting na hinahawakan nito. Hinapit ni Dave si Hilda at mariing siniil ng halik ito sa labi para lang kumalma ito sa pagwawala nito.
Awtomatikong nawala ang pagwawala nito nang hinapit niya ito at mariing siniil ng halik. Mainit na tinugon agad nito ang mga halik ni Dave na tila ba laging uhaw sa pagmamahal ni Dave. Mahigpit na itong kumapit sa batok ni Dave upang matugunan ng maayos ang mga halik ni Dave rito.
"Mahal na mahal kita, Dave. At hindi ako papayag na mawawala ka sa akin. Kakausapin ko si ate ngayong nauwi at nandito na siya. Hihingi ako ng tawad sa kanya dahil sa nagawa natin sa kanya. At kakausapin ko rin siya na h'wag ka na niyang kunin sa akin. Asawa lang s'ya sa papel lang, pero sa katawan ay ako na ang matatawag na asawa mo, Dave dahil anim na tao na ang pagsasama natin!" disperadang wika ni Hilda nang magkahiwalay ang kanilang mga labi.
___
Gabi na talagang dumating sa hospital ang ama ni Helena. Dahil sa traffic at nagkataong nasiraan din ang sasakyang dala nito. Halos magkasabay lang ang pagdating nito at ng kapatid na si Harold.
"Helena, anak! kumusta ang mama niyo?" puno ng pag-alalang tanong ng ama ni Helena.
"Pasensya ka na, ate. Ngayon lang kami nakarating ni papa." hinging paumanhin ni Harold sa kanya.
"Okay lang, Harold. Critical ang kalagayan ni Mama, papa. Hanggang ngayon ay inoobserbahan parin siya. A-akala ko ay m-mawawala na sa atin si mama, mabuti nalang at madali namin siyang nadala dito." napahikbi na namang sagot ni Helena sa ama at kapatid.
"Oh, no. Bakit nangyari ito? may mga maintenance siyang gamot, Helena." Naitanong ng kanilang ama.
"Nalaman ng Doctor na minsan lang nakainom ng gamot si mama. Kailangang i- check talaga natin ang kanyang mga gamot, papa, baka kasi makakalimutan niya." ang sabi niya.
"Siguradong hindi niya nainom ng tamang oras ang kanyang reseta, ate. Dapat si ate Gemma na rin ang mag check sa oras ng kanyang pag-inom. Makakalimutin kasi si mama." ang sabi naman ni Harold.
"Yan din ang iniisip ko, hayaan niyo, ako na ang magpapaalala lagi sa gamot ni mama. Si Gemma kasi ay may iba pang ginagawa maliban sa pag-aalalay niya kay mama kapag may nais itong gawin." wika niya sa ama at kapatid.
"Thank you anak. At sana magiging okay na talaga ang inyong ina. Hindi ako makaka concentrate sa trabaho ko kapag ganito ang kalagayan ng mama niyo." wika ng kanilang papa.
Ramdam naman niya kung ano ang nadarama ng kanyang papa ngayon.
"Private hospital ito ni kuya Dave, ate. Nagkita na ba kayong muli ni kuya Dave?" tanong pa ni Harold.
Saglit siyang natigilan.
"Yes, Harold. Pero okay lang sa akin kung magkita kami. Ang mahalaga ay hindi na uungkatin pa nito o ji kahit kanino ang tungkol sa nakalipas, ang nangyari noon." sagot niyang
ngumiti ng kunti sa kapatid.
Mga ngiti na alam niyang hindi umabot sa kanyang mga mata.
"Yan nalang talaga ang dapat. Matagal na silang nagsama ni Hilda, so, h'wag nang balik-balikan pa ang nakaraan." wika naman ng kanilang ama.
"Yes pa, ang sa akin bahala na kung lagi kaming magkita dito sa kanyang private hospital, ang mahalaga ay ang kaligtasan ni mama." ang sabi ni Helena.
"Si Hilda ay alam na ba niya ang nangyari sa mama niyo?" tanong ng ama nila.
Nagkatinginan naman sina Helena at ang kapatid na si Harold.
"H-hindi ko naipaalam. Wala sa isip ko na ipaalam kay Hilda, dahil una, di naman niya totoong ina si mama. At pangalawa, hindi pweding basta nalang ako tatawag sa kanya ng una at ipaalam ang nangyari kay mama. Pangatlo, wala akong number sa kanya. Pero naisip kong alam na niya ngayon kapag sinabi ni Dave sa kanya na nandito si mama." mahabang sabi ni Helena.
"Hindi ko kayang ipaalam sa kanya na adopted lang s'ya. Nakita kong di niya ito matanggap, at baka mas lalo pang lumala ang kanyang ugali kapag nalaman niyang adopted lang natin siya. Sa tingin ko sa kanya ay madaling mabaliw si Hilda. Grabe ang pagsisisi ko na nag adopt pa kami ng mama niyo sa kanya. Pero huli na ang lahat na pagsisisi, nangyari na ang mga di dapat mangyayari." ang sabi ng kanilang ama.
"Basta ako, simula nang inahas niya ang asawa niyo ate ay nawalan na talaga ako ng gana sa kanya bilang kapatid natin." wika naman ni Harold.
"H'wag na nating Pag-usapan si Hilda at ang ginawa niya sa akin." sabi naman niya sa ama at kapatid.
____
Si Helena parin ang nagbabantay at ang katulong na si Gemma sa hospital dahil may mga trabaho ang kanyang kapatid at ama kaya nauwi ang mga ito sa bahay ng gabing iyon.
Kinabukasan ay di akalaing gano'n kaaga si Hilda na magpunta sa hospital para dadalaw sa kanilang ina. Sumama nalang ito kay Dave sa Private hospital nito. Habang nasa comfort room si Helena ay di niya alam na dumating na si Hilda at ito'y nakamasid sa kanilang ina habang umiiyak.
Nagulat nalang si Helena nang paglabas niya mula sa comfort room ay nakita niya agad ang isang babaeng nakatalikod habang nagmamasid sa kanilang inang natutulog.
"Mama, ayokong mawala kayo, sa kabila ng lahat na ramdam kong malayo na ang loob niyo sa akin." umiiyak na wika ni Hilda sa tabi ng kinilalang ina.
Natigilan si Helena sa kinatatayuan. Di naman sinadyang nalingunan agad siya ni Hilda.
Nabigla pa ito nang makita siya.
"Ate?" umiyak na sambit nito sa kanya.
Nanatiling nakatitig lang siya nito habang luhaan itong nakatingin sa kanya ngayon.
"Alam kong galit na galit ka sa akin ate, kaya nga di niyo ako pinapaalam na umuwi ka na at pati na ang nangyari ngayon kay mama." ang sabi pa nito sa kanya sabay sunod-sunod na pinahid nito ang mga luha sa mga mata nito.
"Wala akong number sa'yo, Hilda. At malaya kang iisipin kung ano ang gusto mong isipin." tugon naman niya agad rito.