Nang nakasakay na siya ng taxi ay tinext naman n'ya agad ang kaibigan para ipaalam rito na umuwi nalang siya dahil nakita niya si Dave sa Garden Cafe sa loob ng luxent hotel.
Kahit nasa taxi na siya ay nanatiling malakas parin ang kaba ng kanyang dibdib dahil sa pagtatagpo nila ni Dave sa Garden Cafe.
Nagreply naman sa kanya ang kaibigang si Airah at sinabi nitong papasyal nalang daw ito sa kanya sa bahay nila. Natuwa naman siya sa kanyang nabasang reply nito. Basta sa ngayon ay ayaw na muna niyang lalabas sa kanilang bahay kapag wala man lang siyang importanteng pupuntahan.
Pagkarating niya sa kanilang bahay ay dumeretso siya sa kanilang ref upang iinom ng malamig na tubig, upang mawala ng tuloyan ang kanyang naramdamang kaba sa pagkikita nila ni Dave. Mukhang lapitan pa kasi siya nito kanina para sundan nang siya'y tumayo at umalis kanina. Hindi na niya nakita pa ang reaksyon nito nang tuloy-tuloy na siya sa pag-alis at di na niya ito nilingon.
Pagkatapos niyang uminom ng malamig na tubig ay nagtungo siya sa sala at naipo muna roon. Di naman nagtagal ang pag-upo niya'y dumating naman ang kanyang inang naka wheelchair at tulak-tulak ang wheelchair nito ng kanilang katulong na si Gemma.
Wala pa kasi itong sapat na lakas na magpagulong sa sariling wheelchair nito.
"Helena, anak? bakit nakabalik ka agad? akala ko ba hapon ka nang mauwi dahil nagkasundo kayo ng dating kaibigan mong magkita, kakain at mamasyal sa labas?" tanong ng kanyang ina sa kanya.
"Ah, eh, nagbago ang desisyon niya mama, sabi niya ay pupunta nalang s'ya rito bukas. Kaya pagkatapos kong bumili ng mga personal kong gamit ay umuwi nalang din ako." sagot niya sa ina.
Hindi n'ya sasabihin o ipapaalam rito na na nagkita sila ni Dave sa Golden cafe.
"Ahh, gano'n ba anak?" tugon naman nito.
Yes, ma." tugon niya rito.
Hininto naman ng katulong na si Gemma ang wheelchair ng ina sa mismong tapat niya.
"H-Helena, anak, may sasabihin sana ako sa'yo." ang sabi nito sa kanya na tila nag-atubili.
"Ano po 'yan, ma?" tanong naman niya sa ina.
"T-tumawag sa akin sa phone ang adopted sister niyo, ilang beses daw siyang tumawag sa phone ko kahapon pero di daw ako matawagan, naka off kasi ang phone ko kahapon anak, nang mag charge ako. At... at nalaman niyang nandito ka na, kasi tumawag daw siya sa telepono at ikaw ang nakasagot." mahabang salita ng kanyang ina sa kanya na ikinatigil naman n'ya.
"Oo, mana, nagkausap nga kami saglit, binabaan ko siya sa telepono, dahil ayokong makausap s'ya ng matagal." aniyang nagdagdan ang pagkainis nang malamang tumawag si Hilda sa ina.
" Sorry, anak, sa ilang beses na humingi siya ng tawad sa amin dahil sa nagawa niya sa'yo ay naibigay na namin sa kanya ang pagpapatawad. Pinatawad nalang namin ng papa mo si Hilda. Noong una'y galit na galit din kami sa ginawa niya sa'yo lalo na ang kapatid mong lalaki, at nais na sana naming sabihin sa kanya ang totoo na siya'y adopted lang namin ng papa niyo, pero mabuti nalang at napigilan pa namin ang aming mga sarili, lalo na't umiiyak siya sabay humingi ng tawad sa harap namin. " mahabang sabi ng kanyang ina.
"Okay naman ang magpapatawad, pero sa ngayon ay di pa ako makapag desisyon eh. At nakikiusap ako, mama, ayoko nang pag-uusapan natin ang tungkol kay Hilda.
I didn't come home to talk about the past.." ang sabi niya sa ina.
Ito naman ang natahimik saglit.
"Ahmm, I'm so sorry, anak. Ano kasi, tumawag siya sa akin, at nakikiusap na... pupunta siya rito bukas. Gusto s'ya ng makipag-usap sa'yo, iha. Namimiss kana daw ni Hilda." wika ng kanyang ina.
"What? Mama, ayokong makipag-usap sa ngayon kay Hilda." tila may himig na galit na wika niya sa ina.
"Helena, iha, naiintindihan kita anak kung anong nararamdaman mo. Ipapaalam ko lang sa'yo ngayon na pupunta rito bukas ang adopted Sister mo, upang gusto ka niyang kakausapin. Nasa sa'yo na kung makikipag-usap ka ba sa kanya o hindi." tugon ng kanyang ina, sa kanya.
"Ayoko ngang pag-uusapan namin ang nakalipas na, mas lalo pa kaya na makita ko ang pagmumukha niya? sabagay, sanay na siguro siyang magpapakapal ng kanyang mukha, kaya kahit sa kabila ng kasalanan niya sa akin ay gusto parin niyang makaharap ako." inis na wika niya.
"Pero kung pupunta talaga siya rito bukas ay haharapin ko nalang siya." aniya sa ina nagbabago bigla ang kanyang desisyon.
"Ang sa akin lang kasi ay ayokong maging plastic na tao. Wait, magbihis muna ako sa kwarto ko, mama." aniyang sabay napatayo sa sariling sofa.
"Oh, sige anak, magbihis ka muna para sabayan mo akong magmeryenda." ang sabi ng kanyang ina.
"Oh, sige, ma." sagot naman niya rito.
Mas lalong nagiging sakop nina Hilda at Dave ang kanyang buong isipan, dahil una'y nakita niya si Dave kanina at pangalawa ay nalama niyang pupunta si Hilda bukas rito. Gano'n naman siguro, hindi niya talaga maiiwasan ang gano'ng tagpo.
Kung talagang nais siyang kausapin bukas ni Hilda ay bakit di nalang niya ito harapin? Ito ang may malaking kasalanan sa kanya at malakas nga ang loob nito na gusto silang magkita, at magkakausap, siya pa kaya na trinaydor siya nito at inahas ang lalaking bagong ikinasal sa kanya noon? Kaya di s'ya dapat na aayaw na kausapin siya nito dahil ito ang dapat makaramdam ng hiya sa kanya.
Kinabukasan.
Maagang napatawag si Hilda sa ina na sa isang araw nalang muna ito tutuloy sa pagpunta sa kanila. Handa na sana siya na harapin ito. Mas lalo pa siyang nainis na isiping feeling tunay na anak ito, baka di niya mapigilan ang sariling sabihin rito na adopted lang nila ito.
"Ano daw ate? may balak si Hilda na pupunta rito upang makipagkita sa'yo? sobrang kapal naman ng mukha ni Hilda." Iiling-iling na wika ni Harold habang nasa gitna sabay silang nagbreakfast ng umagang iyon.
"Hindi daw muna siya makatuloy sa pagpunta ngayon dito dahil may mahalaga paka siyang lakad ngayon." sabad ng kanilang ina.
"Hayaan niyo na si Hilda na pupunta at makipag-usap sa'yo, Helena, mas mabuti nga 'yan para hihingi siya ng tawad sa nagawa niyang malaking kasalanan noon sa'yo, anak." sabad din kanilang amang si Mr. Eldo Alcantara.
"Yes papa, kung pupunta talaga siya rito ay okay, kung hindi ay mas lalong okay." sagot naman ni Helena sa ama.
Nang sila'y matapos makapag breakfast lahat ay pinasyal naman ni Helena ang kanyang ina sa labas ng kanilang bahay. Habang ang kanyang ama at ang kapatid na si Harold ay umalis na sa kanya-kanyang trabaho ng mga ito. Itinulak niya ang wheelchair ng kanyang ina palabas gusto n'yang lalanghap ito ng sariwang hangin.
"Thank you, iha." wika nito sa kanya.
"Maganda rito mama, kapag umaga palang, mas mabuting makalanghap po kayo ng sariwang hangin mula sa hardin natin." sabi niya sa ina.
"Oo nga, anak, tama ka." nakangiting wika nito sa kanya na halatang masaya ito habang nagmamasid sa buong hardin nila at lumalanghap ng sariwang hangin.
Habang nag-uusap sila ng kanyang ina sa hardin ay may bigla namang taxing dumating sa labas ng kanilang simpleng gate. Tiningnan naman agad ni Helena kung sino ang dumating. Nagliwanag naman ang kanyang mukha nang bumaba mula sa taxi ang babaeng kilalang-kilala niya—si Airah! ang kanyang dating kaibigan at kaklase noon.
"Sino yang dumating anak?" tanong naman ng kanyang ina.
"Mama, nandito si Airah, ang dating kaklase at kaibigan ko!" masayang sagot niya sa ina.
"Mabuti naman at nagpunta talaga siya rito sa atin." natuwa ring sagot ng kanyang ina.
Tinawag muna ni Helena ang kanilang katulong na si Gemma para ito na ang sasama sa kanyang ina sa hardin, habang ito'y nagpapahinga pa. At siya naman ay sinalubong na ang kaibigan at kaklase noon.
Nasasabik pa si Airah na yakapin siya nito ng mahigpit at gano'n din siya, niyakap din n'ya ito ng mahigpit.
"Airah, kumusta ka na!? " natuwang tanong n'ya rito nang magkalas na sila mula sa pagkakayakap sa isa't isa.
"Okay lang ako, Helena, eh, ikaw? saan ka ba galing? bakit ilang taon kang nawala?" tanong naman nito sa kanya.
"Nasa Korea lang ako sa anim na taon. Nagtatrabaho sa malaking kompanya bilang isang secretary." wika naman niya sa kaibigan.
"Ahh, okay, nasa Korea ka lang pala."
"Yes, Airah. Halika muna sa hardin, nando'n si mama." ang sabi niya rito.
"Ay oonga pala, kumusta na si tita Lydia? balita ko kasi ay na stroke siya."
"Oo, kaya naka wheelchair nalang si mama ngayon." tugon naman niya rito na medyo nalungkot.
Pagkatapos nilang magpunta sa kanyang ina at nagbigay galang ang kaibigang si Airah ay tumuloy na rin sila sa loob. At nagpapahanda kaagad si Helena sa kanilang kusinera na katulong lang din nila ng kanilang maimeryenda ng kanyang kaibigan.
Nagkuwentuhan sila ng kaibigan habang hinintay pa ang kanilang meryenda na ipinahanda niya sa kanilang katulong. Alam na ni Airah ang dahilan ng kanyanh pag-alis noon kaya wala itong ibang topic kundi ang tungkol sa nangyari noon. Naikuwento rin niya rito kahapon sa text na nakita niya kahapon si Dave at ikinuwento naman niya ngayon na nais siyang kausapin ng kanyang adopted Sister.
"Go, kausapin mo ang adopted sister mo. Baka, kasi akalain pa ng mga 'yan na di ka pa naka move-on hanggang ngayon, idi baka pagtatawanan ka pa ng lihim ng mga 'yun. Hay kagigil, ipapakita mo, Helena, na nakapag move-on ka na sa anim na taong lumayo ka. Ipakita mong hindi sila kawalan sa'yo." wika ng kanyang kaibigan.
"Airah, matagal na akong naka move-on sa ginawa nila sa akin noon. Ayoko lang makipag-usap at makipaglapit ulit sa mga ahas." Gigil niya ring sagot sa kaibigan.