Ilang minuto akong nakikinig sa pag-uusap nila. Mabuti na lang kalaunan umalis na si Margie sa unit nang may natanggap siyang tawag. Mukhang hinahanap na siya. "I need to go. Basta iyong sinasabi ko sa'yo, and I'll promise. Walang makakaalam sa mga lihim mo," huling sabi ng kaibigan ko. Pagkaalis ni Margie, pumasok naman sa banyo si Harris kaya naman nagmadali akong lumabas sa kwartong iyon para hindi ako mahuli. Nanginginig pa ako habang palabas ng Hotel. I'm still shocked, parang sasabog ang utak ko sa lahat nang nalaman ko. I can think properly that night. Hindi ako makapag-isip ng tamang gawin. Umuwi na rin ako kalaunan pagkatapos kong magbihis. Dumiretso ako sa Hospital kung saan nakaratay sina Mommy at Daddy na naghihingalo sa buhay nila. Pagkakita ko pa lang sa dalawa. Hindi ko

