JESSY'S POV "I'm glad dahil nakipagkita ka sa akin. I miss you a lot, Jess." Nakangiti si Margie sa akin. Hindi ko maibabalik ang dating sigla ko sa tuwing nakikita ko siya. Hindi kasi ako iyong taong nakipagplastikan. Ayaw ko na rin magpaligoy-ligoy sa totoong pakay ko sa kanya. I don't have time para magpanggap na okay ang lahat sa kabila nang nalalaman ko sa pagkatao niya. "Hindi ako nakipagkita sa'yo para makipag-kwentuhan. Nandito ako para may kumpirmahin sa'yo," seryosong sabi ko. Nawala ang pinapakita niyang ngiti. Sa isang iglap lang nawala ang masayahing Margie na nakilala ko kani-kanina lang. Mukhang ramdam niyang masiyadong seryoso ang pag-uusapan namin, agad siyang tumikhim.. "What do you mean?" Huminga ako ng malalim. Pakiramdam ko, ito na ang katapusan ng pagpapang

