The dark place can make myself nervous. Ang lamig sobra habang hinihintay namin ni Harris na dadating sa puwesto namin ang sinasakyang yacht ni Sofia. Hanggang ngayon para pa rin akong lumulutang sa lahat nang nalalaman ko. Naliliwanagan na ako sa lahat na nangyari sa buhay ko simula't sapol. Nakakababa. Iyong tipong hindi mo inaasahan na nangyari ba talaga iyong lahat sa buhay ko? Kung sa una't huli kagagawan lang pala ng isang taong pinagkakatiwalaan ko ng sobra. Tama nga sila. Huwag magtiwala nang lubusan sa mga taong nakapalibot sa'yo dahil hindi mo alam sinasaksak ka na pala patalikod. Tinatraydor ka na pala nang palihim. Iyan ang masasabi ko kay kuya Andrew na hindi ko lubos maisip na magagawa niyang lahat nang iyon. Nagawa niyang pumatay ng tao dahil lang sa mga pamana sa aki

