Ngayong araw ang alis namin ni Harris. Hindi niya ako pinayagan na humawak ng cellphone, maski tumingin ng mga balita sa t.v hindi niya ako hinayaan. Ang dahilan niya para raw hindi ako makabasa ng kung ano-anong mga news tungkol sa pinagkakalat na issue naming dalawa na may nangyari sa amin. Sumang-ayon naman ako, at ibinigay ko sa kanya ang cellphone ko. Ang sabi niya sa akin na dadalhin niya raw ako sa malayong lugar ngayon. Doon raw kami magpapakasal, dahil sa tuwa ko hindi ko alam sa sarili kung bakit na papayag niya ako nang ganoon ka dali. I wanted to be with him. "I'll already called your Kuya about our decisions," sabi niya pa nang inutusan ko siyang magpaalam muna kami kay kuya Andrew tungkol sa planong ito. Tapos na niya itong kausapi at hindi ko alam ang pinag-uusapan nila

